veintitres

966 20 0
                                    

"Hira! Tulongan mo ako!" tawag ko sakanya galing sa sala.

"Priana, hayaan mo ang katulong na gumawa niyan." sabi sa akin ni Tita Dea.

"Okay lang Tita, wala naman akong gagawin.." sabi ko.

"Pria, saan ilalagay to?" tanong sa akin Mack.

"Roon sa table.." sabi ko sabay turo sa mesa.

Nandito kami sa bahay ni Tita Dea para tulongan sila mag desinyo, nandito rin ang mga pinsan ko.

"Cy, maraming bisita ang pupunta rito mamaya, some of them are Mama's friends.." sabi ni Flynn sa akin.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, syempre may pupuntang bisita kasi party ito.

"Of course, it's Tita's birthday party, alangan kaibigan mo ang pupunta rito.." sabi ko habang nilagyan ng glue ang isang printed paper.

He shook his head. "No! That's not what i meant, i mean, pupunta rito ang ex ko..." sabi niya at sumimangot.

Natatawa naman ako dahil sa sinabi niya, yung tinakasan ba siya ang ibig niyang sabihin?

"Why? Is she invited?" tanong ko sakanya.

Tumango siya. "Her family.." aniya.

Natapos na kami sa ginagawa namin at nagpaalam ako na umuwi muna para makapagbihis. Pagkarating ko sa condo ay agad ako kumuha ng towel para maligo.

"Why i'm always thinking of her!" inis na sabi ko sa salamin habang tinitignan ang sarili.

We haven't talked zaria, hindi siya nagpapakita sa akin, but why i'm affected? I should be happy! Naalala ko ang sinabi ko sakanya na mawala na siya. Nanlamig ang buong katawan ko nang naalala ko iyon.

Hindi ko na inisip iyon at naligo nalang, nang matapos ako ay nilagyan ko ng lotion ang balat ko at nag bihis. I wore my short dress and white heels only, i also wear my heavy make up, mas bagay sa akin iyon.

Pumunta muna ako sa opisina para icheck ang mga dukomento para sa isang branch ko, matagal pang matapos ang pinapatayo kong shop sa Laguna gaya nang sabi noong engineer, it takes 2 years.

"Marisol, inutusan kitang iprint ito diba??" stress na sabi ko sakanya.

Nataranta naman siya sa harap ko at agad hinanap ang isang papel.

"Ma'am, pasensya na po. Nakalimutan ko kasi... Ipiprint ko na po." aniya.

"Ok, just go..." sabi ko sakanya habang may hinahanap sa drawer ko.

Nakita ko naman ang hinahanap ko, ipapakita ko ito kay Daddy mamaya kapag nagkita kami sa bahay ni Tita Dea.

Flaming HeartsWhere stories live. Discover now