veinticuatro

883 20 1
                                    

"We will have a long day and i want everyone to be ready and enjoy everything today." sabi ng isang tour guide sa amin na babae.

Nililibot namin ang isla rito sa El Nido, mamaya ay sasakay kami ng bangka patungo roon sa aming hotel.

"So in our group, you are 16 and i'm very sure that you know each other because you are from one company." sabi niya sa amin habang nakangiti.

Malakas ang ihip ng hangin mabuti nalang ay nakasuot ako ng sarong para kahit papano ay hindi ako maiinitan. Pagkatapos namin mag libot ay napagpasyahan namin kumain sa isang kubo.

"Gusto mo ba ng ginataan?" sabay na tanong ni Zaria at ni Sir Chivez, napatingin naman ako sakanila.

"I'm fine with this, Sir Chivez.." ngiting sabi ko sakanya. Nakita ko naman umayos ng pagkakaupo si Zaria at tahimik na kumakain.

"Aren't you going back to California, Esteves?" biglang tanong sa akin ng head namin.

Ngumiti ako at nilagay ang kubyertos sa aking pinggan. "I'm planinng to Mrs. Gueves maybe sooner..." i sweetly said to her.

Nakita ko naman na tumingin sa akin si Zaria ng seryoso at nag iwas ng tingin, she's difficult to read kung anong iniisip niya ngayon ay hindi ko alam. Natapos na kami sa pagkain at sabi ni Sir Chivez na kailangan na namin bumalik, mamayang hapon ang uwi namin pabalik ng manila.

"Naku Ma'am Samuel at Ma'am Esteves hindi na po kasya sa bangka po! Kung gusto niyo po ay may isang bangka pa roon at roon kayo sumakay." sabi ng isang mandaragat.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya!Kaming dalawa pa talaga ha! Ayaw kong makasama iyan sa isang bangka!

"Wh-What!?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Sige, roon na kami manong." sabi ni Zaria at naunang pumunta doon.

Wala na akong magagawa, bagsak ang mga balikat kong sumunod sakanya, panay ang irap ko ramdam ko ay matatanggal na ang mga mata ko sa kakairap. She seems enjoying it! Nakasakay na kami sa bangka, kanina ay inaalok niya ang kamay niya para tulongan ako pero hindi ko iyon tinanggap kaya naiwan sa ere ang kamay niya. Magkatabi kami ngayon dahil maliit lamang ang bangka na sinasakyan namin.

"Are you going back to California?" basag niya sa katahimikan at tinignan ako.

I looked at her while my hair is blowing in the wind. "I'm planning to." sabi ko sakanya.

She looked away, her gestures is now dark, nakita kong umigting ang kanyang panga kaya nakakunot ang noo kong minamasdan siya.

"C-Can you please stay away an inch of me..." nahihirapang anas niya.

Flaming HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora