truth to be told

5 1 0
                                    

Zoleira

Nakabalik na kami sa Academy pero sariwa pa rin sa isip ko ang lahat. Nandito ako ngayon sa loob ng clinic dahil hindi pa gumagaling si Ate, hindi pa rin s'ya nagigising simula nung araw na 'yon. At ilang araw na rin akong pabalik-balik dito para bantayan s'ya, sinasamahan ako ng ibang Omegas para magbantay pero pinapauwi ko rin sila kapag alam kong late na.

"Ate, miss na kita."

Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinaplos-haplos iyon.

"Miss ka na rin ni Ate."

Napatingin ako bigla ng nagsalita si Ate. Nagulat pa nga ako ng makita ko s'yang nakangiti sa akin.

"Ate.."

"Bunso, ang maganda kong bunso."

Napaluha ako at dali-daling niyakap s'ya.

"Shh..nandito na si Ate, hindi na ako aalis." Sabi n'ya habang hinahaplos ang likuran ko. At dahil sa ginawa n'ya ay lalo akong naiyak.

"May sasabihin si Ate sa'yo, bago sumama sa mga huntress ni Artemis." Sabi n'ya sa'kin kaya naman tumigil ako sa pag-iyak at tumingin sa kan'ya. Mukhang seryoso si Ate dahil sa expression n'ya ngayon, "You are old enough to know the truth, baby."

"Ate, anong...ibig mong sabihin?"

"I am just your tutorem.." sabi n'ya sa'kin habang umaagos na ang luha. Nakangiti pa rin s'ya sa akin kahit na mukha pa rin s'yang malungkot. "Pinili ako ni Cronus para alagaan ka.." sabi n'ya at humikbi.

Nanginginig ngayon ang kamay ko at kagaya ni Ate ay umiiyak din ako.

Cronus..

He's the Titan God of Time.

"I'm one of Artemis's huntress when Cronus came down from Olympus. He handed me a beautiful young maiden.." sabi n'ya habang nakangiti. "Pero..bata pa noon si Ate, kaya nagalit ako kay Cronus at sa ibang Gods and Goddesses. A-ayaw pa ni ate ng r-responsibilidad.." umiiyak na sabi n'ya at tinakpan ang bibig para hindi mapahagulhol.

Iniwan ako ni Cronus kay Ate Eurydale na isa sa mga huntress ni Artemis?

Tumingin ako kay ate ng kuhanin n'ya ang kamay ko. Umiiyak pa rin s'ya at nanginginig habang hawak ang kamay ko na namamasa dahil sa galit at sakit.

"N-nalaman ni Ate na...n-niligtas ka ni Cronus sa mata ni Zeus, ang anak n'ya." Sabi n'ya sa'kin. "Cronus was known for eating his childrens, they believed that he's doing that to ensure his childrens safety. But he did not done that to you, Zoleira Haydel," dagdag n'ya at hinaplos ang aking mukha.

Ngumiti ako sa kan'ya ng malungkot.

Cronus..

A God who saved me from himself.

"I'm still wondering why..bakit hindi ka na lang n'ya kinain?" Sabi n'ya sa'kin at kumunot ang noo pa. "But, I'm thankful that he entrusted me your life." Sabi n'ya ulit sa'kin at nakangiti na ngayon, isang masayang ngiti.

Cronus, Dad..

Gusto kitang tawaging Dad pero hindi ko alam kung paano. Kahit sinasabi sa akin ni Ate ito, hindi ko pa rin matanggap na pinamigay mo lang ako.

"Huwag kang magalit kay Cronus, Zoleira."

Tumingin ako sa kan'ya.

"Bakit? Dapat ba matuwa ako, ate?" Tanong ko sa kan'ya.

Demigods Academyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن