Chapter 2

116 3 0
                                    

"Alison, I want a child now."

My heart almost dropped on the floor when I heard what he just said. Pinagtitripan niya ba ako? A-anak?

"Anong sinasabi mo, Favro?" Hinarap ko siya.

"I was wrong." Lumapit siya sa akin.

"I need a child. I need a child, Alison."

"But why?" naguguluhang tanong ko. "We're not really a couple, Favro. I can't give you a child. I don't love you at... mag-asawa lang naman tayo sa papel. Maghihiwalay din tayo," dire-diretsong sambit ko.

Saglit siyang hindi nakapagsalita at magkatitigan lang kami. Totoo namang hindi ko siya mahal at gaoon din siya sa akin. We don't love each other.

Yes, I want a family. I want to get married and I want to have a child but I can't have it with someone I do not love. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung gagawin ko 'yon.

He took a breath and nodded. Paulit-ulit siyang tumango na parang sumasang-ayon sa sinabi ko habang binabasa ang labi niya. "Yeah... you're right." Tiningnan niya ang kamay kong ginamot niya. "We're just married on a piece of paper," he said while looking at my hand.

Tinalikuran na niya ako pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya napahinga ako nang maluwag. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Saan ba siya kumuha nang lakas ng loob para sabihin 'yon? Act like a stranger, Favro!

Dumiretso ako sa kwarto at humiga. What he said echoed in my ears and I couldn't get rid of it. Why does he need a child?

I shook my head and went to the bathroom. Hinubad ko ang damit at napatingin sa kamay ko. That was the first time he treated my wound. Ginawa niya ba 'to dahil may sasabihin siyang ikagugulat ko?

He was never nice to me.

Pagtapos kong maligo ay binlower ko ang buhok ko. I did my night skin care routine and went to the bed. Sa mga nakakagulat na pangyayari ngayong gabi ay nagpapasalamat ako dahil nakaramdam pa ako ng antok hanggang sa bumigat na ang talukap ng mga mata ko.

I used the other car because my car was not here. Nasa paayusan pa 'yon. Pagdating ko sa SEGOVIA ay nagyukuan agad ang mga empleyado. Nasa likod ko ang secretary ko at iba pang employee.

Nakasalubong ko si Favro but we didn't greet each other. Ganito naman kami kahit saan. Everyone knows that the CEO of SEGOVIA is the wife of Favro Segovia. Everyone hates me and I don't care about it.

I was busy the whole day. Pagkatapos naming magkasalubong sa lobby ni Favro ay hindi na kami nagkita dahil pareho kaming abala sa trabaho.

Past 1pm na at nakalimutan kong kumain. Marami kasi akong nireview bago pirmahan at ang iba ay ni-reject ko.

I was so tired. Sumandal ako sa swivel chair at hinilot-hilot ang batok ko habang nakapikit.

Someone knocked on my door but I didn't open my eyes. "Later. Just give me an hour. I need a rest," I said.

"Ma'am, you have a schedule today with Mother Helena. Should I cancel it?"

Agad akong napadilat. "No." Kinuha ko ang bag ko at tumayo. "Anong oras nga ulit iyon?" Sinuot ko ang white blazer ko at tiningnan ang wrist watch.

"3pm po, ma'am."

2pm na. Babyahe pa ako at siguro sakto lang ang pagdating ko roon. Kinuha ko ang susi ng kotse mula sa bag at binilinan si Catherine na i-cancel na ang natitira ko pang schedule ngayong araw.

"Ma'am should I call your driver?" Sinundan niya ako.

"Hindi na."

Sumakay ako sa elevator at nang bumukas 'yon ay naroon si Favro. He was standing outside the elevator and was coldly looking at me. Binigyan ko rin siya nang isang malamig na tingin.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Where stories live. Discover now