Payatot Love Tabatchoy[Block 8]

332 7 6
                                    

Payatot Love Tabatchoy

Property of LoveSharee

BLOCK 8

"Oh?! Siya ang nanalo? OMG! Tinalo kaya niya friend. Hindi ako makapaniwala."

"UNBELIEVABLE! Siya talaga?!"

"Oh, help me! I think i'm going to faint. Haa~"

" Bakit siya pa?! Isang FAT and UGLY DUCKLING! "

Papalapit ako sa entrance ng school ng marinig ko ang mga boses at mga salita na lumalabas sa matabil nilang bunganga. Fat? Ugly duckling? Faint? Oh C'mon! Sino ba kasing nana----

"WHAAAAAAAAAT?!" napasigaw ako ng makita ko yung litrato ko na nasa may board at may nakalagay na First Place?! Ohno.!

Nagtinginan yung mga kapwa ko estudyante and ako naman fake smile and naglakad na ako papalayo. Aish! Bakit pa kasi ako? ako na nga tong dumidistansiya sa kanila eh. Ayaw ko ng exposure!!! Ayoko maging sikat!!!

"CONGRATULATIONS RAIN!" sabay sabay nilang bati saken nung nasa may pintuan na ako ng classroom. May gulat effect pa ako dun pero nakakagulat talaga.

"Ano kayang prize mo Rain? Nakuha mo na ba?" tanong ni Vera saken.

"Malay. -.- at kung ano man yun, wala akong pakialam." 

"Ano ka ba! dapat kabahan ka na kasi baka ikagugulat mo talaga yun!"

"Who the hell cares. Kayo na lang ang gumamit nun."

Wala naman talaga akong balak sumali eh, compulsary lang yun. Hay!

"Aay OO pala Rain," pahabol ni Vera. "Kayo ni Yuji ang nanalo sa photoshoot. Congrats! Excempted kayo!"

"Thank you!" that was my short answer and went back to my seat and getting ready for the subject.

"Congrats sister!" bati naman saken ni Mitch.

"Thanks."

"Bakit kaya wala pa si Vince?". tanong ni Mitch. Napatingin naman ako sa upuan ni Vince kasi diba seatmate ko. Pero meron yung bag niya.

"Andyan na si Sir." I changed the topic kasi nandun naman na talaga si Sir. 

"Good Morning class!"

"Good Morning Sir!" Bati naming lahat.

Payatot Love TabatchoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon