Payatot Love Tabatchoy[Block 13]

328 6 6
                                    

BLOCK 13

YUJI's POV

Hi...na..likan ako sa labi ni Eunice... 

"Edi tayo na.. We're OFFICIAL!" sabi ni Eunice. Laking gulat ko. Hindi naman niya sinabi na may gusto rin siya sa akin. Ang bilis naman ng pangyayari. Hindi ako makapaniwala. Hindi man lang siya nagpaligaw.. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

"YUJI! Si.. si Rain gising na!" biglang sulpot ni Mitch. Napatingin naman kaming dalawa sa kanya.

"ANO?! Gising na si Rain? Totoo ba yan Mitch?" lumapit ako sa kanya at tinanong siya pero parang iba na ang tumatakbo sa isip niya..

"A..nong.. anong meron sa inyo? Yuji? Bakit ka niya hinalikan? A..ka..la ko si Rain.. Eunice.. bakit..?" nauutal niyang sabi. Halatang nagulat siya sa bilis ng pangyayari.

"Kami na.. Mitch,... kami na ni Yuji" sagot naman ni Eunice.. "Sinagot ko na siya.."

Teka? Hindi ko naman siya niligawan ah. Siya naman itong basta na lang akong hinalikan eh.. Teka, kailangan ko itong i-klaro pero uunahin ko muna si Rain kasi gising na siya.

"Tara na sa taas Mitch.." alok ko sa kanya." Gising na si Rain, baka magtaka yun. Tara!"

Nasa may pintuan na kami. Bakit kinakabahan ako? Eh dapat masaya ako kasi yung crush ko na si Eunice.. eh GIRLFRIEND ko na. Pero unexpected talaga.

Binuksan na ni Mitch ang pintuan at biglang hinawakan ni Eunice ang kamay ko. Holding hands kami pumasok sa room at lahat sila tinginan sa amin. Nakatingin si Rain sa kamay namin ni Eunice. Halatang gulat na gulat siya. Nakaupo na kasi siya sa kama at nakikipagtawanan kina Xena. Nung nakita niya yung kamay namin na magkahawak eh nilayo niya yung tingin niya tapos ngumisi lang siya.

"Parang marami atang nangyari ah" tanong ni sir Mark.

"Kami na po." sabi ni Eunice.

Nagulat silang lahat pero si Rain nakayuko lang, parang alam na kung anong nangyayari.

"Ka..kayo na? Kailan pa?" tanong ni Xena.

"Kanina lang." sabi naman ni Eunice."Oh, bakit gulat na gulat kayo? Hindi naman 'BIG DEAL' yun Rain? diba?"

"Aa..ah?" napatingin si Rain kay Eunice. " Oo.. Hindi naman big deal yun eh. Kung kayo talaga.. Congratulations sa inyo. Buti at may girlfriend na si Yuji. Torpe kasi yan eh. Haha." 

Payatot Love TabatchoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon