Chapter 9

129 14 0
                                    

Maxine's POV






"Lol." Inis akong umirap kay Mikee na tawang-tawa at nakahawak pa sa tiyan. "Masaya ka?"

Dito kami sa labas ng sinehan at mukhang manonood talaga kami ng movie ngayon kahit wala sa plano.

"Hahay." Naluluha ang mata nitong tumigil sa pagtawa. "Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina sigurado matatawa ka rin." Umakbay ito sa akin at tuwang-tuwa talaga sa ginawa. "Teka miss, may date kasi kami ngayon at manonood pa kami ng movie." Ulit nya sa sinabi kay Alex. "Tingin mo nagselos kaya sya?"

"Bakit mo ba kasi sinabi yun? Tsaka hindi yun magseselos." Nakakainis. Siguro iniisip na ngayon ni Alex na nakikipag-date talaga ako sa iba.

So what? Wala naman syang pakialam sayo di ba.

"Sa tingin ko magseselos yun. Sa gwapo ko ba namang to hindi nya pagseselosan?" Tumawa ulit ito. Si Mikee ay kaibigan ko at pinsan ni Vince at dito na rin mag-aaral kaya lumabas muna kami para mamasyal. Alam rin nya ang tungkol kay Alex dahil kay Vince.

Hindi ko talaga inasahan na makikita ko si Alex ngayong araw tapos may kasama pang babae.

Gusto kong magtampo pero wala akong karapatan. Noon inaaya ko syang lumabas para magkape pero hindi talaga nya ako pinagbibigyan.

"Sana nga magselos sya." Suntok sa buwan kung magseselos si Alex, kahit nga binigay ko na pati katawan ko sa kanya ay wala paring epekto.

Five weeks ko ng pinapanindigan ang sinabi sa kanya na hindi na magpapakita pero para naman akong pinapatay sa lungkot.

Araw-araw naiisip ko kung tatawagan ba sya o hindi. Kaya lang baka mas lalo nya akong itaboy.

Hindi nga siguro ako namimiss ng taong yun.
Sige mangarap ka pa Maxine, masasaktan ka ulit.

Mabuti na lang at andito ang mga kaibigan ko kahit paano nawawala ang atensyon ko sa pag-iisip kay Alex.

"Malay mo maging effective ang ginawa ko."

"Tingnan mo hindi ko tuloy naitanong kung bakit gusto nyang makipag-usap." Nalilito ako kanina kaya sumang ayon na lang ako kay Mikee na may gagawin.

May plaster pa naman ang siko nun, ano kayang nangyari sa kanya.

"Huwag kang lilingon." Pilit ngiting sabi ni Mikee at kinulong sa kamay nya ang mukha ko.

"Bakit?"

He kissed my forehead.

Nabigla ako.

"Mikee." Kukurutin ko sana sya pero may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Maxine."

Nagulat ako ng makita ang mukha ni Alex.

"A-alex?"

"O di ba ikaw yung kanina." Sabi ni Mikee at umakbay sa akin.

"Pwede ka bang sumama sa akin?" Para namang hindi nya nakita si Mikee sa tabi ko at nakatingin lang sa akin.

"Ha?"

"Sumama ka sa akin." May pagkadeterminado nitong wika.

"Babe, sasama ka sa kanya o sa akin?"

Tiningnan ko ang nakangising mukha ni Mikee. Babe? Sira talaga to.

"Let's make her jealous." Bulong ni Mikee sa tenga ko.

"What?" I confusedly frowned.

"Trust me." Bulong ulit nito.

"Maxine." Madiin ang pagkakasabi ni Alex sa pangalan ko at mukhang galit yata.

Nalilito ako. "Ahmmm."

CBS (gxg) Maxine and Alex Where stories live. Discover now