CHAPTER 9

8 3 4
                                    

                          CHAPTER 9

   “Girl, totoo ba ‘tong naririnig ko? May SVH’s Night daw?” Bungad sa akin ni Threisha pagka-dating nito sa klase.

   “Ano naman ang bago do’n? Eh, taon-taon namang may ganiyang event.” Si Samantha ang sumagot.

   “Tsaka, alam naman natin na nagmistula ng tradisyon ng paaralan ito. It is to remember the school’s history, and also it has an advantage naman sa ‘tin to get to know with other students.” Dagdag ko pa.

   “Eh, ang hectic na ng sched natin e. The final exam is very nearly approaching, last week din may event tayo sa resort. Halos naging sunod-sunod na, may time pa kaya tayong mag review?” Nag-aalalang sambit nito.

   “As if naman talaga nagre-review ka eh no? Tsaka girl, malay mo madagdagan na naman ‘yang collection mo ng stamps. Madaming chupapi panigurado.” Nagniningning ang mata ng dalawa at sabay na ipinalakpak ang mga kamay nito na animo’y biglang nawala ang kanilang mga problema sa sinabi ko.

   “Aray! Anong trip mo?!” Biglang napasapo sa ulo si Threisha ng kaltokan siya ni Clyde pagkalapit nito.

   “Morning guys.” Nakangisi nitong pagkasabi.

   Hindi namin ito pinansin, bagkos, nagkatinginan kaming dalawa ni Samantha at nginisihan ng nakakaloko si Threisha.

   “Tigil-tigilan niyo ako mga gaga! By the way, kailan daw ang event?”

   “On wednesday.” Tipid kong sagot.

   “Argh!” Napatampal ng ulo si Threisha.

   “This is really exhausting.” Pasalampak na i-nuntog ni Threisha ang kaniyang ulo sa upuan ngunit agad itong sinapo ng makapal na towel ni Clyde.

   Muli kaming nagkatinganan ni Samantha.

   “Ah! O to the M to the G? Girl, nakikita mo ba ang nakikita ko? Are they—?! God, I can’t even imagine. Paano na si Miss Stem?” Sunod-sunod na pagbigkas ni Samantha.

   “Mas maganda ako do’n!” Threisha confidently stated.

   “So, may kayo nga?” Nginisihan lamang kami nito bilang sagot kaya’t nakuha na namin agad ang ibig nitong sabihin.

   “Talandi!” Panunukso ni Samantha sa kaniya na irap lamang ang kaniyang isinagot.

   “Change topic nga, saan na ba si bilog?” Pag-iiba ko ng usapan.

   “Don’t tell me—? Oh My God, lord ‘wag mo naman akong hayaang maiwan. Kahit sa Wednesday na ang akin, kase naman hindi ko ka—”

   “Aray! Ano ba!” Inis na saad nito matapos kong tampalin ang kaniyang noo.

   “Ang o.a mo, walang gano’n.” I rolled my eyes on her at ibinaling ang atensyon sa mga notes na nakabalandra sa aking upuan.

  

   Tahimik akong nakaupo sa aking silya habang tinatanaw ang malakas na pagbuhos ng ulan at hinihintay ang pagtila nito.

   “Ang panget ng event mamaya kung hindi titila ‘to, sayang din ang mga lights.” Nalipat ang aking tingin sa isang binatang biglang nagsalita sa aking likuran.

   “Rocky road?” Nakangiti nitong saad.

   “Umuulan, tapos ice cream?” Walang gana kong sambit.

   “May nagpost kase ta’s sabi do’n, ice cream can fix everything, even a bad day. Kaya naisip ko na baka mapagaan ko ‘yang nararamdaman mo.” Matamis itong ngumi-ngiti habang sinasambit ang mga salitang iyon.

Senior High Series #6: A Tale Of Pens And Pans(A collaboration Series)Onde histórias criam vida. Descubra agora