For the first time I saw her, I knew that I would marry her someday. Noong una ko palang siyang nakita, alam ko na siya ang gusto kong makasama.
"Pack your things Caleb, uuwi tayo ngayon sa mansyon" pumasok si Mama sa silid ko. Dala ang hawak kong libro ay napapakamot ako sa aking ulo. "Wag mo akong kamutan ng ulo Calixto Sebastian"
Ngumuso ako at kinuha ang maleta ko "Sorry Mom" mahinang sabi ko rito. Inismiran niya muna ako bago lisanin ang silid ko.
That province is so nakakatamad.
At the age of six, tumutulong na akong mangandidato para sa mga Lyco. Nasa dugo na namin ang pagtakbo sa gobyerno kaya bata pa lang ay namulat na ako rito.
Napairap ako ng makita ko ang mga pinsan ko. Paniguradong wala nanaman itong ibang gagawin kundi pagtripan ang mga libro ko.
"About Law" pagbasa ng pinsan kong babae. "So baduy naman nito Caleb" tinutulungan niya ako magbuklat sa maleta ko. Kasama namin si Neil ngunit kahit sulyap ay hindi niya magawa sa amin. Panay ang pindot nito sa kaniyang Tablet.
"Wala bang coloring books Caleb?" hinalungkat pa ni Yve ang buong gamit ko ngunit wala siyang mahanap.
"I don't have Coloring books Yve" ngumuso siya ay lumundag lundag nalang sa kama. Hindi ko alam kung kaya ba ng mga nerves ko ang mag-stay kasama sila.
"Sir Caleb, Ma'am Yve, Sir Neil" tawag sa amin ng isang kasambahay kaya agad kaming napatingin dito. "Gagala raw po kayong tatlo sa Cassa" saad nito kaya nagmamadaling tumakbo si Yve sa kwarto niya para raw makapagpalit ng damit.
Sumunod na tumayo si Neil bitbit parin ang dala niyang tablet. Sa susunod babae na ang bitbit nito hindi na gadget.
Habang bumabyahe hindi ko napigilang napatingin sa labas. Totoong napakaganda ng Cassa hindi ko 'yon itatanggi. Mula sa bundok at dagat napakayaman ng Cassa.
"May daraanan lang daw po muna tayo dito sa may kanto, pwede raw po muna kayong lumabas" pagkasabi nun ay agad naglabasan sila Yve at Neil.
Akala mo mga biladin sa araw. Sabik na sabik lumabas ng bahay.
"Caleb halika may magandang halaman doon!" turo niya sa kung saan. Ngunit tinignan ko lang ito at umiling.
"No thanks, I'll just stay here nalang" sabi ko rito. Nakakatamad maglakad hanggang doon. Malayo.
Pero noong si Solana na ang tumalikod sa akin, parang gusto ko ito sundan hanggang sa kanila. Ang ganda ganda niya sa bistida niya. Hiyang hiya ako dahil nadumihan ko 'yon.
Simula noong araw na 'yon pinangako ko sa sarili ko na siya lang ang aalagaan ko. Siya lang ang gusto ko. Walang iba.
"I want to study here" saad ko. My mom's expression looks shock while Dad is smiling. Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa mahabang lamesa.
"Talaga? Maganda nga rito sa Cassa" rinig kong sabi ni Dad. Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa pagkain nito.
Agad naman akong nakarinig ng pagbagsak ng kubyertos. Kasabay nun ang pagtayo ni Mama sa lamesa. Nang tignan ko si Dad ay ngumiti siya sa akin at nagkibit balikat.
"Susuyuin ko nalang mamaya" inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.
"Hoy Neil crush mo 'yung Solana ano!" rinig kong usapan nila habang naglalakad kami sa hallway. Unang pasok namin ngayon sa eskwela sa Cassa.
YOU ARE READING
Demand Our Distance
RomanceLas Cassa Series 1: Solana Yzar Galve Syseraaa (Completed)