-1

25 6 6
                                    

Vana

Three years ago. . .

"I saw your grades, Vana."

Napatigil ako sa paghihiwa ng porkchop na nasa aking plato nang marinig ko ang komento ng aking Lola. Kinapitan naman ako ng kaba kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

Please, be a good compliment.

Please, be a good compliment.

Please, be a good compliment.

"You're doing a pretty good job on maintaining on being the best not only on your class but also on your grade level."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"Sinabi ko naman sa'yo, Ma, she's doing great on her academics," my mother added then placed her hand on my shoulder and smiled at Lola like she was assuring that I'm really doing well at school.

Pilit akong ngumiti kay Lola.

"Dapat lang na nag-e-excel ka sa gan'yang mga bagay." Nawala ang pilit kong ngiti kasabay ang unti-unting pagyuko ng aking ulo. "This is your only way to prove your worth to our family," she added.

Matamlay akong napatitig sa pagkain sa plato ko. Tila nabunutan ako ng tinik kanina pero 'yung bigat ng nararamdaman ko ay hindi naman nabawasan ni isa.

It's always like this.

They expect too much.

"Don't pressure her too much, Ma." My mother butted in with a concerned voice. Then I heard Lola suddenly stops eating. "Without pressure, diamonds weren't be created. Pressure pushes us to do things far more beyond the word best," paliwanag ni Lola habang ako'y nakatingin pa rin sa plato ko.

It's sickening to hear this.

"Pressure is what forged you and your brother into becoming one of the best architects and engineers here and on abroad."

I'm so tired with this.

I just want to go home and sleep already.

My mother wipes her lips and put down her bib on the table. "Ma, can we talk for a moment?" She asked.

"Hindi pa ba tayo nag-uusap ngayon?"

My mother let out a deep sigh. "Just the two of us," my mother gets up of her seat before looking at me. "Finish your food, ok? Lola and I will just talk about some important things." I just innocently nodded my head.

My mom walked out first before my grandmother follows her.

Napahinga na lamang ako ng malalim ng umalis sila.

Napalingon ako sa labas ng kinakainan naming restaurant mula sa transparent nitong mga salamin. Then a group of students walk by, they all seems happy and living their life to the fullest.

Mapait na lamang akong napangiti.

Am I jealous to them?

Kailangan ko lang sigurong magpahangin.

Tumayo ako sa aking inuupuan at lumabas na ng restaurant ng hindi nagpapaalam sa nanay ko. Babalik naman kase ako, magpapahangin lang. Masyado na kasing nakakasakal ang hangin sa loob.

Malapit sa isang plaza ang resto kaya roon muna ako nagtungo para magmuni-muni. I know it's not a serene place to emote but at least the air there wasn't that choking.

Gabi na, napapalibutan ng mga street vendors ang plaza, marami na rin ang mga tao. Sumalubong sa pang amoy ko ang usok mula sa mga iniihaw na mga barbeque. Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko, at ang ingay ng mga tao na tama lamang sa pandinig k—

"Miss, tabi!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang lalaking sakay sa isang skateboard na papalapit na sa akin.

Tila bumagal ang paggalaw ng mundo sa paligid ko.

Napakurap ako ng ilang beses, bago ko naramdaman ang skateboard nya na tumama sa binti ko dahilan para ma-out of balance ako.

💜

Immiscible HeartsWhere stories live. Discover now