CHAPTER 14

11 4 0
                                    

                       CHAPTER 14

   Hindi ko naitago ang aking ngiti ng nakatanggap ako ng mensahe galing kay Whylle. Ever since nangyari ang kahapon ay mine-message na ako nito from time to time, and he didn’t stop messaging me even if I just kept on ignoring his messages.

   “Ganda ng ngiti ah.” Dagli kong itinago ang aking telepono ng biglang dumating si bilog.

   “Uy, may tinatago. Hinatid ka lang kahapon ah, kayo na agad?” Napaimpit ito ng batokan ko ito sa gitna ng kaniyang panunukso.

   “Anong kayo na agad?” Natigil kaming sa pag-aasaran ng sabay na pumasok ang tatlo.

   “Girl, are you alright?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Samantha habang ibinababa ang kaniyang bag. Tinanguan ko naman ito bilang tugon.

   “Sabi ni Tita hindi ka raw umuwi kagabi. She kept on calling us as we kept on calling you too pero wala kaming nakuhang sagot. Ayos ka lang ba talaga?” Threisha put herself near me habang tinuturan ang mga katagang iyon at hinaplos ang aking buhok ng marahan.

   I just smiled at her and nodded.

   “Come on Shy, hindi ka naman na pipi ah, magsalita ka naman. Kanina ka pa tango ng tango eh, hindi ba mababali ang leeg mo niya’n?” Sabay sabay kaming nagtawanan sa hirit ni Clyde.

   “Ayos nga lang ako.” I stated, giving him the satisfaction he wants.

   “So, where did you sleep last night?” Muli akong natamimi sa tanong nito.

   Paano ko sasabihin? Anong sasabihin ko?

   “Kina Whylle!” My blood rose up through my veins as Jey stated those.

   Sabay sabay na naghiyawan at nagsalita ang tatlo ngunit hindi ko pinansin ang mga ito. I run off to chase Jey upang makaganti.

   Umabot na kami hanggang sa labasan ng ibang section ng HUMSS ngunit si gago sobrang bilis tumakbo. He even keeps annoying me, while he’s running rapidly.

   I give up. Hingal akong bumalik sa aming silid habang unti-unting nag-iisip ng ipapalusot sa mga ito.

   “Explain.” Hindi ko pa man nababawi ng lubos ang aking hininga ay bumigat na namang muli ito ng tinitigan ko ang tatlo. They look so serious, stern and with their reactions now, they might eat me alive. I gulped numerous times as I am analyzing the perfect words to speak.

   Napahinga ako ng malalim at isa-isang kinaltokan ang mga ito ng sabay-sabay silang tumawa.

   “Natatakot ka pala?” Saad ni Clyde sa gitna ng kaniyang pagtawa. Muli ko naman itong kinaltokan ng malakas kaya ito napadaing.

   “Ang sama mo ah!” Pabiro akong tinulak ni Theirsha palayo kay Clyde at hinimas ang batok nito.

   “So, ano nga girl? Anong nangyari?” I just shook my head off as a response to Sam’s question.

   “Ang damot.” Bigong saad nito.

   “At ang rupok!” My forehead creased ng biglang pumasok si bilog at agad akong tinukso. I am about to catch him ng awatin ako ng dalawa.

   “Tama na girl. He has a point naman.” Naniningkit ang aking mga mata ng tingnan ko si Threisha. Kaagad itong nagtago sa likuran ng kaniyang nobya ng akmang lalapitan ko ito.

   “Hindi, seryoso na. Ayos ka lang?” Pag-iiba ni Samantha ng usapan.

   Humugot ako ng malalim na hininga bago ko ito hinarap at prenteng naupo.

Senior High Series #6: A Tale Of Pens And Pans(A collaboration Series)Where stories live. Discover now