Chapter 13

105 5 1
                                    

I don't know when it started.

Just like him, I caught myself smiling for no reason until I realized he's the reason. Mas ngumiti na ako simula noong naging close kami and I don't know but I like it. I like smiling when I'm with him.

It's been one week and I've been avoiding him since that night. Nahihiya ako dahil ako ang gustong mag-umpisa ng halik ngunit ako rin ang umiwas.

"Talk to him, Ali! Ano ka ba? Asawa mo naman 'yan," sambit ni Tata sa kabilang linya.

I took a breath. "Hindi ko pa siya kayang harapin, Ta. Nahihiya talaga ako."

"Sis, one week na. Ano ba ang balak mo, habang-buhay siyang iwasan?"

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam paano ko siya haharapin dahil hindi ko naman ineexpect na aabot kami sa ganoon. I don't understand why he told me those things and I also don't understand why I wanted to kiss him that night.

I was just walking on the street and I bumped into someone. Nalaglag ang shoulder bag ko kaya kinuha niya 'yon at nakatingin lang ako sa kanya.

"Here's your bag," aniya at ngumiti.

I looked at my bag and took it from him. Wala akong gustong sabihin sa kanya kaya nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"What?" walang emosyon kong tanong.

"It's been a long time, Ali," said he.

"And so?" masungit kong tanong. I really don't like his vibe.

"Why are you so hot-headed? I didn't tell anyone about your fake marri—" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. "It's real. Our marriage isn't fake, Matteo," I coldly said.

Natawa siya at tumango-tango. "Okay, okay." He raised his hands as if he was surrendering himself. "It's real but you don't have feelings for each other. I'll get you from him, Alison. I want you." Sumeryoso ang mukha niya at ganoon din ang boses niya.

I seriously looked at him and put my mouth near his ear. I smirked. "Try harder, you piece of shit."

Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay. Ibang-iba si Matteo kanina. Noong nakilala ko siya ay masiyahin siya at mukhang mabait pero kanina, he looked like a demon.

Pag-uwi ko sa bahay ay napahinga ako nang maluwag dahil wala roon ang kotse ni Favro. Wala pa siya sa bahay. Napangiti ako at pumasok sa loob.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro. Mabilis akong nagtago at mabuti na lang talaga dahil hindi niya ako napansin.

Nakatago lang ako sa pader at nag-iisip kung ano ang gagawin. Why is he here? His car isn't here!

I bit my lower lip in frustration and I planned to go outside. Tama. Lalabas na lang ako.

I inhaled a large amout of air and took a step.

"What are you doing here? Bakit hindi ka pumasok?" Halos madapa ako sa gulat nang marinig ko ang boses niya. Mabilis akong humarap sa pader at hinawakan 'yon. Wow, ano 'to, pader?

Puro kahihiyan!

"Alison, are you avoiding me?"

Hindi ko siya tiningnan at papasok na sana sa loob pero hinarangan niya ako gamit ang kamay niya. Ano ba, Favro! Let me in!

"You're avoiding me," aniya kaya tumingala ako para tingnan siya.

"Why would I do that? That's childish. Let me i—" This time ay katawan na niya ang pinagharang niya sa akin. Napalunok ako.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora