diecisiete

865 21 2
                                    

"Men! Ikakasal na si Ms. Samuel at ang sikat na model! Bagay na bagay sila!" sabi ni Annalee habang pinapakita kay Gio ang isang litrato.ㅤ

Nagtiim bagang ako dahil sa narinig. Ipapakita na sana ni Annalee sa akin pero tumayo ako agad at iniwan sila.

Third session na kaya kailangan ko nang pumunta sa classroom ko, para akong nakalutang habang naglalakad nang bigla ako napasalpok sa dibdib ng isang lalaki.

"Sorry hin-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang nagsalita ito.

"Pria! Long time no see! I haven't seen you for a while! How are you? Okay ka lang?" diritsong tanong ni Conor sa akin.

"Yes, i'm fine." i said, i can't match his energy.

"Really?" tanong niya nang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Magsasalita na sana ako nang biglang may humigit sakin, nakita ko agad si Zaria na madilim ang mukha na tumingin kay Conor.

Nagtaka naman si Conor dahil sa ginawa niya!

Pumiglas ako pero hindi niya parin ako binibitawan. "Let me go." sabi ko sakanya.

Tinignan naman ni Conor ang pupulsuhan ko na ngayon ay hawak ni Zaria!

"Zaria, Pria said let her go." ngiting sabi ni Conor sakanya.

"Huwag kang mangealam." malamig na sabi niya at kinaladkad ako sa kung saan! Natigil kami sa walang studyante na parte.

Binitawan niya ang kamay ko at tinignan ko siya ng blanko na ekspresyon, i was about to leave pero nagsalita siya!

"I miss you..." she whispered.

Akala ko ay sisigawan o sasaktan niya ako pero hindi pala! Humakbang siya sa akin pero umatras ako. Kita kita ko ang pagod sakanyang mga mata.

"Baby, please, stop this. Talk to me..." mahinang sabi niya.

Umiling ako. "Wala tayong dapat pag usapan. Ayaw ko na po Ms. Samuel, leave me alone." sabi ko at mabilis na lumayo sakanya.

Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin! Hindi niya ako titigilan! Niyakap niya ako galing likuran! Nagulat ako sa ginawa niya! May tumitingin sa amin na estudyante at hindi niya man lang naisip yun!

"Zaria, stop this! May nakatingin sa atin for god sake!" mahinang sigaw ko sakanya pilit kumawala sa yakap niya.

"No... Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo Cypriana, huwag ganito. Hindi ako papayag." nagmamakaawa na sabi niya sa akin.

Flaming HeartsWhere stories live. Discover now