KABANATA 2

278 16 3
                                    

Init




Sa Las Cassa bihira kang makakakita ng mga taong mayayaman pero ang mga bahay at mga establisyemento rito ay napakaganda ng ityura. Tila mga mahal na materyal ang gamit nito




Napaka laking tulong ng mga mineral resources sa lugar na ito. Halos ito na nga ang bumubuhay sa buong Las Cassa




Sa susunod sa dalampasigan naman ako nagmumuni-muni para makita ang pagkakaiba ng baryo sa tabing dagat




Kasalukuyan akong naglalakad pauwi nagtitingin tingin ng mga bulakalak sa mga nadadaanang hardin. Minsan pa'y May napulot akong gumamela na puti at may lumabas na maliit na bubuyog kaya't ibinalik ko na lamang sa takot




Sementado ang ilang bahagi ng baryo maliban nga lang sa mga tagong daanan gaya ng sa amin kaya maputik kapag umuulan




Matagal ng kay nangakong ipapakalsada ito ng gawa sa semento ngunit hanggang ngayon walang nangyayari




Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. May mga bumabati sa akin at nginitian ko ito at nagmamano pa sa ilan. Mga nakagawiang kong gawin kapag may nakakakilala sa akin. Hindi man ako nakikipag-usap sa kanila ngunit may kumunikasyon parin naman ako sa aking kilos




Narinig ko ang dumadagundong na musika galing sa kung saan. Napatingin ako dahil sa isang truck kung saan may mga mangangandidato. Malapit na nga pala ang halalan




"Iboto niyo po ang Licos!" saad sa akin nung babae na may hawak ng bottled water at mga pamaypay na ipinapamigay




Inabutan niya ako ng tubig at pamaypay sabay nagpatuloy sa pagpapakilala sa mga mangangandidato. kahit tirik ang araw tuloy ang pangangandidato nila




Nagpatuloy narin akong maglakad kasabay nila, nakakatuwa pa na kakulay ko pa sila ng damit kaya't nagmumukhang kasama ako sa kanila




Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong may nagpayong sa aking ulunan




"Mainit" mariing saad niya. Nakapula rin siya gaya ko, matangkad siya kaya't nakita ko ang kabuuan niya




Hawak niya ang payong na itim, nakasumbrero at tila hindi labanos ang kutis kahit tirik ang araw sa puti. Matangos ang mga ilong, may makapal na kilay, bagsak ang mga buhok at kitang kita ang nunal na itim sa kaniyang gilid na mata, perpekto rin ang kurba ng kaniyang manipis na labi tila ginawa lamang iyon para sakanya. Naamoy ko pa ang panlalaki niyang pabango. Nakakunot ang noo niya sakin ngayon at tila hinihintay na kunin ang payong na inaalalay niya




"Hindi na kailangan" alinlangan ko pang sabi at nagmamadaling umalis sa payong na hawak niya naudlot nga lang ang lakad ko ng hablutin niya ako




"Ang init na nga makulit ka pa" sermon niya mabilis niyang inabot ang kamay ko at kinuha ang payong sakanya "Vote for Licos"




Kung gaano niya ibinigay ang payong ganun rin siya kabilis umalis sa harap ko.




Bigla nalang akong nabahing dahil sa nangyari at tila nagwawala ang kaba sa aking dibdib. Ano ba tong nangyayari sa akin.




Sandali ko pa lamang siya nakilala pero parang ang lapit lapit niya sakin













"Baka may gusto sayo" Napuno ng tawa ang buong bakuran dahil kay Cala




Isa siya sa mga kapit bahay namin dito sa Las Cassa. Madalas siya sa bahay namin dahil magkaibigan ang magulang namin. Hindi ako ma-interact na tao isa pa hindi ko rin magustuhan ang ugali niya dahil minsan ay maselan siya sa ibang bagay minsan naman mabait siya at makonsensyang tao.




"Baka nagkakamali ka lang at saka paano mo malalaman na ganun nga?" napatutok ako sa kaniya "Marami ka na bang karanasan sa mga ganito?"




"Oo! sa dami ng mga naligaw sa akin kabisado ko na mga galawan ng mga iyan" taas noo niya pang sabi




"Junior high pa lang tayo Cala wag mong sabihin marami ka ng naging boyfriend?" inalog ko ang balikat niya. Buti ay pinapayagan siya ni Tita Felise, ang kaniyang ina




"Edi hindi ko sasabihin" kibit balikat niyang sabi at nagpatuloy sa pag duyan "So ano? may nagkakagusto sayo? Alam ba to ni Tita?" panunukso niyang tanong




"Hindi naman ganun ang mararamdaman ko kaya wala akong dapat sabihin sakanya at saka baka dala lang ng init ng panahon to" sabi ko nalang at pumunta sa papag para mahiga




"kung dala pala ng init ng panahon ang pagbibigay motibo ng mga lalaki, matagal na akong na stroke" natatawa niya nanamang banat




"Ewan ko sayo Cala" Hindi ko nalang siya pinansin at pinilit ang sariling makatulog




Ngunit sadyang may sumpong ang utak ko‘t pinoproseso ang lahat ng sinabi ni Cala. Hindi pwede mali itong sinabi niya. Nagbibiro lang siya hindi ko dapat seryosohin iyun.




Anong petsa pa lang paano niya ako magugustuhan sa ganong panahon, ang babaw naman kung ganun nga pero hindi imposible dahil ang ugali niya pa lang sakin sa school hindi naman kagusto gusto ang ganun!




Dahil lang sa init ng panahon to

syseraaa 🪻

Demand Our Distance Where stories live. Discover now