Payatot Love Tabatchoy[BLOCK 14]

305 6 6
                                    

Sorry Guys! Pagpasensyahan niyo na po ang walanghiya kong KATAMARAN! xDD Pero eto na yung UD ko and 'maybe' bukas meron na ulit pero don't expect too much kase i've been busy watching CSi:NY. It's so maganda and malapit na din ang pasukan kaya have to prepare. HOPE YOU'LL UNDERSTAND My fellow Readers. :D GOODLUCK.GODBLESS.ENJOY! ♥♥♥

BLOCK 14

RAIN's POV

Pababa na ako sa may hagdan pagkatapos kong makipagtalo kay Payatot Yuji! Nakakainis na siya, napasigaw pa ako at napaiyak. Tsaka yung mga salitang binitawan ko, they were unexpected. Parang pagtubo ng mga pimples na hindi mo naiwasan at hindi naagapan bago pa man lumaki at naging sagabal!..

Teka, OA na yun eh.

Pinunasan ko na yung mga luha ko para wala ng magtanong pa. Alam mo naman yung mga kasama ko dito sa bahay eh. Kung makapaghot-seat eh wagas. Mga walanjo sila!

Leshu! Bakit siya pa ang unang makakakita sa akin na ganito?

"Oh Rain, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" pataray na tanong ni Eunice. Eh kasalanan naman niya eto eh. Bakit ba kasi si Yuji? Pucha! Ang sakit niya sa mata!

"Ako? Bakit naman ako iiyak? Nagutom lang ako. Pupunta muna ako sa kusina." akmang lalakad na sana ako ng hinawakan ni Evil Eunice yung braso ko. Napatingin ako sa kanya. Sa tingin ko magkakastiff neck na nga ako eh.

"Alam mo para kang China.. Alam mo na ngang pagmamay-ari ng iba, inaagaw mo pa! Sobra ka namang mangati! SAGAD!" binitawan niya ko at nag-cross arms siya.

Aba! Nakakainis na din siya! Akala mo kung sino, "Alam mo para kang made in China". Kumunot naman yung noo niya. "Napaka'FAKE' mo na nga, punong puno ka pa ng lead! Nakakamatay ka! PLASTIK ka!" pagkatapos ko sabihin yun eh dumiretso na ako sa kusina. Mas lalo ako nagutom. Naparami ako ng kain at pati plato nakain ko na dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Psh.

Natapos din ang 'Vacation' namin at diretso school agad. Hindi naman na umaatake yung epal kong sakit basta naiiwasan. Sino naman kaya kasing naglagay ng peanut butter sa cake na yun? Ganun na ba siya kagalit sa a--

*BOOOGSH*

Ouch! Yung noo ko! Naku! Napisa na naman yung mga pimples ko. Hindi kasi tumitingin sa daan ayan tuloy nauntog sa may pader! Hmmp! Kung ano iniisip, andami tuloy nakatingin. Exposure! noooo!

"Tanga ka ba o ano?" sabi ng isang lalaki na lumapit sakin. Hindi pa maaninag yung mukha niya kasi medyo natakpan ng kamay ko yung mata ko. "Oh eto buko juice." sabay abot sakin nung buko juice na nakalahati na niya.

"Vince? Aanhin ko naman yan? Hindi ako uhaw!" sabi ko habang hinahaplos yung noo ko.

*TUK*

"AARAY! Bakit mo pinitik yung noo ko." Eh kasi, dun pa sa may tinubuan ng pimple. Nakuu!

"Eh tanga ka pala eh. Ilagay mo yung buko juice sa may noo mo kasi malamig pa. Para mabawasan yung hapdi!"

"Aaah..." Tanga ka nga Rain. Assuming lang teh? "Pero hindi naman mawawala yung sakit na nararamdam ko sa simpleng buko juice lang."

"Double meaning ba 'yan?" wika nito habang nakahawak sa may backpack.

"Naks! Marunong ka pala nun. Haha. Well, siguro."

"Bakit? May lovelife ka na pala? Haha parang imposible ata yun!" tumawa pa siya at ako naman mukhang tangang nakatingin sa kanya.

"So hindi na ako pwedeng magkalovelife? Kayo lang ba?" banat ko naman sa kanya. Kaso hindi ko alam kung lovelife ba ang tawa dun kasi yung lovelife ko ako lang nakakaalam eh. Tsk tsk!

Payatot Love TabatchoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon