Chapter 16

831 70 7
                                    

Italia Gwen Soler

Kanina pa ako naghahanap dito sa desk ko. Nawawala yong planner ng mga secretaries. Madalas dinadala ko yon pauwi, kapag nandito naman ako sa office nilalagay ko lang dito sa drawer ko. Natatandaan ko, sinulatan ko pa yon kahapon bago ako umuwi.

Lahat ng laman ng drawer ko ay naalis ko na pero wala talaga rito. Inatras ko ang upuan ko saka sinilip ang ilalim ng desk ko pero wala rin.

"Oh ehm gee! Nasaan ka na ba? Magpakita ka na, please?" Naiiyak ako kakahanap. Hindi pwedeng mabasa iyon ng kung sino man lalo na si Wendy, or else I'll be in trouble again.

"Okay ka lang ba, Secretary Italia?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Engineer Randa. Halatang nagtataka siya habang pinagmamasdan akong nagbubuklat ng mga gamit.

"I'm looking for the old planner, red in color. Baka may nakita ka rito sa ibabaw ng desk ko kaninang pagpasok mo, Engineer Randa?" Mas nauuna siyang dumating kesa sa akin kaya posibleng nakita niya iyon kung dito ko iyon naiwan.

Umiling siya. "Your table was clean when I arrived."

"Are you sure?" Hindi talaga ako mapakali. Tumayo ako at nag-isip kung saan ko iyon nailagay. Pero wala akong ibang mapaglalagyan non kundi dito lang.

"Yeah, I'm sure. Wala kahit anong gamit ang nakapatong diyan."

Napahawak ako sa noo, oh god nasaan na yon? Wala sa bag ko, wala sa sasakyan, at wala rin sa bahay, dahil kagabi ko pa napapansing wala iyon sa bag ko. Saan kaya napunta?

"Tanungin mo sa Janitor baka itinabi lang nila nong naglinis sila."

"Okay, Engineer. Thank you." Umupo ako dahil nahihilo na ako kakahanap.

"Nandiyan lang yon, dear. Mahahanap mo rin. Paano, aalis muna ako dahil may kailangan akong i-check na construction site sa BGC."

"Okay. Take care, Engineer." iyon lang ang nasabi ko bago ko isandal ang likod ko sa kinauupuan ko. Umalis na si Engineer Randa.

Nalulungot ako habang iniisip ang planner na iyon. It's important to me. Kahit hindi ko nakilala ang mga previous secretaries ni Wendy, I feel connected to them through the notes they left on the pages of the planner. 

Nanghihina akong tumayo nang dumating si Wendy. I prepare her schedule list pero hindi muna ako pumasok sa office niya. Isasabay ko na yong kape niya pagpasok ko roon.

Pumunta ako rito sa pantry, naghanda ng kanyang kape. Matamlay ako, ganito ako kapag may nawawala akong mahalagang gamit. If it weren't for Secretary number one who started the diary, Secretary number two wouldn't have been able to write about Wendy's favorite coffee secrets. And the rest, it helped me get to know Wendy better. Ang laki ng panghihinayang ko nang mawala sa akin yong planner. Naiiyak ako, pakiramdam ko nawalan ako ng kaibigan.

Nang matapos akong magtimpla ng kape, dinala ko na ito sa opisina ni Wendy. Seryoso siyang nakaupo sa kanyang Executive chair.

"Here's your--------coffee." hindi ko na nasabi ang huling salita, at hindi ko rin nagawang ilapag ang kape nang mahagip ng mga mata ko sa gilid ng desk niya yong planner na hinahanap ko.

How did it get there?

Naalala ko, she told me yesterday to go home dahil wala na siyang iuutos sa akin. Kung ganon, naiwan ko talaga sa desk ko yang planner at siya ang nakakita!

"You might spill the coffee, Italia."

"Oh, I'm sorry." Kung hindi pa nagsalita si Wendy baka nga natapon na ang kapeng hawak ko dahil nakatagilid na ito kaunti sa kamay ko, nawala ang atensyon ko nang balikan ko ang mga pangyayari kahapon.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon