CHAPTER 7

10 2 0
                                    

                         CHAPTER 7

   Hindi sa lahat ng panahon ay umaayon sa atin ang mundo. Katulad nito, it’s been three days since Bilog started to ignore me, and even just a little hint ay wala akong nakuha para man lang malaman ang rason ng kaniyang biglaang pang-iignora. He just left me hanging, and clueless.

   “Ano Pres, kaya pa? Tatlong araw na.” Napatigil ako sa pagpasok ng klase ng marinig kong may pinag-uusapan sina Clyde.

   “Anong pinagsa-sasabi mo? Manahimik ka gago.” Banas ang pagka -sagot ni bilog sa tanong na iyon ni Clyde.

   Three days, it’s been three days simula ng maging mainitin ang ulo ni Bilog. Even kina Sam, Threisha, and even kay Clyde. Pabalang siya kung makipag-usap.

   “Okay, sabi mo eh!” Hagalpak na napatawa si Clyde sa pagkakasabi niyang iyon.

   “Sino ba kase ang pinagpa-salamatan at hindi ata sa iyo na i-sent ang message? You know what Jey, cheer up. Ibibili na lang kita ng puto doon kay Miss Stem.” Naguguluhan ako sa aking mga naririnig kaya hinayaan ko na lang muna ang sarili na manatili sa labas upang mas mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

   “Ako na bibili para sa kaniya. Akin na pera mo, bibili ako mamaya. Ilan ba gusto mo?” Sunod-sunod na pagkasambit ni Clyde.

   “Heh! Gusto mo lang makita si Moon eh. I should know, crush mo kaya siya!” Pabalang at nanunukso na tugon ni Threisha.

   “Pake mo? Aba’y syempre ideal girl yun e. And, baka nakakalimutan mo, si Miss Stem ang reason kung bakit ka umatras sa scrabble?” Bahagya akong napangiti sa sinabing ito ni Clyde.

   Hindi ko pa man nakikita ang itsura ni Threisha sa ngayon. Ngunit, alam ko ng naka-simangot ito. She hate it everytime Clyde would have a crush on someone. Clyde is her long and original crush.

   “Pake mo?” Naiinip akong naghihintay sa labas habang umaasang magkakaroon pa ng karugtong ang usapan nila with Bilog.

   “Sayang yung moon cake. Halos nagka-kandarapa ko iyong binili ng inutos mo tapos ibang lalaki ang naka-puntos.” Biglaang sambit ni Clyde.

   “Umamin ka na kase kay Shy, Jey. Walang mawawala, tapos anong bago? Eh, dati pa gusto mo na siya? Hindi ka naman niya nilayuan kahit nalaman niya iyon. Kaya, anong ikinakatakot mo? Sunod-sunod na sambit ni Sam.

   Mula sa maliit na siwang sa bintana ay nakita ko kung paano seryosong tumango ang aming mga kaibigan sa sinabing iyon ni Sam.

   “Wala nga akong gusto sa kaniya. Matagal na.” Bilog said it to their faces firmly.

   Naniniwala ako doon, kapag sinabi ni Bilog na wala, wala talaga. That's him.

   “Lokohin mo pa ang sarili mo.” Wala na akong narinig pang muli kaya inayos ko na ang aking sarili.

   “So, it’s from him.” Napaigtad ako sa kinakatayuan ng may biglang nag salita sa aking likuran.

   “Go, thank him. Good morning by the way.” Nakangiting saad nito sa akin.

   “Good morning, Sir.” Bahagya akong yumuko bilang pagbibigay galang sa ginoo sa aking harapan.

   “Aray naman!” Mahina akong napa-impit ng nakatamo ako ng kaltok galing sa kaniya.

   “Ano ako, santo? Tsaka, akala ko ba hindi ka pa papasok? Miss mo na ako ano?” I acted like I was about to vomit ng sabihin niya iyon.

   “Mahiya ka naman sa sarili mo. Siyam na taon nga hindi ako nangulila sa ‘yo, isang araw pa kaya?” Arogante kong pagsambit.

Senior High Series #6: A Tale Of Pens And Pans(A collaboration Series)Where stories live. Discover now