graces and gifts

5 1 0
                                    

Lei

"ZOLEIRA! WAKE UP!"

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Binuksan ko iyon ng mabilis dahil mukhang nagmamadali ang kung sino mang sumigaw, doon ko nakita si Solana na may dala-dalang panda na teddy bear. Ngumiti ako sa kan'ya bago kinusot ang mata ko. Kagigising ko lang kasi at nagmadali pa akong buksan ang pintuan, si Solana lang pala ang nandito.

Nakangiti ito sa akin habang pinagmamasdan ako. Hindi ko tuloy alam kung anong expression ang ilalabas ko, kaya napanguso na lang ako at iniwas ang tingin sa kan'ya.

"Hala! Galit ka ba?" Tanong n'ya sa'kin.

Umiling lang ako bilang tugon. Wala akong ganang makipag-usap ngayon, at hindi ko alam kung bakit. Napabuntong hininga ako bago s'ya tiningnan uli.

"Anong meron?" I ask.

"Ihhhh...pupunta raw kasi ang Omega Class sa Olympus Hall." Sabi n'ya sa'kin at ngumuso.

Tumango na lang ako sa kan'ya at sinarado ang pintuan. Alam kong rude ako sa ganoong bagay at sa ugali na pinakita ko, hindi ko nga rin alam kung bakit ko iyon ginawa.

Ginawa ko na ang routine ko at sinuot ang formal attire ko, normal uniform lang din ito rito sa academy. Pero para sa akin ay isa ito sa formal attire nila.

Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko pa si Hadeon na kakalabas lang din sa kwarto n'ya. Wala pa rin emosyon ang mukha n'ya pati mata kahit na ngumingisi s'ya.

Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at bumaba na.

"Nandito na pala ang prinsesa at prinsipe natin." Sarkastikong sabi ni Zhinoah kaya napaismid ako. Sana lang ay hindi n'ya nakita iyon. "Psh. The audacity para ismiran ako." Sabi n'ya at pasimple akong pinanlakihan ng mata bago ako inirapan.

Ngumiwi lang ako at sumunod sa kanila palabas ng dorm. Hindi rin ako kinausap ng iba dahil siguro sa aura ko ngayon.

Pupunta raw kaming Hall ngayon to receive our graces galing sa mga deities namin. Hindi ko lang alam kung mayroon ako, hindi ko naman kasi kilala kung sino ang deity ko. At wala akong balak na kilalanin siya.

"Good morning, Omega Class and Alpha Class." Bati ni Principal sa amin. Nakatayo pa rin kami kahit dumating na kami.

Kami na lang pala ang hinihintay. Nakakakonsensya tuloy dahil sa attitude ko kanina.

"Today you will receive your graces from your deities-"

"Sorry to interrupt your speech. Paano naman kung hindi kilala ang deity nila?" Tanong ni Zhinoah at tumingin sa'kin. Nanliit ang mata ko sa kan'ya. "Malay n'yo there's someone out there whom are just living...tapos napunta lang dito sa academy like a lost kitten." Sarkastiko n'yang sabi.

"Zhin, shut up." Saway ni Niah sa kan'ya.

Umirap lang si Zhinoah sa kan'ya.

Nanliit tuloy ako sa sarili ko dahil sa tanong n'ya, but I can swallow it. Totoo naman kasi ang sinabi n'ya.

I don't know who's my deity is, tapos pumasok lang ako dito sa academy ng hindi ko manlang alam ang background nito.

Nasasaktan ako.

"Lei...please, stop." Biglang sabi sa'kin ni Heaven, nakita ko kung paano s'yang napapakapit sa dibdib n'ya. "I can feel your emotions right now," naiiyak na sabi n'ya sa'kin.

Kinalma ko naman ang sarili ko at hindi na lang nag-isip ng kung ano ano.

"Alpha, kayo ang mauunang magreceive ng graces at gifts from your deities." Sabi ni Principal, tapos na pala s'ya sa speech n'ya.

Pumunta sa unahan ang tinatawag nilang Alpha. Nakita ko rin si Quin na nag-receive ng gift. He received a gift from Zeus, I guess, a thunder like sword.

Napanganga ako dahil biglang kumulog kahit na wala namang ulan. Tiningnan ko si Hadeon na wala pa ring emosyon ngayon. Nakatingin lang s'ya kay Quin.

