CHAPTER 8

12 3 11
                                    

                         CHAPTER 8

   Cabuco Resort. Iyan ang unang bumungad sa akin pagka-baba ko ng van. The signage is quiet simple yet mesmerizing enough to caught every tourists attention.

   Pagpasok na pagpasok namin sa naturang resort ay kaagad na bumungad sa amin ang simpleng pagkaka-desinyo nito. Mula sa mga kulay blue green na cottages na gawa sa kawayan. Perfect din ang spacing ng cottages, hindi masikip at hindi rin masyadong maluwag. Tungo sa mga swimming pools, to the natural green view of the said resort. Ended up to the sweet smiles of the staff. Masasabi ko talagang, this place feels like home.

   “Enjoy.” Sandali akong napatigil sa pagmamasid sa paligid at tiningala ng saglit ang ginoong nagsalita sa aking tabi.

   Nginitian at kaunti ang ginawa kong pagtango para tugonan ang kaniyang presensya.

   “Ano na te? Baka gusto mo na ipaalala ko ulit sa ‘yo ang ginawa niya two months ago?” Itinikom ko ang aking bibig at inirapan na lamang si Threisha sa kaniyang sinabi.

   “Sasali kayo sa cook off?” Sabay ang aming paglingon na nagawa ni Threisha at Samantha sa biglaang pagdating ni Clyde. Kaagad naman akong napa-iling sa kaniya bilang sagot.

   “Mukha ba akong marunong magluto?” Banas na sagot ko dito. Bumingis-ngis itong umalis sa aming tabi habang dala-dala ang mga gagamitin niyang putahe sa pagluluto mamaya.

   “Huy babae, gumising ka nga! May ibang gusto ‘yon!” Tinapik ko ang noo ni Threisha ng mataman niyang sinundan ng tingin ang bawat pagkilos ni Clyde.

   “Ano? Gawa-gawa ka na naman ng kwento.” Natatawang saad nito.

   “Ibig sabihin, gumagawa ka lang din ng kwento? Narinig ko ang buong usapan niyo last week kaya hindi mo ako mau-uto.” I winked at her after spouting those words to annoy her more.

   “Tsaka, balita ko. Ang babaeng nagugustohan niya ngayon ang nagpa-atras sa ‘yo para sumali sa scrabble?” Mas pamimikon ko pa sa kaniya.

   “Gaga, manahimik ka. Pabayaan mo ako, at pababayaan din kita sa pagka humaling mo sa guro na iyan.” Sambit niya sabay turo kay Whylle na kausap ang ibang staff ng resort.

   “Balita ko, top 2 daw sa buong stem ang nagugustohan ni Clyde. Te, aral ka , habulin mo ang gagang to. Baka sakaling lumipat sa ‘yo ang atensyon ni Clyde, baka sakali.” Panunukso ni Samantha.

   “Ewan ko sa inyo.” Padabog kami nitong tinalikuran at dumeretso sa isang bakanteng cottage. Sabay lang kaming nagtawanan ni Samantha sa kaniyang reaksyon.

   Malaki ang resort at walang masyadong tao, mga school mates lang din namin. Wari ko’y nirentahan ang buong lugar para sa event na ito.

   Hindi rin kami masyadong madami ngayon, iilan lang ang sumama. Iyong mga Grade 12 naman ay hindi nakasama dahil sa puspos na paghahanda para sa papalapit nilang pagtatapos. Kaya kakaunti lang kami dito.

   “Students, can I have your ears for a little while?” Kaagad na nagsi-tahimik at nag-ayos ng sarili ang bawat isa upang harapin ang studyanteng-guro na nagsasalita.

   “Thank you.” Saad nito ng mapansin niyang sa kaniya na ang tuon ng nakararami.

   “At exact 10:00 magsisimula ang cook off. For those who are participants, you may start preparing your ingredients after this talk. After ng cook off is kainan, may mga games rin after, jammings, and kantahan if you guys want. I want you to enjoy yourselves, do not focus on the competition, i-enjoy niyo lang ang sarili ninyo. And at exactly 5:30 magkakaroon tayo ng fellowship or open forum, right inside the pool. That’s all. Go prepare yourselves, and enjoy!” Pagkatapos ng mahaba nitong litanya ay walang pasabi itong tumalikod at umalis papasok ng base ng resort.

Senior High Series #6: A Tale Of Pens And Pans(A collaboration Series)Where stories live. Discover now