1

5 2 0
                                    

Dever

"Dever, sinasabi ko sayo, 'wag na 'wag mong sasakyan sa gitna ng kalsada kung gusto mo pa makauwi," paalala ni Mama habang nakatingin sa skateboard ko sa akin habang kumakain ng almusal.

"Dever, sinasabi ko sa iyo ha! Saka mag-ayos ka na sa pag-aaral mo, senior high ka na," dagdag pa ni Mama. "Noted, Ma," sagot ko bago nilagok ang tubig sa baso.

"Naku, Ma, 'wag mo na 'yan paalalahanan, hindi rin naman nakikinig," singit pa ni Ate na nasa may sofa sa salas. 

"Lakas ng pandinig mo ah!" Sigaw ko pabalik sa kanya. "Malamang, hindi ako bingi eh!" Tugon nito.

"Ayan, magsasagutan na naman kayo tapos may mapipikon. Itigil n'yo na iyan!" Nagulat ako ng biglang pinisil ng pagdiin diin ni Mama ang tainga ko. "Aray, Ma!" Kaagad kong daing.

Hindi naman nagtagal ay binitawan na ni Mama ang tainga ko, mabilis ko namang hinawakan ang tenga kong pinisil ni Mama. "Ma, bakit ako ang piningot mo?!" Reklamo ko.

"Wala, ikaw ang malapit eh," saad nito at parang walang nangyaring naglakad papunta sa may lababo.

"Huh?!"

Minsan talaga, hindi ko na ma-gets ang nanay ko.

"Lil' bro, tara na!" Tawag sa akin ni Ate kaya tumayo na ako at dinala ang pinagkainan ko sa may lababo kung saan naroroon si Mama at naghuhugas na ng pinggan.

"Bye, Ma! Pasok na kami!" Paalam ko sa kanya sabay halik sa pisngi nito. "Sige, mag-iingat kayo. 'Wag magpapagabi." Habol pa nito ng palabas na ako ng kusina.

Pagkarating sa salas ay kinuha ko lang ang bag ko na nasa sofa bago dumiretso sa may pintuan at nagsapatos. Bago lumabas ay kinuha ko na ang skateboard ko na nakasandal sa dingding.

Pagkalabas ko ng bahay ay nasa labas na rin ang Ate ko at hinihintay ako. "Tara na," sabi ko rito at naglakad na kami.

"Masakit ba ang pingot ni Mama?" Natatawa nitong sambit sa akin. "Hindi naman, parang kagat lang ng langgam."

"Sus, kagat daw ng langgam pero namumula ang tenga," umiiling nitong wika. "Magulat ka kapag naging green 'yan," pamimilosopo ko.

Habang nakikipagsagutan ako sa kanya ay inilagay ko ang skateboard ko sa pagitan ng bag ko at likod ko.

"Hindi ka ba nasasaway sa school kapag dinadala mo 'yang skateboard mo?" Tanong nito. "Limang taon na akong nagdadala nito sa school, hindi naman ako nasasaway," katwiran ko.

"Sa garo mong iyan, nagtataka nga ako kung bakit hindi ka namumura sa school."

"Because I skate responsibly, kapag nasa loob ng school," nakangisi kong sagot sa kanya. "Kow, yabang ah!"

"Syempre, mas matangkad na ako sa'yo eh," biro ko sa kanya. "Kaya nga, binata na ang bunsuhan namin." Biglang kinurot naman ni Ate ang pisngi ko ng gigil na gigil.

"Ate!" Tawag ko sa kanya habang inaalis ang kamay sa pisngi ko.

Taena, pisngi ko naman ngayon!

Humalakhak naman ito bago inalis ang kamay n'ya. "Kow, pula ang pisngi ko eh," komento ko ng silipin ko ang aking sarili sa camera ng aking selpon.

"Dapat meron din 'yung kabila." Akmang kukurutin nito ang kabila kong pisngin mabuti na lang ay kaagad akong nakalayo.

