2

3 2 0
                                    

Dever

Lutang pa rin ang utak ko habang naglalakad sa hallway papunta sa classroom ko dahil sa near-death experience na naranasan ko kanina.

Muntikan ko na makayakap ang pintuan ng kotse, hanep!

Tiyak na malalagot ako kapag nalaman 'yon ni Mama.

Grabeng first day of school ito, wala pa ako sa room ang dami na agad nangyari sa akin. Hindi naman ganito last year ah?

Napailing na lamang ako para iwaksi ang mga kaganapan sa utak ko.

Taena, saan nga ulit ang room ko?

Napakuha ako ng selpon ko sa aking bulsa para tingnan sa gc namin para alamin kung saan naroroon ang room ko ngayong school year.

'Room 303, Mabini Building'

Third floor pala ang room ko ngayon. Tamang naman ang building na kinaroroonan ko ngayon bale aakyat na lang ako sa third floor at hanapin kung saan sa limang room ang 303.

Napalibot naman ang mga mata ko sa mga classroom na nadaraanan ko. Puro mga laboratory pala ang nasa first floor kaya pala walang mga estudyante sa loob ng mga rooms.

Maaga pa rin naman kaya kakaunti pa lang ang mga estudyante at kakaunti lang din ang kasabay ko maglakad sa hallway.

"Pula pa rin, taena, ate kase," bulong ko sa sarili ko ng muli kong i-check ko sa camera ng cellphone ko ang pisngi kong pinisil kanina ni Ate.

Ngunit natigil ako sa pagsilip ng biglang may babaeng nagsalita.

"Excuse me," wika nito sabay lagpas sa akin na ikinatigil ko ng paglalakad at ikinatitig ko sa papalayong babae na may kulay light purple na backpack.

Huh? Ang laki ng hallway ah?

Ginagawa no'n?

Napakibit balikat na lamang ako bago bumalik sa paglalakad.

"Hay!" Muli akong napahikab ng malakas. Antok pa ako dahil anong oras na rin ako nakauwi kahapon galing sa plaza para magskateboard. Nag-ayos pa rin ako ng gamit bago matulog.

Paakyat na ako ng hagdan ng makita ko 'yung babaeng lumampas sa akin kanina na natisod sa unang baitang ng hagdan na dahilan para para muntikan na sya magsungaba sa hagdan.

"Ow!" Tanging nasambit ko sabay hawak sa bag n'ya para mapigilan ang tuluyan nitong pagmeet and greet sa hagdanan.

Puyat pa yata si Ate.

"Muntik na. Ayos ka lang?" Tanong ko sa babae na napaayos naman ng tayo. Binitiwan ko na ang bag n'ya ng humarap s'ya sa akin.

Nawala ang antok ko ng makita ko ang babaeng sakay kanina sa kotseng ang pinto ay muntikan ko nang mabangga. "Ikaw ulit?" Bulalas ko habang nanglalaki ang mga mata.

Walang emosyon lang itong nakatingin sa akin.

Muling naningkit ang mga mata ko, pamilyar talaga ang mukha n'ya.

"Thanks," maikli nitong wika sa akin at pinagpagan ang uniform n'ya bago umakyat na ng hagdan.

Napailing ulit ako para iwaksi ang laman ng utak ko at umakyat na rin ng hagdan.

Pagdating ko sa third floor ay nakitang kong pumasok yung babae sa room na katabi ng hagdan. Tiningnan ko ang numero ng room na nasa may pinto.

'305'

"Sa wakas!" Mahinang anunsiyo ko.

Pumasok na ako sa loob at kaagad sa akin ang malamig na simoy ng aircon at ang mga armchair. Napansin ko rin ang malaking 'Welcome STEM 11 Einstein!' na nakasulat sa whiteboard sa unahan.

Inilibot ko ang paningin ko at bukod sa iilang mga estudyanteng nakaupo na sa kanilang mga upuan ay napansin ko rin ang mga papel na nakakapit sa mga upuan, nakasulat dito ang mga apelyido ng aking mga kaklase.

Kaagad ko namang hinanap ang apelyido.

