Chapter 9

69 3 0
                                    

"That's not how you do it, Alison." Napalunok ako nang hinawakan niya ang kamay ko at iginalaw 'yon habang tinuturuan ako maghiwa. He's so good at this. Ano pa ba ang hindi niya kayang gawin?

I couldn't focus on what he was teaching me. Nakafocus ako sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko habang tinuturuan ako maghiwa.

He has been teaching me to cook for three days. Maybe cooking is not for me and I want to give up but this man doesn't want me to.

"Mas magaling ako humawak ng kutsilyo kapag gagamitin sa tagiliran ng kaaway ko, e," I said out of the blue.

Napatigil siya at tumingin sa akin. "Sino bang kaaway mo?"

"Hmm... sa Pinas... marami."

"Should I make them suffer?"

Hinampas ko siya. "At bakit mo naman gagawin 'yon?"

"I don't want to see you get blood on your hands. E, 'di ako na lang," aniya kaya napailing ako.

"Tsk tsk tsk. Corny," sabi ko at inayos na ulit ang paghawak sa kutsilyo.

"Corny ba 'yon?" mahinang bulong niya sa sarili at mukhang ayaw niya talaga ito iparinig pero narinig ko.

Fashion week na at ewan ko ba rito kay Favro dahil sumama siya. Habang rumarampa ay nakikita ko siyang vinivideo-han ako gamit ang cellphone niya. I never thought he'd do that.

Pagkatapos ay may mga nagpipicture sa akin. Ganito pala maging model. Mafi was also here. Nandito rin si Henri at Matteo para magbigay ng suporta sa amin ni Mafi. Tinitingnan ko si Mafi at mukhang maraming nakakakilala sa kanya. Ibang-iba siya ngayong araw. She was mesmerizing.

"Ah! Aray!"

Napatingin ako sa isang babae 'di kalayuan. Pilipino siya. I think she's a reporter. My forehead creased because people were just bumping into her.

"Ouch!" aniya at tuluyang nalaglag ang mic na dala niya.

Natanggal din ang suot niyang salamin kaya nahirapan siyang kunin ang mga bagay na nalaglag niya. Napatingin ako sa mga tao dahil wala silang balak tulungan ito.

Naglakad ako palapit doon at kinuha ang mic at salamin niya. I took her hand and gave her her things.

Sinuot niya 'yon at tumingin sa akin. Her eyes widened as soon as she looked at me. "CEO of the SEGOVIA CO., and owner of the Luxury Group and Luxury Department?"

"You know me?" sambit ko.

"Yes po! Your companies are well known in the Philippines, ma'am!" Lumawak ang ngiti niya kaya napangiti rin ako.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Work ma'am, syempre. Ayoko nga nito, e. What if takbuhan ko ang trabahong 'to?" She laughed at her own joke.

Awkward na lang akong ngumiti at iniwan na siya. Gusto niya pa sana akong interview-hin pero tinatawag na ako nila Mafi.

"Ang ganda-ganda mo, Ali!" She hugged me.

"Ikaw din, e," sambit ko at hinarap siya.

"Ay alam ko na 'yan. Never naman ako naging pangit," sagot niya at ngumiti sa akin saka tiningnan si Favro.

"Wanna join us? We're having dinner together," aniya.

Favro looked at me as if he was asking for my permission and I didn't know what to do so I just nodded. Hindi niya naman kailangang magpaalam sa akin. Duh!

"For you, Ali." Napatingin ako kay Matteo nang inabutan niya ako ng bouquet of roses. Nagdadalawang-isip akong kunin 'yon pero dahil nahihiya ako na tanggihan siya ay kukunin ko na sana but someone took it from him.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon