Invitation
Hindi ko mapigilang matawa nang maabutan kong nakasimangot ang mukha ni Yve. Nakaupo ito sa isang upuan katabi ang maleta niya at sumusubo sa kinakain niyang pagkain.
Kitang kita mo ang pagbabago sa kaniyang ityura. Aaminin ko na mas gumanda ah pangangatawan niya sa akin. Pumuti rin ito ay nagpakulay ng buhok. Kulay lila na talaga namang bagay na bagay sakaniya.
"You're late!" sigaw niya at pilit akong sinalubong ng yakap. Nakanguso ito sa akin at talagang bugnot na bugnot ang mukha.
"Sorry, may dinaanan ako sa school" tinapik ko ang balikat niya. Nakaramdam ako ng hikbi sa balikat pa iso. "Hoy bakit ka umiiyak?" natatawang sabi ko rito
"Mas malaki na ang dibdib mo kaysa sa akin" Hagalpak ako ng tawa ng marinig ang sinabi niya
"Nagmukha ka lalong pongkan na umiiyak" natatawang sabi ko dito
Suminghot singhot pa ito saka masamang tumingin sa akin "How dare you! mas gusto ko yung tahimik na Solana!" pinalo niya pa ang balikat ko. "Ibalik mo siya! ibalik mo siya!"
"Ibalik kita sa ibang bansa tignan mo" inirapan niya lang ako at natawa
Kinuha namin ang mga maleta niya at tumuloy na sa sasakyan. Talagang kahit ni sentimong minuto hindi ka mananawang kasama mo siya. Ang problema nga lang ngayon ay hindi na ito tumigil kakasalita!
Isa pa yung nakakakita siya ng mga pagkaing tinda sa daan. Lalo na noong dumaan kami sa isang bayan. Nagtuturo ang impakta ng kung ano ano. Halos mahiya ako dahil dinadaldal niya pa ang mga nagtitinda.
Aliw na aliw naman ito sakaniya dahil sa sigla ng awra nito at angking ganda.
Hindi ko na nga lang pinupuna na gumanda siya dahil lalaki ang ulo niya. Baka hindi na ako tantanan maghapon.
Kasalukuyan naming tinatahak ang daanan papuntang Cassa. Nakikita na namin ang border kaya paniguradong malapit na kami.
Inabutan niya ako ng isang sobre na may magandang design. Mukhang invitation iyon, kahit kailan ang high class talaga ng mga invation ng mga ito.
"Para saan yan?" nakatutok ang paningin ko sa kalsada kaya hindi ko tinagalan ang baliing doon
Ngumuya muna ito sa banana chips niyang kinakain bago magsalita. Hindi na talaga siya nagkanda ugaga sa mga binili niyang pagkain.
Mayroon pa ngang mga furniture sa likod! pati ata alkansiyang kawayan binili
"Invitation, birthday ni Caleb" saad nito kaya binalingan ko siya. Binagalan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan para kunin ang invitations sakaniya
July 15
"Bakit pati ako imbitado?" walang galang ko pang sagot
Nagkibit balikat ito ng balingan ko "Imbitado ka as my bestfriend!" inirapan ko pa siya bago ibalik sa daan ang atensyon ko.
"May trabaho ako, hindi ako makakapunta" mas gugustuhin kong makasama ang mga papel at bandpaper ko sabay kaysa pumunta sa party na iyan.
YOU ARE READING
Demand Our Distance
RomanceLas Cassa Series 1: Solana Yzar Galve Syseraaa (Completed)