0

8 2 0
                                    

Dever

Three years ago. . .

"Grabe, Dev. Akala talaga ni Mama may line of 7 ka," wika ni Ate ng makalabas kami ng Jollibee. "Pero wala, 'di ba? Ayaw n'yo kase maniwala sa akin," natatawa kong tugon dito.

Napailing na lamang ito. "Feeling ko naawa na lang sa'yo 'yung teacher mo sa math kaya ginawang 80 ang grade mo sa kanya."

"At least hindi palakol. Ika nga nila, it's better than nothing," rason ko rito. Hinampas naman ako nito sa aking balikat na ikinatiklop ko. 

"Ate!"

"Talagang nagrason ka pa! Wala ka kaseng ginawa kundi magskateboarding!" Itinuro nito ang hawak-hawak ko ngayong skateboard. "Better than taking illegal drugs," kibit-balikat kong sagot dahilan para mahampas ulit ako nito.

"Kung iyang English mo ay sa English subject mo ginagamit at hindi para mamilosopo ng tao, ha? Edi sana mataas ang grades mo roon!"

"Ang mahalaga kase ay pasa ako. Kung sa ibang mga estudyante 'yan baka puro palakol 'yung card ko," dahilan ko. "Aba't talagang nagdahilan pa."

Natatawa akong tumingin sa kanya bago ibinagsak sa daan ang skateboard na hawak ko. "Tingnan mo, pas'an ka na naman?"

"Hindi ako pas'an, dahil sakay ako sa skateboard!" Biro ko rito bago ako sumampa sa skateboard at umalis na.

"Dever!" Rinig ko pang sigaw ni ate pero hindi na ako lumingon at sa halip ay nagpatuloy na lamang.


Pagdating ko sa may Plaza ay lumawak ang ngiti ko, sabay kuha ng pwersa para umandar ang skateboard ko. Nang maayos na ay iniangat ko na pabalik sa board ang isa kong paa.

Mabilis ang takbo ko ng biglang may babaeng  humara sa gitna ng daan.

"Miss, tabi!" Sigaw ko rito, mabuti't lumingon ito agad. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at hindi na nakaalis sa kanyang kinatatayuan.

Huli na para ibaba ang aking paa para prumeno kaya sa huli ay bumangga ako sa kanya. Na-out balance ito at patumba na ng bigla nitong hilahin ang braso ko dahilan para makasama n'ya ako sa pagbagasak sa daan.

"Aray!" Sabay naming daing ng tumama ang katawan namin sa semento.

Anak talaga ng tinapay oh!


"Um, sorry sa pagbangga ko sayo kanina." Paghingi ko ng paumanhin sa babaeng nabangga ko kanina.

Nakaupo na ito ngayon sa isa sa mga benches rito sa plaza habang ako naman ay nakatayo sa harapan n'ya habang bitbit ang aking skateboard.

Damang-dama ko ang matatalim nitong titig sa skateboard ko. Wari mo'y gustong hatiin sa dalawa ito.

Napahinga na lamang ako ng malalim bago tumikhim. "Nasaktan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Malamang, Dever, ikaw kaya ang malaglag sa semento?

Nanatili lamang itong tahimik kaya napakamot ako sa aking batok. "Pasensya na talaga, bakit kase hindi ka tumabi kanina?"

Ang mga salita kong iyon ang ikinaangat n'ya ng tingin sa akin.

"Bakit kase hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Galit nitong wika sa akin dahilan para tumaas ang isa kong kilay sa gulat.

Ako pa ang may kasalanan ngayon?

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Wow! Nagsalita 'yung bigla-bigla na lang humara sa gitna ng daan!"

"Ah talaga?!" Bumaba ang tingin nito sa mga paa ko. "Hindi naman kulang ang paa mo ah, bakit hindi ka nakahinto kanina ha?!" Balik nito sa akin ng kanyang paningin.

Wow!

Dahil sa irita ay umupo ako sa unahan n'ya sabay kuha sa kaliwa niyang paa na ikinalaki ng mga mata n'ya. "Hey! Let go of my foot!" Pagpupumiglas nito.

"Wala namang glue ang sapatos mo ah. Pero kanina hindi ka makaalis sa tayo mo kahit anong sigaw ko sayo." Saad ko sabay bitaw sa paa n'ya.

"Wala ba sa bokabularyo mo ang salitang 'gulat'?"

Anak ng—

"Kung nagulat ka, nagulat din ako noong sumulpot ka sa gitna ng daan. Quits lang tayo," gigil kong sambit sa kanya. "Saka anong ginagawa mo sa gitna ng daan ha? Alam mong daan yon tapos magde-daydream ka sa gitna pa talaga." Dagdag ko pa.

Napakamot ako sa aking ulo dahil sa pagkairita. "Hindi ako nangangarap ng gising," tila nagpipigil lamang ito ng galit ng sinabi n'ya ang mga katagang iyon.

Tiningnan ko lamang s'ya ng tingin ng isang taong hindi naniniwala. "Sus, parang lumilipad nga kung saan ang utak mo eh," banat ko pa rito na ikinasama nito sa akin.

"I'm not!"

Napakibit balikat na lamang ako dahil kahit anong sabihin ko ay hindi rin naman ako mananalo sa babaeng ito. "Kung 'yan ang ipinaglalaban mo, wala akong magagawa."

Diretso ko s'yang tiningnan. "Mukha namang wala kang malalang injury dahil sa nangyari kanina. Alis na ako," dagdag ko pa bago ko ibinagsak sa semento ang aking skateboard at isinakay ang isa kong paa.

Muli akong tumingin sa kanya. "Oh, muntikan ko na makalimutan. Kung mangangarap ka ng gising, please lang, 'wag sa gitna ng daan."

Pagkatapos noon ay nagskateboard na ako palayo pero narinig ko pa ang sigaw nito. 

"Ano?!"

💜

Immiscible HeartsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin