chaos of their past

7 1 0
                                    

Zoleira

Simula nang makarating ako rito sa dorm namin ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang mamangha. Wala kasi akong experience na ganito sa buong buhay ko, hindi naman ako pinapayagan ni Ate unless it's about academics. Ayaw n'ya kasi na bumagsak ako when it comes to academics, kaya lumalabas lang ako kapag kailangan. But even though I tried learning, I still got a lowest remark. Maybe in this new home, magiging ayos na ang lahat. Siguro dito ako magbabago at dito ako magiging maayos.

Narinig ko na may kumatok sa kwarto ko kaya naman tumayo ako at pinagbuksan ang taong kumakatok.

And it was Solana.

"Okay ka lang ba dito? Magsabi ka lang kung uncomfortable ka ah? Willing akong ipahiram sa'yo si—"

"Solana, she's having her rest." Sabi ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay s'ya si Niah. "Come here, Solana, and let her take a rest." Sabi uli ni Niah at sinenyasan si Solana na bumaba.

She turned her gaze on me, "Pumunta ka na lang dito sa baba pagkatapos mong magpahinga." Dagdag n'ya bago tuluyan ng hinablot si Solana na nagpupumiglas pa.

Napapangiti akong sinarado ang pintuan ko bago pumunta sa aking higaan at natulog.

Mainit sa balat ang hangin. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, basta ang alam ko ay mainit. At sobrang dilim ng kalangitan, hindi ko nga makita ang ibang mga bituin.

"P-pinatay mo sila.."

Napatakip ako sa bibig ng makita ko ang isang babae na may hawak ng umaapoy na espada. Tiningnan ko kung sino ang babaeng iyon pero nagulat ako na si Zhinoah iyon.

"They pushed me to do so." Malamig na sabi n'ya at tinapon ang apoy sa babaeng nagsabi non sa kan'ya.

Narinig ko naman na may umiiyak na sanggol kaya tiningnan ko kung nasaan ang bata. At nakita ko rin ang pagliyab lalo ng espada ni Zhinoah bago naglakad papunta sa direksyon ng bata.

"WAAAAAAAG!" Sigaw ko.

Nagbago naman ang kapaligiran at nakita ko si Solana na umiiyak habang nasa loob ng isang kulungan. May kasama rin s'yang babae na kamukha n'ya pero hindi ko kilala.

"T-tulong..pakiusap" sabi ng babaeng kamukha ni Solana.

"Solene, hindi na yata nila tayo palalabasin dito..kung hindi ako magpapakasal kay Dion—"

"Solana, paki-usap, huwag mong sabihin 'yan. Nasa teritoryo tayo ng kamatayan." Sabi ni Solene na kamukha ni Solana.

Ang sunod na nakita ko ay ang pagdakip ng mga mukhang zombie kay Solana at pag-iyak ni Solana ng malakas dahil kay Solene na duguan na at walang buhay.

Napaiyak din ako sa nasaksihan ko.

Maya maya pa ay nag-iba na naman ang paligid. Parang nasa rollercoaster ako at buhay nila ang iniikutan ko.

Nakita ko si Niah na nakatayo sa isang statue. Hindi ko alam kung anong statue iyon.

"Mother, you forgot me again. Are you really my deity? Or you're just a mere goddess who get birth to me?" Malalim at may bakas ng lungkot ang boses n'ya.

"Who are you to question me being your deity, Child?"

"You who killed your own father just to satisfy your needs."

Demigods AcademyWhere stories live. Discover now