"Sumakay ka na nga sa jeep!" Saad ko rito ng makarating kami sa paradahan ng jeep. "Pantayin muna natin 'yang kulay ng pisngi mo," pagpupumilit pa rin nito.

Kaagad ko namang kinuha ang skateboard at inilagpak ito sa sahig bago isinakay ang isa kong paa.

"Kuya," kinalbit ko ang lalaki sa gilid ko na naglalakad. "Pakurot daw sa pisngi mo etong ate ko," wika ko sa lalaki dahilan para mapahinto ito sa paglalakad at mapatingin sa kapatid ko.

"T*ng ina mo, Devereaux!" Sigaw nito sabay batok sa akin.

Alam ko na ang kasunod kaya bago n'ya pa ako paulanan ng sermon ay kumuha na ako ng bwelo at mabilis na umalis.

"Dever!" Rinig kong sigaw pa ni Ate pero hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakbay papuntang school.

Taena, lagot ako mamaya. Pero mamaya pa naman.


Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa kanto kung saan malapit ang school na pinapasukan ko. Marami-rami na ring mga estudyante ang naglalakad sa tabi ng kalsada suot ang uniporme ng aming eskwelahan.

Sumisipol-sipol kong ibinaba ang kanan kong paa sa skate para pumadyak at kumuha ng pwersa para paandarin ito. Nang makakuha ng bwelo ay ibinalik na muli ang paa ko at napahikab ng wala sa oras.

'Beep!'

Tila nagising naman ang diwa ko ng may bumusina sa likuran ko.

"Wala naman ako sa gitna ng daan ah?" Wika ko sa sarili ko at sinundan ng tingin ang SuV na bumusina sa akin. "Problema no'n?"

Muli akong bumalik sa pags-skateboard ng paran walang nangyari ngunit hindi dahil sa nangyari ay hindi ko napansin ang isang blue na kotse na nakaparada hindi kalayuan sa main gate ng school. At nagulat ako ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng passenger seat na syang nasa side ng sidewalk na kinaroroonan ko.

"Anak ng—"

Kaagad kong inilagay ang isa kong paa sa dulo ng skateboard para paangatin ito at makuha ko. Matagumpay ko namang nagawa pero masyado na akong malapit noon at dahil sa momentum ay napadire-diretso pa ako ng takbo bago ako tuluyang huminto isang dipa mula sa mismong pintuan.

Hingal na hingal akong nakipagtitigan sa pintuan sa harapan ko habang maigpit na nakahawak ang kanang kamay sa skateboard na umiikot pa ang mga gulong.

"Muntikan na," bulalas ko ng makabawi.

"'Toy, ayos ka lang?" Napalingon naman ako sa bukas na passenger seat ng may marinig akong magsalita.

Bumungad sa akin ang isang estudyanteng babae na nakauniform na walang emosyong nakatingin sa akin.

Naningkit ang mga mata ng tila pamilyar ang mukha n'ya sa akin.

Naging kaklase ko ba s'ya?

Pamilyar ang mukha ng isang 'to ah?

Naawat lang ako ng mamaya-maya pa ay lumabas ang isang babaeng parang kasing tanda lang ni Mama sa may driver's seat.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Anak n'ya ba 'yung nasa passenger seat? Parang xinerox lang ang mukha n'ya roon sa babae sa passenger seat.

"Ok lang naman po ako. Hindi naman po ako bumangga sa pintuan," sagot ko sa ginang. "Pasensya na ha, masyadong napalapit masyado sa sidewalk ang parada ko," paghingi pa ng ginang ng paumanhin.

"Ok lang ho, hindi ho rin ako nakatingin sa dadaanan kaya may kasalanan din ho ako," nahihiya kong sambit. "Ay s'ya, sigurado kang hindi ka bumangga ha?" Paninigurado pa ng ginang.

Umiling ako, "Hindi ho talaga," nakangiti kong sagot. "Sige ho, pasensya na ho ulit," nag-bow ako bago nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

💜

Immiscible HeartsWhere stories live. Discover now