trece

998 26 0
                                    


"Hindi ako nakadalaw kahapon kasi may inaasikaso, that's why i'm here" Mack explained.

We're here at the resto of our resort eating lunch, dumating siya kaninang alas otcho ng umaga kaya nagising ako.

"You're always busy." sabi ko kay Mack habang sumimsim sa tsaa ko.

Kibit balikat niya akong tinignan. "Nothing's new, kamusta pala dito? Madali lang ba?"

ngumiwi ako at umiling. "Hindi madali, now i understand why our parents is always tired." sabi ko at kinagat ang sandwich ko.

"I'm staying here for 3 days. I'll leave you here, gym muna ako." sabi niya at tumayo.

Agad akong tumango at tinignan siyang naglalakad palayo sa akin. 2 weeks nalang at balik nanaman sa pag-aaral. I wonder if magiging hectic ba ang schedule ko.

Naglalakad na ako para bumalik sa hotel, i watched the kids having fun with their parents. I smiled.

Sana ako din.

Habang tinitignan ko sila ay may biglang bumangga sa akin! muntikan na ako matumba dahil sa lakas na pag bangga niya. Tinignan ko naman ito nang makita kung sino ang bumangga sa akin. Kumunot ang noo ko.

It's Nicolo. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko.

"Nicolo? It's you nga! Why are you here?"

Ngumiti naman ito sa akin. "Ate Pria. I'm sorry kung nabangga kita, may masakit po ba?" tanong niya sa akin.

Umiiling ako. Nagtatanong ako e!

"We're having a 2 days vacation here in Palomas, 1 night and 2 days. Ikaw po? Why are you here?" sabi niya sa akin.

Should i tell him?

"Uhh.. Having a vacation too." nakangiting saad ko.

Ngumiti siya dahil sa saya na nandito raw ako, sabay kaming bumalik sa hotel at nag uusap ng kung ano ano. He wants to try jetski and he wants to do it with me later. Tumanggi ako pero kinukulit niya ako.

"Ate!" maligayang sabi ng katabi ko.

Nakita ko siyang nakasandal sa reception na umiirap at halatang na bobored. Dala niya si Maya! May kasama siyang isang lalaki at mommy at daddy niya ata na nakikipag usap sa receptionist.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya kay Nicolo at sunod ay ako! Nagulat din siya pero binawi niya agad. Palapit kami sa kanila.

"Sino ang kasama mo Nicolo?" malamig na sabi ng isang lalaki.

Kuya niya ata! Siya ang bumangga sa akin sa airport noong papunta ako dito sa pinas! Nanlaki naman ang mga mata ko.

Flaming HeartsWhere stories live. Discover now