introducing the deities

6 1 0
                                    

Zoleira

"Ang tagal n'yang magising."

"Hihihi! cute cute cute ni Zoleira! Waaahhh"

" 'wag kang maglalabas ng apoy, Zhinoah."

"Ang tagal tagal kasi.."

"Let her sleep."

Unti-unti kong minulat ang mata ko dahil sa mga naririnig kong ingay. Pero pagkamulat ko ay parang gusto ko na lang uli matulog, dahil sa mga nandito sa kwarto ko. Napakurap ako dahil nakita ko si Zhinoah na may nagbabagang apoy sa kamay, hindi ito gaanong matingkad pero halatang masakit sa balat kapag tinamaan ka.

Lumapit sa akin si Solana at niyakap ako, kinwentuhan n'ya ako nang kinwentuhan at kagaya kagabi ay puro tango at ngiti lang ang nagiging sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana simula ng magising ako sa panaginip na 'yon.

"Wear your uniforms, guys." Paalala ni Niah sa amin kaya tumango na lang ako. Wala talaga akong gana. "Also, may dadaanan pa kami ni Zoleira—"

"Sama ako!" Sigaw ni Solana at hinila si Heaven kaya naman napangiti ako. Ang kulit ni Solana, hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa kan'ya. "Dapat sasama ka rin, Heyah!" Sabi n'ya at taas noong tiningnan si Heaven bago tinaas baba ang kilay n'ya.

Napatawa na lang ako pero si Niah naman ay hindi, kaya napatikom uli ako ng bibig ko. Hindi dapat ako natatawa ngayon, dahil nga ang sabi ko ay wala akong gana. Kibit-balikat akong bumalik sa kwarto ko.

Tiningnan ko ang nakahanda ng uniform na nasa bed ko, sa tingin ko ay si Niah na ang naghanda sa akin nito. Dumiretso na ako sa shower area ng kwarto ko bago ako naligo, pagkalabas ko naman ay nagbihis na agad ako ng uniform nila rito.

Napatango-tango ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Kulay red ang color ng skirt ko na above the knee, may maliit akong necktie at fit na blouse. Samantalang ang coat ko naman ay red din, may mini bulsa pa s'ya at pin na 'o' siguro ang meaning niyon ay omega, sa pin na 'yon din ay naka-ukit ang logo ng school.

Pinasadahan ko naman ang aking katawan hanggang mukha.

"You are really my daughter,"

Napahawak ako sa ulo ko ng marinig ko iyon. Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong nakita. Siguro imagination ko na naman 'yon, kagaya ng mga panaginip ako sa bago kong mga kasama.

Napapabuntong hininga ako ng bumaba ako para salubungin sina Niah, Heyah at Sol. Niyakap ako ni Sol at binati ulit, ganoon din si Niah at Heyah. Ngayon ay naglalakad na kami papuntang fairen's registration.

"Dito na tayo. Zoleira, you are the only demigod who's allowed to come." Sabi ni Niah at tumango lang ako bago ngumiti. Pumasok na ako doon at tiningnan ang kabuuan nito, bago pinasadahan ng tingin ang harapan. Nakita ko ang isang mukhang diwata dahil sa hitsura nito.

Nginitian n'ya ako. "Have a seat," she said and offered me a chair infront of her desk. "What can I do for you?" Tanong n'ya sa akin.

"I want to register my desired alternative name." Sabi ko at ngumiti naman s'ya bago binigay sa akin ang isang mukhang receipt, kaya tinanggap ko ito at nilagay ang aking alternative name. Maya-maya pa ay umangat ito at biglang nasunog. "H-ha.." sabi ko na lang dahil hindi ako makapaniwala.

Tinaasan n'ya ako ng kaliwang kilay bago natawa, hindi ko alam kung anong nakakatawa. Expression ko ba o dahil mukha akong walang muwang sa mundong 'to?

"Ikaw 'yung bago?" Tanong n'ya sa akin.

"Yes po," maikling sagot ko at ngumiti.

"Have a great day, Demigod. 'Wag kang lalapit sa ibang guild dito sa academy o kahit sa ibang academy," paalala n'ya sa akin bago ako pinalabas ng office. Nakita ko sina Heaven, Solana at Niah na naka-upo sa isang liwanag.

Nang makita naman nila ako ay agad agad nilang pinakawalan ang liwanag na iyon.

Lumapit sa akin si Solana at pinisil ang pisngi ko kaya naman napangiti ako at pinisil ang pisngi n'ya pabalik.

"Let's go. You still have a long way to go, Lei." Sabi ni Niah at tumango-tango naman si Solana. Hinila n'ya si Heaven sa tabi n'ya habang ako naman ay hinila ni Niah para itabi sa kan'ya.

She's my guide after all.

Tinuturo n'ya bawat sulok ng paaralan sa akin, hindi nga nakaligtas sa kan'ya ang isang maliit na palaso na muntik ng makasugat sa akin at sa amin.

Grabeng pagwe-welcome 'to.

Pumunta naman kami sa isang safehaven at nakita ko ang mga sculptures na nakita ko rin sa panaginip ko ang iba. Sculpture ng iniiyakan ni Niah na tinawag n'yang mother.

Hinila ako ni Solana at pinwesto sa isang sculpture na may lyre na hawak. Mukha itong musician.

"Apollo, God of music, art, poet, medicine and knowledge. He's the deity of Solana. Solana inherited medicine and knowledge of his deity, but that's just her basic power." Sabi ni Niah sa akin at ngumiti ng bahagya. Nakita ko naman si Solana na tumatakbo-takbo sa akin bago ako niyakap.

Pumunta naman kami sa isang deity, deity yata ito ni Heaven. Napatingin ako sa kan'ya at nakita ko s'yang nakatingin sa sculpture.

"Aphrodite, Goddess of beauty, love, and desire. She has this power to captivate someone by the use of her beauty. She's my deity," ngiting sabi ni Heaven sa akin. "I have the power to command and control love." Dagdag n'ya kaya napatango ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit feeling ko ay may connection din ako sa deity na ito? Bakit?

Pumunta naman kami sa isa pang deity sculpture. Lumapit doon si Niah at nagkaroon ako ng deja vu, nakita ko na kasi ito sa panaginip ko.

"Athena, Goddess of knowledge and war. She's my deity, I inherited her knowledge in everything." Sabi ni Niah, pero feeling ko ay hindi lang 'yan ang nainherit n'ya. Ngumiti ako sa kan'ya.

Pinakilala n'ya pa sa akin ang ibang Gods and Goddesses na deity pala ng mga kasama namin. Sa Sunday n'ya na lang daw ipapakilala ang minor at titan.

Napatingin ako sa isang sculpture, isang lalaki iyon na may hawak na baby. Mukha n'yang binibibend ito.

"Cronus, God of Time and ruler of the universe. Bihira lang ang magkaroon ng descendant nito. He's also known for being a ruthless ruler, and leader of the Titans."

Pumasok sa isip ko ang sinabing iyon ni Niah.

"Siguro ang magiging anak n'yan ni Cronus *nom* *nom* ay maiinherit yung pagiging God of Time n'ya! Kaya ba namang pabalikin at pahintuin ang oras hihi. That's cool!"

Napahinto ako sa paglalakad kasama sina Niah, pumasok sa isip ko iyon. At pumasok din sa isip ko yung lalaki at babae sa panaginip ko.

Parehas nila akong tinatawag na Lei at kanina naman ay yung lalaking mukhang bumulong sa akin ng 'You are really my daughter'

Mukhang dito ako masisiraan ng bait.

AwakenLune

Demigods AcademyМесто, где живут истории. Откройте их для себя