Nagsunod-sunod ang pagkuha nila ng gifts at graces nila. Hindi ko tuloy alam kung sino ang may pinaka-magandang gift. Kay Quin kasi ako mas pinakanahook.

"Omega Class, it's time to receive your graces and gifts from your deities." Sabi ni Principal kaya pumunta na kami sa unahan. "Alpha, please go back to your dorm. Wala kayong klase ngayon except sa training." Sabi ni Principal ng bumaling siya ng tingin sa Alpha.

Sumunod naman sila hanggang sa makaalis. Mahigit 20 yata sila sa group.

"Now, Omega Class. Mafi-feel n'yo ang gifts ninyo kapag dinamdam n'yo ang mga deities ninyo." Sabi ni Principal, napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "You will close your eyes, and after 5 minutes open." Dagdag ni Principal kaya iyon ang ginawa namin.

-
Zhin

Sinunod na namin ang sinabi ng Principal. Hindi ko lang alam kung ano ang makukuha ni Lei, s'ya lang naman ang mukhang walang muwang dito at hindi alam kung ano ang gagawin. I'm still wondering what will be her gift from her deity. Nung first day ng meeting namin, nakita ko s'ya sa room n'ya. Mukha s'yang barbie dahil sa mukha at katawan n'ya. May pagkakahawig din s'ya kay Aphrodite, Psyche, Persephone at sa God of Time na si Cronus.

Kaya siguro ako naiinis sa kan'ya. O kaya naman, inis ba ito o insecure lang talaga ako?

Iminulat ko na ang mata ko at ngayon ko lang napansin na ako at si Lei na lang pala ang naiwan na nakapikit. Nakakahiya naman kay Shin.

Tiningnan ko kung ano ang nasa kamay ko at nakita ko ang Bow and Arrow pati sword. Simbolo ni Ares at Artemis.

Napapikit ako at tinanggal sa isipan ko ang inis.

"Are you okay, Zhin?" Tanong ni Heyah sa'kin, alam kong naramdaman n'ya na naman ang naramdaman ko. Perks of having her mom's power.

"I'm fine." Sabi ko na lang.

Lumapit na kaming lahat kay Lei, s'ya na lang kasi ang hindi pa nakaka-receive ng kahit na ano. Napansin ko rin ang pamumutla n'ya.

Nagkakaroon din s'ya ng symbols nina Psyche, Persephone, Aphrodite pati ni Cronus. At sa iba't ibang bahagi pa ng katawan n'ya!

She's so damn mysterious. Lalo na kanina parang ibang tao s'ya.

"A clock on her forehead. Butterfly on her chest. A rose symbol located on her stomach, and an Iron Crown on the back of her hand." Biglang salita ni Irish, kaya naman tiningnan namin ang mga sinabi n'ya.

Nandoon nga..

Lahat ng sinabi ni Irish na symbols ay nasa katawan nga ni Lei.

Tiningnan ko ang anak ni Zeus na descendant din ni Hades na si Eon. Naka-poker face lang ito pero alam kong curious din s'ya.

Parehas sila ni Lei. Ganyan din ang nangyari kay Eon noon.

"Indeed, she's his daughter." Sabi ni Irish at ngumiti habang nakatingin kay Lei.

Napaatras namin kami ng sumigaw ito.

Sumigaw s'ya nang sumigaw na para bang may lumalabas sa kan'ya na kung ano. Maya-maya pa ay nakita na lang namin na iba na ang suot n'ya, mas maganda ang suot n'ya kaysa sa amin. May hawak din s'yang orasan, sword pati na rin... NEEDLES?!?

May hawak din s'yang bungo. Mukha tuloy s'yang galing underworld.

What the fuck.

"She's going to faint.." mahinang sabi ni Heyah kaya naman tiningnan ko uli si Lei.

Namumutla pa rin ito, babagsak na sana s'ya ng makita ko sina Seb at Eon na tumatakbo para saluhin s'ya. Pero nauna si Eon kaya nasa kan'ya si Lei.

Mukhang naka-seal agad lahat ng mga gifts sa kan'ya. Maliban lang sa orasan na naging kwintas at nakasuot na sa kan'ya ngayon.

A daughter of Cronus..

-AwakenLune

Demigods AcademyWhere stories live. Discover now