Chapter 17

116 6 0
                                    

I've always dreamed of a family because I don't want to grow old alone. I want to have my own child and a husband that I can say I really love... kaya naman nang ayain ako ni Favro na magpakasal ulit kami ay pumayag na ako dahil sa tingin ko, siya na ang binigay sa akin para matupad ang pangarap kong magkaroon ng isang pamilya.

He's always there for me... and he never left me.

Sa tuwing kailangan ko ng tulong ay nariyan siya kahit pa hindi ko hingiin ang tulong niya.

Bumaba ako sa tapat ng gym ni Henri kung saan unang beses ko siyang nakita. Hindi naman ako nabigo na makita siya dahil naroon siya.

"What brings you here, Ali?" Tinigil niya ang ginagawa at nagpunas ng pawis.

"I just want to talk to you," I said.

"Okay. I'll just change my clothes. Can you wait for me?" tanong niya kaya nakangiti akong tumango.

Hinintay ko siya at mabilis naman siyang nakabalik. He was just wearing a black oversized t-shirt and pants.

"May malapit ba na coffee shop dito?" I asked him.

"Yeah. Do you want to go there?"

"Sige, doon na lang tayo mag-usap."

Tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse niya. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango at umaalingasaw 'yon sa loob ng kotse niya.

Pagdating namin sa coffee shop ay siya na ang nag-order dahil sinabi ko na lang sa kanya kung anong gusto ko. I looked at the outside and it looks like it'll rain. Magpapahatid na lang ako kay Henri kapag umulan nang malakas.

Pagbalik niya ay dala na niya ang kape namin.

"Thanks," I said.

"Are you okay now?" he asked and I could see that he was worried.

"Yeah, I'm okay." Inilapag ko ang kape sa table.

"Henri, thank you for saving me. Kung hindi dahil sa inyo ni Favro, baka may nangyari nang masama sa akin," I started.

"Wala iyon, Ali. We're friends and it's normal to protect you. I'm sorry for what he did to you. I'm guilty because I introduced him to you." His voice was full of sincerity.

"How did you know I was there? Na nasa bahay ako ni Matteo? Favro told me that he called you and you knew I was kidnapped by Matteo," nagtatakang tanong ko.

"I know Matteo, Ali. Hindi siya gagawa nang tama. He will do anything to have you and I saw that in his eyes."

"Kaya pala alam mo na dinala niya ako sa bahay niya?"

Umiwas siya ng tingin sa akin. I feel like he wants to say something but he's stopping himself.

Uminom siya ng kape at tumingin ulit sa akin. "I'm glad you're safe. I'm really sorry for what he... did," bumaba ang boses niya.

"Why are you avoiding my eyes now?" tanong ko.

He bit his lower lip and looked into my eyes. "I just want you to be safe, Ali. Seeing you okay is what matters."

"Mabuti na lang talaga alam mo agad kung saan ako pupuntahan noong kinuha ako ni Matteo." I took a deep breath.

Umiwas ulit siya ng tingin sa akin.

"Pero salamat pa rin, Henri. You saved me," I said and he just nodded.

Nang maubos namin ang kape ay niyaya niya akong maglakad-lakad muna. Hindi pa naman umuulan kaya sumama na ako sa kanya.

"Where are your parents?" I asked.

"My mother is Filipina and I don't know where she is right now..." He paused. "Then my father is French and he died three years ago."

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Where stories live. Discover now