Himala at wala akong kaapelyido ngayong taon kaya madali kong nakita ang upuan ko. Nakapwesto ito sa gilid na katabi ng sliding window.

Nagtungo na ako roon para ilagay ang mga gamit ko.


"Good morning, Class! Let me introduce myself, I'm this school year's class adviser. I'm Joyce P. Madrigal Lpt. I graduated at Southwest University with bachelor's degree of Secondary Education Major in Mathematics," pagpapakilala ng teacher namin.

"In this semester, ako ang magiging teacher n'yo sa isa ninyong major subject which is Pre-calculus," dagdag pa nito para ikasinghap ng karamihan sa amin.

Sh*t, math!

"Syempre, gusto ko rin kayong makilala. Simula tayo sa'yo, Ms. Andulan. Please state your basic infos and bakit ka nag-STEM," turo ng Ma'am doon sa babaeng nasa dulong upuan sa unahan.

"Hala Ma'am, wait lang," awat nito kay Ma'am na ikinatawa naman nito. "Sige, bibigyan ko kayo ng 5 minutes para magconstruct ng introduction n'yo."

Bigla namang nagkagulo ang lahat.

"Nags-skateboard ka?" Tanong sa akin ng isa kong kaklaseng lalaki na hindi kalayuan sa akin na nakatingin sa skateboard ko na nakasandal sa pader sa tabi ko. "Oo," sagot ko.

"Nice!" Singit naman ng isang lalaki na nakaupo sa unahan namin. "Ilang years na?" wika nito.

"7 years na rin." Napa-wow reaction naman ang dalawa. "Kaya pala pamilyar mukha mo, ikaw pala 'yung laging nasa may skate corner sa plaza!" Dagdag pa nito.

Ang hirap ng may mapurol na memorya.

"Nags-skateboard ka rin?"

"Oo, pero hindi minsan lang. By the way, ang astig ng skateboard mo," komento nito sa likod ng skateboard ko na may random doodles na design. Napatawa na lamang ako bilang tugon.

"By the way, I'm Josh Mojica," sambit nung lalaking nasa unahan habang nagpipigil ng tawa. Nagkatinginan tuloy kami noong isa pa dahil parehas naming hindi alam kung nagbibiro ba ito o kung ano.

"Diskarte o diploma?" Balik ko na ikinatawa naming tatlo. "Joshua Rohan Gracia talaga ang pangalan ko," muling wika ni Josh na mukhang hindi naman na nagbibiro.

"Gagi, akala ko Joshua Garcia pero low budget," sapaw pa ng katabi ko na ikinatawa namin muli.  "Oo nga pala, Tristan Yael Mendoza," pakilala naman ni Tristan.

"Devereaux Lopez, Dever na lang," saad ko naman sa kanila. "Ikaw nga si Dever?! Edi kilala mo si Oliver?" Gulat na tanong sa akin ni Josh.

Oliver? Ah.

"Oo, tropa ko, bakit?"

"Pinsan ko 'yung hinayupak na iyon eh. Nababanggit ka nga noon sa amin eh."

"Magkakaiba kayong magtrotropa ng strand?" Singit ni Tristan. "Oo, gago ang mga 'yon eh." Biglang nagflash sa utak ko tuloy ang araw na nagdala sa akin dito sa strand na ito.

"'Yung bet ba 'yan—"

Hindi na naituloy ni Josh ang kanyang sasabihin ng biglang tumayo 'yung babaeng nasa unahan n'ya para magpakilala.

"I'm Levana F. Consigo, 17 years old. Currently living at Sunrise Subdivision. Engineering is what job lies ahead of me after graduating college that's why I took this strand, STEM, so, it would be align to the course I'm taking for college," pagpapakilala ng babae kanina.

"You're Vana? The valedictorian of last year's grade 10 batch?" Gulat na wika ng teacher na ikinagulat namin lahat.

Kaya pala pamilyar ang mukha, s'ya nga pala 'yung nagspeech noon moving up namin last school year.

Taena, sa maling section yata ako napasalpak.

💜

Immiscible HeartsWhere stories live. Discover now