CHAPTER 10

10 3 0
                                    

                        CHAPTER 10

   PANATA.

   every word matters.
    8m
 
  

Isang daan, tatlumpo’t dalawa.

ako’y nakatingin sa langit na puno ng tala,
manghang-mangha sa ganda nitong pambihira.
katulad ng iyong mukhang kahanga-hanga,
iyong mga matang kumikislap na parang tala,
nagliliwanag sa tuwing ako’y iyong nakikita.

ako’y biglang natawa,
sapagkat sa langit ay wala palang tala,
isang ilusyon lang pala ang aking nakita,
na ako ang sinisipat ng iyong mga mata,
gayong hindi pala ako ang binibining iyong nais na matamasa.

sa ilalim ng puno||• shine.

   Napailing na lamang ako sa aking ginagawa. Umabot na ng higit isang daan na tula ang nai-post ko sa aking blog, patungkol sa aking ama, kay Mama, sa mga kaibigan ko, sa mundo, patungkol sa kung paano nag daan ang buhay ko. Ngayon lang, ngayon lang ito nagkaroon ng tula na patungkol sa pag-ibig, pagkasawi pa ang bungad.

   PANATA.

   every word matters.
    1m

Isang daan, tatlumpo’t tatlo.

mahirap pala ano?
mahirap magkagusto sa ‘yo,
alam ko naman na malabo ang nais ko,
pero, malalim na ang pagkahulog ko,
tuluyan na akong nabaon sa mga ngiti mo,
nais kong makaahon mula dito,
sapagkat, alam ko,
na hindi para sa akin ang mga ito,
pantasiya lang ang nakikita ko,
peke at hindi totoo,
dahil siya naman talaga ang iyong gusto.

nakatingala sa langit||•shine.

   Iniluklok ko sa bulsa ang aking cellphone matapos kong i post ang pan-isang daan, tatlumpo’t tatlong tula ko sa aking blog. Ang ika-siyam na tula na nagawa ko para sa kaniya sa loob ng isang araw.

   Marahan kong sinisipa ang maliliit na bato na nasa aking harapan. Tahimik lamang akong nakaupo sa bench ng hardin nitong paaralan. This is my favorite place whenever I am sad. Wala masyadong nagpu-pupunta dito lalo’t bagong tanim pa naman ang mga bulaklak, hindi pa ganoon ka ganda tingnan.

   But, except me, I love watching plants as they grow, until they will bloom. Gusto kong masaksihan yung proseso ng kanilang paglaki, may iba na muntikang hindi nabubuhay sapagkat sibol pa lamang ay nalalanta o natutuyot na, but, anong silbi ng pag-araw-araw na pagpunta ko dito kung hindi ko aalagaan ang mga iyon. I love taking care of them, until they will have the beautiful petals the soonest, ayokong maranasan nila na sukuan dahil papalanta na, dahil unti-unti ng nawawalan ng halaga. Funny how I relate flowers into my life.

   “Lalim ng hugot mo.” Napahinto ako sa pagsisipa ng mga bato at umayos ng upo.

   “Magsalita ka naman. Naiwan ka lang hindi ka na-pipi.” Agad kong kinaltokan ang lalaki sa sinabi nito.

   “Gago!” Malutong na saad ko.

   “Hindi kase, ito seryoso, masakit?” Lalong naningkit ang mga mata ko sa lalaki ng sambitin niya ito.

   “Ano? Nagtatanong lang naman ako ah.” Nagpipigil tawa nitong saad.

   “Eh ba’t ka tumatawa?” Banas kong tugon.

   “Hindi ah. Ito seryoso na talaga. Halos siyam na nasawing tula, para sa iisang binata? Ayos ka pa ba?” Matalinghaga nitong pabaya.

   “Sa tingin mo?” Luminga ito.

   “Tsk. Alam mo naman pala e.” Napaismid ako.

   “Sinisigurado ko lang.” Bahagya nitong ginulo ang buhok ko at pinalis ko naman ang kamay nito.

Senior High Series #6: A Tale Of Pens And Pans(A collaboration Series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora