Chapter 7

80 6 0
                                    

Maxine's POV





"Are we officially dating?" I broke the silence. Kumain nga kami sa labas pero para naman akong walang kasama dahil kanina pa tahimik si Alex.

Hindi parin namin napag-uusapan ang nangyari sa amin. I tried to talk to her about that but she seems no interest.

She just give me a quick stare and eat her pasta again.

I sighed. Ok fine I will shut my mouth.

"Maxine?" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Vince." I excitedly run to him. "Oh my god what are you doing here?"

"Dito na ako mag-aaral. Saan si Blue?" Hanap agad nya sa crush nyang si Blue. Isa sya sa mga common friend namin ni Blue at magkasing edad rin sila.

We're neighbors in US, everytime Blue's family visit us we always play with him. Vince is really a good guy that's why I am very comfortable around him.

"I don't know." Kumapit ako sa braso nya at hinila papunta sa table namin ni Alex. "Kumain ka na ba?"

"Not yet. Mabuti na lang at dito ko napiling kumain makikita pala kita."

"Join us." Ngumiti naman ako kay Alex na nakatitig sa aming dalawa. As usual her face looks serious. "Vince I'd like you to met Alexandra, my special someone." I proudly said. Hindi naman nagulat si Vince dahil kilala naman nya ang mga magulang ko at open minded sya sa kahit ano.

"Hi, nice meeting you. I'm Vincent Dizon but you can call me Vince."

Tipid namang ngumiti si Alex. Hindi ko pinansin ang mga mata nyang bumaling sa akin na tila nagsasabing 'Unbelievable.'

Hawak ko parin ang braso ni Vince at pinaupo sya sa tabi ko. "Anong gusto mong kainin? Elilibre kita."

"Talaga? I like it."

Tinawag nya ang waiter at nag-order. Tumunog naman ang cellphone ko, tiningnan ko si Alex alam kong sa kanya galing tong text dahil hawak nya ang kanyang cellphone.

'Why did you say that?' I silently read her text.

'That you are my special someone? Ok fine I'm sorry, I'll just make it up to you later.' Reply ko. I looked at her and naughtily smiled.

'Uuwi na ako.' Naalarma ako sa nabasa. Galit na naman sya. Nakakainis.

'Sige umuwi ka at hahalikan kita dito.' She knows I can do that. Maldita ko syang tiningnan sa mata.

'CRAZY!!!!' Huling reply nya bago binaba ang cellphone at uminom ng juice. Takot ka naman pala. Hahalikan ko talaga sya dito kapag umalis.

"Matagal na ba kayo?" Nakangiting tanong ni Vince habang palipat-lipat ang mata sa aming dalawa.

Uminom muna ako ng juice bago sumagot.

"Uhmm, kinda." I simply turned my eyes to Alex to see her reaction before turning my attention to Vince. "Teka, alam na ba ni Blue na dito kana mag-aaral sa pilipinas?" Pag-iiba ko sa topic. I could sense someone's already not in the mood right now.

"Nope. Alam ko namang hindi sya magiging interesado kahit pa lumipat ako dito."

"Well, ako masaya na dito kana mag-aaral. May mapupuntahan na ako kapag walang ginagawa sa bahay. We could play online games and arcade."

"I'd rather sleep than play with you." She playfully messed my hair. "You always lose."

"I hate you." Inis kong tinabig ang kamay nya. "Alam ko namang si Blue lang ang gusto mong kasama."

CBS (gxg) Maxine and Alex Where stories live. Discover now