Chapter 04

842 94 17
                                    


Italia Gwen Soler

Present Time

Tahimik akong umiinom nang bumaba si Wendy sa stage. I couldn't help but stare at her, and she caught me looking at her. She gave me a sharp stare before looking away. She was beautiful, not the stunning type, but she had a delicate beauty.

Ito ba talaga ang babaeng minahal ng Kuya ko? What's so special about her? Ito ang sumisiksik na tanong sa isipan ko. Besides, I didn't see her at Kuya Danrev's wake at kahit nang ilibing si Kuya wala ang babaeng ito doon. Iilan lang ang mga taong nakiluksa sa araw na iyon kaya hindi ako magkakamali, hindi siya nagpunta.

She was inside the bar counter now. I tried to speak but no words came out, so I stayed silent and watched her occasionally. Matangkad din siyang babae pero mas matangkad sa kanya si Yana.

"Yana, nalungkot ka ba sa mga kinanta ko?" Wendy asked in her normal tone.

Kapag kumakanta siya, her voice was enchanting. Nakakalibang at nakukuha nito ang pansin ng lahat. But when she speaks in her normal tone, it transforms into a nonchalant, almost indifferent sound, like she's just casually chatting without much emotion. Parang may dalawang paraan siya ng pagsasalita na nagpapakita ng magkaibang bahagi ng kanyang pagkatao.

"It's fine." sagot ni Yana. "Hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng masaya at malungkot ngayon." Naging malungkot ang boses ni Yana at halatang pilit ang kanyang ngiti. Palihim akong nag-o-observe sa kanilang dalawa habang nakaupo ako rito sa stool.

"Any news about Lucienne?" tanong ni Wendy.

Hindi ako direktang nakatingin sa kanila pero naririnig ko ang usapan nila, nagkukunwari akong walang pakialam. Pero paminsan-minsan sinusulyapan ko ng tingin si Wendy. Lumapit siya dito sa kinaroroonan ko. Magkatapat na kami, ang counter table lang ang nagsisilbing harang naming dalawa. Inilapag ni Yana ang cocktail drink dito sa counter top. Nang damputin iyon ni Wendy napatingin siya sa akin at nagkatitigan kaming dalawa. Binabasa ko ang mga mata niya mukhang ganon din siya sa akin. Wala ni isa sa amin ang kumurap, para tuloy kaming nasa paligsahan.

Pero natalo ako sa pagkakataon na ito. I quickly turned my gaze away because I felt a sudden heat in my chest as our eyes met. It felt like I was burning inside.

Anong meron sa taong 'to? Ininom ko ang alak na nasa baso ko. Nang muli akong mapatingin sa kanya, naka'y Yana na ulit ang atensyon niya.

"We're still searching for her. Dumaan lang ako rito para icheck ang operation ng bar, aalis din ako para ipagpatuloy ang pag-hahanap." saad ni Yana.

"It's been six months. But don't lose hope, you'll find her. For now, you need rest." Wendy said in a monotone voice. I couldn't tell if she was genuinely concerned or just saying comforting words to Yana. Dahil mukhang may isang importanteng tao na nawawala sa buhay nito.

"Yeah, thanks Wendy sa pagpapalakas ng loob ko."

Pagpapalakas ng loob? I almost laughed. Hindi ba nahalata ni Yana na halos walang emosyon ang boses ni Wendy?

Now I understand, this person seems to have no heart. At bigla na lamang nagkaroon ng conclusion sa isip ko. Kaya siguro nagawa ng Kuya ko ang magpatiw*kal dahil walang empathy ang babaeng ito.

"No problem. But I need to go, Yana, mauna na ako."

Nag-beso sila saka umalis si Wendy dala ang kanyang bag. I glanced over my shoulder para sundan siya ng tingin. She walked straight out of the bar. I paid for my drinks and left the bar. Naabutan ko siya rito sa parking lot habang nakikipag-usap sa isang lalake. Nagpatuloy akong maglakad hanggang sa marating ko ang kotse ni Arvie.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora