3

4 2 0
                                    

Dever

"Hanggang ngayon ay hirap na hirap pa rin akong gawin ang kick flip," saad ni Josh habang nakasakay sa skateboard ko at tila sinusubukan ang kick flip.

"Gago ka, pudpod na ang black shoes mo!" Natatawang wika ni Tristan na nakaturo sa sapatos ni Josh na puro gasgas ang gilid na bahagi.

"Gagi, oo nga. Mamumura ako ni Mama."

Habang abala ang dalawa sa skateboard ko ay bumalik ako sa pagkakahalumbaba sa railings habang tahimik na nagmamasid sa mga estudyante sa baba.

Bigla ko namang natanaw ang isang pamilyar na pigura na naglalakad.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kasama natin sa isang classroom ang dalawang pinakamatalinong estudyante sa batch natin," wika ko nakatanaw sa magkasamang naglalakad sa baba na sina Kian at Vana.

"Nagulat 'din ako ng makita ko sila sa room noong first day," komento ni Josh sabay silip sa kanila, ganoon din ang ginawa ni Tristan. "Bigla akong nagkaroon ng pag-asa na makakasurvive ako sa STEM, ang bait kase magpagaya ni Kian." Wala pa kaming isang linggong pumapasok nanggagaya na agad itong si Josh.

"Gago ka, kaya ka pala perfect doon sa isa nating quiz!"

"Samantalang kami ni Tristan eh pasang awa pa ang score," komento ko. "Paabutin mo naman sa amin ang sagot," suhestyon ni Tristan.

"Kaya nga."

"Gago kayo, ayoko pa mapaguidance," dahilan nito sa amin.

"Bakit feeling ko nakilala ko na dati si Vana?" Walang ka-emosyong emosyon kong sambit. "'Di ba rito ka rin nag-elementary at junior high? Talagang magiging pamilyar sa'yo si Vana," komento naman ni Josh.

Napatagilid na lamang ako ng aking ulo habang nakatingin pa rin kina Kian at Vana.

"Sila ba?" Sambit ni Tristan ng mapansin ang magkasamang sina Kian at Vana sa baba. "'Yan nga rin ang tanong ko," biglang sulpot naman ng katabi ni Josh na si Gigi.

"'Di ba, akala ko ako lang ang nakakahalata," dagdag pa ni Tristan. "Close na yata talaga sila. Magkaklase sila last year 'di ba?" Wika ko naman.

"Sabi nga nila, birds with the same feather flock together. Saan pa ba sasama ang isang matalino kundi sa isa pang matalino," kibit-balikat na saad ni Josh.

"Hoy, ano 'yan ha? Kayong tatlo talaga, kalalaking tao katsi-tsismoso," singit naman ni Ada sa pagitan namin nina Tristan. "Curious lang," dahilan pa ni Josh.

"Sus, pinaganda mo pa ang tawag, 'yun din 'yun," nakahalukipkip na komento ni Gigi. "Wow, makapagsalita parang hindi ka nakiusisa kanina ah," sagot naman pabalik ni Josh.

"Pakita mo na nga lang sa amin, Dever, kung paano gawin ang kickflip," pag-iiba ni Tristan. Napalingon naman ako sa paligid bago sumagot. "Dito mismo sa hallway?"

Napalingon din ito sa kanyang paligid. "Oo, kakaunti na naman ang mga estudyante."

"'Wag na 'wag lang talaga kayong tatlo makakabangga ng estudyante habang nags-skateboard dito sa hallway, sinasabi ko sa inyo, malapit lang ang discipline office," paalala sa amin ni Ada.

Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nito bago kinuha ang skateboard ko kay Josh. "Kung marunong na kayo mag 180 Ollie, medyo madali na gawin ang Kickflip," panimula ko.

Ibinaba ko na sa sahig ang skateboard ko. "Bale ganito ang porma dapat ng paa kapag gagawin na 'yung trick."

Inilagay ko ang kanan kong paa sa katabi ng apat na turnilyo sa deck ng skateboard. Pagkatapos naman ay ang kaliwa kong paa sa dulong bahagi naman.

"Gago, boy! Mali 'yung form ko pala," komento ni Josh. "Ang kaliwang paa mo kase ay nasa mismong ibabaw ng mga turnilyo, kaya ka nahihirapang kumuha ng bwelo para baliktadin ang skateboard," pagtatama ko sabay gaya ng porma ng paa n'ya kanina.

Tumango-tango naman ang dalawa.

"Sana ganyan din kayo makinig sa mga discussions kapag may klase." Nakapameywang na pangaral ni Ada. "Panira mo naman ng moment, Adanielle," komento ni Tristan na naka-side eye kay Ada.

"Astig kaya n'yan, baka nga magkacrush ka pa sa akin kapag nakita mo kung gaano ako kaangas magskateboard eh," mayabang na dagdag pa ni Tristan na ikinaasim ng mukha ni Ada. "Yuck, Tristan! Kilabutan ka nga!" Hinampas ni Ada ang balikat ni Tristan.

"Yieee, enemies to lovers?" Tila kinikilig na wika ni Gigi sa tabi. "Gigi, isa ka pa!" Magkasalubong ang kilay ni Ada ng tumingin kay Gigi.

"Ituloy mo na nga lang Dever 'yang itinuturo mo sa kanila, baka masampiga ko lang ang mga are kapag lumayo pa ang usapan," pakiusap sa akin ni Ada.

Natatawa naman akong napakamot sa ulo ko at bumalik sa ginagawa ko kanina.

"Tingnan mo kapag sinubukan mo ang kickflip tapos ganito ang porma mo." Ginawa ko ang kickflip gamit ang porma ni Josh kanina. Katulad ng inaasahan ko ay hindi bumaliktad ang skateboard kapag nasa ganitong pwesto ang aking mga paa.

"Woah, ganyang-ganyan kanina ang nangyayari sa'yo Josh ah," siko ni Tristan kay Josh. "Kapag nasa tamang porma ang mga paa mo, ganito ang mangyayari."

Ibinalik ko sa tamang pwesto ang kaliwang paa ko bago muling ginawa ang kickflip na halos isang kisap mata lang sa sobrang bilis.

"Astig!" Bulalas ni Josh paglapag ko. "Eyy!" Manghang sambit naman ni Tristan.

"Mas maganda ang kickflip kapag galing sa pushing."

"Testing nga raw," nanghahamon na wika sa akin ni Gigi. "Kaya nga, wala na naman masyadong estudyante rito sa hallway," pagsang-ayon pa ni Josh.

Napalunok naman ako ng aking sariling laway.

Sana ay walang teacher na makakita.

"Sige na nga."

"Ayan!"

Muli akong sumakay sa skateboard ko at nagpunta sa kabilang dulo ng hallway.

"Go na, Dever!" Sigaw ni Ada na hawak-hawak ang selpon niya, ganoon din sina Gigi, Josh at Tristan.

Napabuga ako ng hangin bago nagsimulang itulak ang skateboard ko habang nakasakay ang isa kong paa. Nang makakuha ako ng pwersa ay isinakay ko na ang isa kong paa.

Nang malapit na ako sa kanila ay inislide ko ang kanan kong paa palabas ng skateboard sabay ang pagtuon ko ng aking bigat sa kaliwang paa ko para maiangat ang skateboard ko.

Umikot naman ang skateboard at matiwasay akong nakabalik ng sakay rito kaya napagdesisyunan ko na ihinto na ang takbo ng skateboard ko.

Muli kong inapakan ang likurang bahagi para umangat ang unahan at makuha ko ang skateboard. Pero dahil sa momentum ay dire-diretso pa rin ang takbo ko hanggang sa nadanggi ko balikat ng nakatalikod na si Vana bago ako tuluyang huminto.

Shit, lagot!

💜

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Immiscible HeartsWhere stories live. Discover now