Chapter 3

112 3 0
                                    

"I brought something for you to wear," he seriously said and gave the paper bag to me.

"What are you doing here? How did you know I was here?" gulat kong tanong.

"You called me, Alison." He crossed his arms around his chest.

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga ba? Hindi nga?" Bumalik ako sa loob at tiningnan ang cellphone ko. Ang last history ng call doon ay si Favro.

Was it because of the thunder? Fuck! Magkasunod kasi ang pangalan nilang dalawa. Stupida, Alison.

"B-bakit ka pumapasok?" gulat kong tanong pero hindi niya ako pinansin at umupo lang sa kama.

"Wear that clothes and we'll go home. I'll wait here." Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi 'yon dahil nakatingin lang siya sa cellphone niya.

Hindi na ako nagsalita dahil ayokong humaba ang usapan. Nandito na siya, e. Ano pa ba ang magagawa ko? I wanted to ask if it was still raining heavily but I didn't want to bother talking to him.

I wore the clothes he brought. It was just a plain long sleeve jacket and pants. Nagdala rin siya ng rubber shoes at saktong-sakto sa akin ang sukat. Does he know my size?

Nevermind.

Lumabas ako at may kausap siya sa phone pero ibinaba niya na rin agad 'yon nang lumabas ako. He then stood up. "Are you done?"

"Yeah." I nodded.

Napatingin ako sa payong na inabot niya sa akin. It was a yellow umbrella. Malamang ay umuulan pa sa labas.

Paglabas namin ay umuulan pa nga. 5am na at pa-umaga na.

"I called someone to get your car. Just get your things inside and then we will go." He didn't look at me. Sumakay lang siya agad sa kotse niya.

Hindi naman sira ang kotse ko at hindi rin tumirik kaya siguro pwede na ako rito pero nakakaramdam ako ng hilo. Makakapag-drive kaya ako?

"Alison, come on." Napatingin ako kay Favro at nakababa ang bintana ng kotse niya.

"My car's okay. I can drive, Favro," I said and his forehead creased for a moment.

"Then what am I doing here? You shouldn't have called me if that was fine," seryosong sambit niya.

"You can go, Favro. Kaya ko na 'to." I went inside my car and started the engine but my forehead creased because I couldn't start it.

"Talaga ba, Lord?" Tumirik na yata 'to

Tumingin ako sa kotse ni Favro at nanlaki ang mga mata ko nang umalis na ito. "Did he just leave me here?!"

Napahampas ako sa manibela dahil sa inis. Umuulan pa!

I should've got in his car! Putcha talaga. Wala talagang nagagawa ang kaartehan sa mundo pero kahit na ganoon hindi ako titigil sa pagiging maarte.

Napayuko ako sa manibela. I don't know what to do anymore.

Napatingin ako sa gilid ko nang may biglang kumatok at nakita ko si Favro na nakapayong dala-dala ang seryosong mukha.

He came back.

Nahihiya kong binuksan ang pinto ng kotse and I can't look into his eyes because I was embarrassed.

"Get in the car, Alison."

Nakayuko akong tumango at pinayungan niya naman ako dahil iniwan ko ang payong na yellow sa kotse.

Binuksan ko ang pinto at hindi niya inaalis ang payong sa akin hangga't hindi ako nakakapasok sa loob. Nang nakapasok ako ay umikot na siya para makapasok din.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Where stories live. Discover now