Payatot x Tabatchoy [Block 1]

956 21 8
                                    

Payatot Love Tabatchoy

Property of LoveSharee

BLOCK 1

tentenenenenen tenteneeneneenen~~.

Sound of music. Char. Music yan nung snowglobe ko, regalo saken ni mama nung nag-graduate ako ng elementary. Wala ako magawa eh, naisipan kong i-play, baka pumayat ako. BwaHaHaHaHa. As if naman papayat ako ng dahil lang dyan.

Tumayo ako at tumingin sa salamin, wow! Ganito na pala ako kataba. Ssh nalang yung weight pero ito ang clue, hindi nababagay ang edad ko sa weight ko. Haha. Too shallow huh? Well hindi kasi ako mabunyag na tao.

Nakatulala ako sa may salamin tapos biglang may tumawag.

*If I could be your superman,

I'd fly you to the stars and back again.

Cuz everytime you touched my hand,

You feel my powers runnin through your veins.

But I can only write this song,

And tell you that I'm not that strong.

Cuz I'm no superman, I ho--*

Favorite song ko eh. Nakakaadik siya.

“Yes,Hello? Ma?”. Tumawag na naman ang super caring kong nanay at alam ko na naman ang sasabihin nito.

“Hello anak, kailan ka ba ulit papasyal dito sa bahay? Bakit ka ba kasi umalis ha? You don’t have to leave the house”, nag aalalang sabi niya.

“Ma, ang aga mo tumawag 5:30 pa lang ng umaga eh. ‘Yan na naman ba ang tatanungin niyo saken?”

Eversince umalis ako ng bahay, walang katapusang tawag na ang natatanggap ko sa mama ko, LALONG LALO na sa MAMA ko na bukod sa caring, saksakan ng OA.

Ewan ko ba naisip ko na lang na dumistansya muna sa parents ko at sa mga kapatid ko, pumayag naman sila.

“Anak, sorry naman darling, gusto ko lang marinig yung boses mo para pang energize.”

“Eeew ma, kadiri, anung energize?”, hindi lang pala caring ang mama ko, CORNY din! Mwahahaha.

“Sige ma, baba ko na, sayang load, tsaka pakamusta na lang sa bahay, GOOD MORNING MA, LOVE ‘YA BYE!”. Tapos binaba ko na ng wlang pakundangan. Ayoko nang marinig yung mga drama niya eh. Haha. Pero kahit ganun yun, Mahal ko yun.

6:00 am.

Time to prepare for school. Isa sa mga chore na ayaw kong ginagawa. OO chore. Eh tinatamad akong gumawa ng mga chore kaya idagdag ko yung school sa chore kasi tinatamad ako. :P

Naligo.

Nagtoothbrush.

Nag-uniform,

nahihirapan akong isuot yung uniform ko kase hindi na ako katulad ng dati, dba nga mataba na ako.

At ang paborito ko at isa sa mga hobbies ko,

ang KUMAIN. Hindi ko mapigilan, basta masarap, hala! Papakin agad. Eh sa masarap kumain eh. :3

----------------------------------------------

First day of classes. Third year na ako dito sa Collin High. Third year na at wala pa rin magandang nangyayari saken. Although those past two years na nandito ako sa school na ‘to meron naman mga memorable pero too mainstream, xD

Payatot Love TabatchoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon