Payatot Love Tabatchoy[Block 15]

370 8 4
                                    

Author's Note:

         Author's note muna ah.. First things first. Magiging inactive muna ako sa kadahilanang estudyante pa rin po ako at kailangan ko pong magconcentrate sa pag-aaral. Sandamakmak po ang requirements ko sa school at inaayos ko pa ang oras ko para maisingit ang Wattpad. 'Wag po kayong magalit sakin kung napapatagal ang pag-UD ko. Hindi naman ako mawawala sa wattpad eh.. Magiging inactive lang. Pero during SATURDAYS and SUNDAYS. either sa dalawang araw na yan ay mag-UUD ako. Again, it depends kung busy ako o hindi. Siguro ganun din naman kayo eh. Graduating class kasi ang batch namin this year kaya ganun. PLEASE kahit inactive eh SUPPORT NiYO pa rin ang OPPOSiTE Couple :D (Rain and Yuji)

 TiNKYOW! :)

BLOCK 15

RAIN's POV

Wala nang nakaalam nung nangyari sa SM bukod sa aming tatlong nagkita kita. Hindi rin naman napansin ng mga kasama ko kung ano ang nangyari. Eh kasi naman kaharap na nila ang pagkain eh. Wala ng pakialamanan.

Nandito kami ngayon sa court. Intramurals kasi namin ngayon eh lahat daw kailangan magparticipate. Lahat kami magpaparticipate pero hindi ko alam kong saan ako sasali. Tsaka 5 na lang ang available na game na pwede kong salihan. Ang team ko eh Dragons. Actually Mystical Dragons. Urgh. Wala na bang igaganda yun.

CHOICES:

Basketball? capital X. Hindi na nga ako makatakbo eh, maka-3 points pa kaya? Tsaka hindi naman ako masyado sa mga basketball. Kapag nga nanunuod yung kuya ko ng Basketball eh dinadaganan ko eh. Muwahahaha.

Volleyball? NW. as in NO WAY! Hindi ako magsusuot ng ganun kaikling shorts at magtatatalon dun noh! marunong ako pag computer game na volleyball lang. Pero yung reality? NO WAY.

Chess? Matalino po ako pero hindi marunong magchess. Ewan ko ba kung paano laruin yun. Eh hindi naman lahat ng matalino eh kailangan alam yun dba? Who's with me? :D

Cheering? Ewan ko ba, part ba yan ng sports? Dancing sport maybe pero ako sasayaw?! Nah. Over my dead body. We know how cheerleaders wear there uniforms. Hindi kasi ako yung modernong Filipina eh. Isa po akong old fashioned Maria Clara na napag iwanan na ng mundo.

And lastly, Marathon. Guys, alam naman na natin ang condition ko diba? Marathon is not for me. Nilathala na yan sa libro at nakaukit na sa bato. Walang aangal. XD

Soooo, hindi ko na alam ang kukunin ko kaya uupo na lang ako sa tabi at maghihintay ng maibibigay ng team captain namin. Bahala na si batman at ang justice league.

Nakaupo ako sa may labas ng meeting room, ako na lang kasi ang hindi pa nailagay sa kahit anong game at magsisimula na mamayang hapon yung ibang games.

Narinig ko na, may pumihit na sa may pintuan at panigurado ako may binigay na sila na game sa akin. Lord, sana naman yung kaya ko. Kahit chess na lang, okay na yun sa akin...

"Ikaw ang representative for the Marathon."

"HA?!" NGA-NGA! Sana hiniling ko na lang na marathon para ang binigay eh chess. Nakuu. Paano 'to ngayon?

"Yes, sinabi ko na at wala ng balikan."

"Captain naman, nakita niyo naman 'tong katawan ko eh. Mataba ako, hindi ako makakatakbo ng ganun kalayo."

"Rain, i trust you. 5 km lang yun at 2 laps, kaya mo yan."

"5km? at uulitin ko pa?" Double nga-nga ako. Grabe ang fighting spirit ng captain ko. Nakuu! Kung ako lang talaga ang masusunod eh hindi ako sasali noh, ako na lang kakain sa meryenda nila. Kekeke.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 09, 2013 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Payatot Love TabatchoyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