Chapter 15

109 5 2
                                    

He ended up liking me.

I don't know why I cried when he confessed to me. Ang alam ko lang ay napakaganda nang sinabi niya. I never thought someone would see me as a piece of him and see me as the reason he was found.

Those beautiful words touched my heart... and my soul.

And somehow... it made me feel worthy of love.

"Hey, tulala ka. What's bothering you?" Tinabihan ako ni Mafi kaya nagpakawala ako ng buntong-hininga.

"Paano mo ba malalaman kapag gusto ka ng isang tao?" I looked at her. "Pinapatanong ng kaibigan ko."

"Huh? Hindi niya ba alam? Hmm..." Uminom siya ng tubig sa bottled water. "Kapag ginagawa niya sa 'yo 'yong love language niya ibig-sabihin mahalaga ka sa kanya," she said and my forehead creased.

"Love language? Ano 'yon?"

"Seriously, hindi mo 'yan alam? Words of affirmation, act of service, physical touch, quality time, giving or receiving gifts. Iyan ang mga love language. Ano ba 'yong sa 'yo?" Inilapag niya ang bottled water sa tabi at humalukipkip habang nakatingin sa akin.

May ganoon pala? Am I too old? Ngayon ko lang kasi nalaman 'yon. But Mafi's older than me and she knows about it.

"I think my love language is words of affirmation. I love detailed explanations because I overthink most situations," I said and she smiled. I saw Favro's face in my mind while saying those words because he is someone who knows what words to say.

"Ikaw, anong love language mo?" I asked her.

"Sex," she said right away with a half smile and without blinking her eyes.

Napaubo ako at mahina siyang hinampas kaya natawa siya. "Joke lang! I mean..." Umayos siya nang upo. "Sex tapos act of service. Gusto ko buhay prinsesa ako, e." Pinitik niya ang buhok.

"Noong unang pagkikita natin, ex mo 'yong kasama mo 'di ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Yes."

"So, walang gumagawa ng act of service?" natatawang tanong ko.

"Huh? Meron."

"Sino?"

"Si Henri! Isa pa, ang dali-dali lang makakuha ng boyfriend, e." She rolled her eyes.

"Baka kayo ang magkatuluyan ni Henri?" biro ko.

She looked at me as if I said something absurd. Kung makatingin siya ay parang nandidiri. "Hindi ako pumapatol sa kaibigan!" aniya.

"Talaga lang ha?"

"Ali, we're just friends. Hindi rin ako papatulan ni Henri. We just care for each other but not in a romantic way. Isa pa, I can't imagine na maging boyfriend siya 'no! Henri, my boyfriend? That's absurd." Pinulot niya ang bottled water na inilapag niya sa gilid kanina at tumayo.

Tiningala ko siya.

"Oo nga pala, bakit hindi na lang ikaw ang sumagot sa kaibigan mo? Alam mo naman 'yong feeling kapag gusto ka ng tao 'di ba? You have Favro." Pinasadahan niya ang buhok.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon