Chapter 06

733 104 30
                                    

A/N: Guys, vote niyo muna bago basahin baka kasi makalimutan niyo, tapos comment na rin kayo. Sa mga readers na regular na nagco-comment sa mga stories ko. Sobrang appreciated ko mga ginagawa niyong effort, guys. I hope marami pang mag-active na readers. -------> Love you all. 🤍🩶🖤

°•°•●•°•°

Italia Gwen Soler

Days passed.

Wearing my professional blouse and a pencil-cut skirt paired with high heels, I entered the lobby of JF Towers and mentioned my name to the receptionist. "I'm Italia Gwen Soler, I have a scheduled interview with Miss Beth."

"Just a moment, Ma'am." Nagdial sa phone ang receptionist at may kinausap, saglit lang iyon, ibinaba din niya ang telepono.

"Miss Soler, please proceed to the 37th floor office of the CEO, and look for Miss Beth there."

"Okay, thank you."

Habang papunta ako sa elevator. Nakatanggap ako ng message mula kay Arvie saying 'goodluck'. Napangiti ako saka ko ibinalik ang phone sa loob ng bag ko. Pagsakay ko ng elevator pinindot ko ang button na 37. Naghintay ako na makaakyat sa floor na pupuntahan ko at nang tumunog ito at bumukas ang pinto lumabas agad ako.

Tahimik ang buong 37th floor, carpeted ang buong sahig. Iilan lang ang mga tao rito. Nang makita ko ang pintuan sa dulo na may nakalagay na Office of the CEO na signage nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa bandang right side ng pintuan naroon ang isang desk at may babae na nakikipagusap sa telepono.

Naghintay ako mukhang siya na ang hinahanap ko. Pagbaba niya ng telepono ibinaling niya sa akin ang tingin.

"Hi, I'm Italia Gwen Soler. I'm here for the interview." saad ko.

"Oh, yes. Sit down." saad siya saka niya binuklat ang folder sa harap niya. Umupo ako dito sa visitor's chair na nasa harapan ng desk niya.

"I'm Beth, by the way. Secretary of the CEO." pakilala niya sa sarili. "I have read your CV and I learned that you are a CPA and a Financial Manager  in your current job in Australia, Miss Soler. Why are you applying for secretary position then?"

Sabi ko na nga ba, iyon ang unang mapapansin sa CV ko. Pero ito ang inutos sa akin ni Arvie ang makuha ang secretary position. So kailangan kong sumagot at makumbinsi ang taong ito.

"I want to learn new things. Although I have experience in finance, I am eager to expand my skills. I am ready to try new things and challenge myself beyond my usual routine."

Napatingin ulit siya sa CV ko saka niya ibinalik ang tingin sa akin. Mukhang hindi siya kumbinsido.

"I understand, but I would like to offer you the Finance Chief Officer position instead of the Secretary position, Miss Soler. Both positions carry equal weight, but your experience will help you do your job easily when you're in the finance department."

Nakasilip agad ako ng pag-asa na makapasok sa kompanyang ito dahil sa offer niya. Kung ako lang, kahit anong position ang makuha ko, pero tama si Arvie kailangan kong mas mapalapit kay Wendy.

"Thank you for considering me for the FCO position, Miss Beth. I appreciate the opportunity, but my current goal is to transition into a secretary role to broaden my skills and explore different aspects of the business." Binigyan ko siya ng matipid na ngiti. Kaunti pa, sa tingin ko kaya kong i-convince ang taong ito.

Ngumiti siya. "You know what? I like your personality. The secretary position is no joke. But I want to be honest with you, Miss Soler. You might not be able to handle Wendy, baka umiyak ka lang kapag pinagalitan ka niya. So if I where you I'd accept the FCO position at least kung mapagalitan ka man niya, hindi araw-araw."

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon