KABANATA 20

121 5 19
                                    

Project




"Ano" pagod at hindi mahihimigan ang saya sa boses ko.




Halos tapusin ko lahat ng report na ipapasa ko sa school mamaya. Hindi ako nakatulog at talaga namang inuna ko ito kaysa sa pahinga ko. Kauuwi ko lang kahapon kaya kung gusto ko ng matagal tagal na leave, kailangan kong magpasa ng maaga!




Isa pa, may susunduin pa akong alalahanin. Kaya kailangan talagang matapos to dahil gusto ko siyang makasama.







"Wow ah?! parang nakakaistorbo pa ako" apilang sabi ni Yve sa kabilang linya. Ngayon ang araw na uuwi siya sa Cassa.




Dahil sa pamanhiin niyang ako ang gusto niyang unang makita. Ako pa talaga ang susundo sa kaniya sa airport.




Kita niyo ang kaartehan




"Nakabihis na ako. Nagpapatuyo nalang ng buhok" saad ko dahil kanina pa siya nakasakay sa eroplano




"What?! ilang oras nalang nasa Pilipinas na kami!" sigaw nito. Halos ilayo ko ang cell phone sa tainga ko dahil talagang ang lakas ng bunganga niya!





"Eh kung sandamakmak ba naman ang arte mo. Kailangan hanggang airport ako pa ang susundo sa'yo! napakarami niyong driver Yve!" bulyaw ko naman sa kaniya "Tanda tanda mo na eh"





"Ano naman?!" Tumawa lang ito at talagang nangiinis pa "Tumanda nga ako pero ako parin ang bestfriend mo!" napailing nalang ako sa kaprangkahan niya





"Anong point Yve" agad naman siyang umalma





"Akalain mo, tumanda ka lang nag sungit kana!!" binibilang kong hindi marinig ang tawa ko para lalo itong mainis





Wala akong sinayang na oras para lang masundo siya ng maaga. Hindi na nga ako kumain, masundo lang itong senyorita na 'to!





"Baka ipasundo kita riyan sa asawa mo—"





"Wala akong asawa Solana! Bawiin mo ang sinabi mo! Sumpa ka pa naman!" nilagay ko ang cellphone sa isang holder. Dala ang ibang papel para sa ipapasa kong report. "Kapag may kung anong sinasabi ka pa naman sa akin, natutupad"





Nagpaalam muna ako sa mga tao sa bahay bago ako umalis.  Idadaan ko muna talaga ang mga papel na ito sa school. Dahil kung paguwi pa ay baka magdrama drama pa si Yve sa Office. Kesyo may naalala raw siya sa school na ito.





"Maganak ka na Yve, para naman lalong mapadalas ang pagbisita ko sa'yo" mahinang biro ko dito habang tinatahak ang daan papuntang school





"What?! so kung wala parin akong anak sa mga susunod na taon ay hindi mo ako bibisitahin?!" napahalakhak ako sa reaksyon. Nakakahiya siguro itong kasama sa eroplano. Daig pa nageeskandalo





"Parang ganun na nga" dagdag ko pa. Ayoko pang maganak kaya siya nalang muna





"Eh kung ako kaya bigyan mo ng inaanak?" napatigil naman ako sa pagtawa dahil sa rebat niya "Balita ko nakauwi narin diyan ang pinsan ko—"





"Ah talaga? pabalikin mo ulit kung ganun" Tumawa lang ang walanghiya "Kasal na yung nga yung tao dinadamay mo pa"





"Anong kasal— Haynako" humalakhak ito sa kabilang linya





"Mamaya na nga lang! dadaaan pa ako sa school. Tatawagan kita kapag nasa airport na ako" sabi ko rito. Halata sa boses ang panglalata.





Totoong wala akong narinig na balitang kinasal na si Caleb pero hindi pa ba obvious yung nakita ko sa shop?





Sa sobrang dikit nilang dalawa ay hindi na halata na wala silang relasyon.





Walang pasok ngayon dahil bakasyon ng mga bata. Mas pinili kong magturo sa mga elementary school dahil mas magaan ako sa mga bata.





Kaya ko rin namang magturo sa mga highschool student ngunit mas pinili ko ang elementary. Mamamatay ata ako sa konsumisyon kung mga highschool student ang hawak ko. Ngunit nagl-look forward naman ako sa opportunity na iyon.





"Good morning Ma'am Solana!" bati sa akin ng guard sa school. Ngumiti ako sakaniya at inabutan ito ng pagkain na binili ko kanina sa drive thru.





"Meryenda po!" nagpasalamat ito sa akin at lubos ang saya sa mukha.





"Good morning Ma'am Solana" bati sa akin ng mga co-teachers kong nakakasalubong. May pasok na kami ngayon dahil sa nalalapit na bakasyon. Swerte nalang ako dahil may pinapagawa sa akin at nakalusot ang leave ko.





Napabuntong hininga ako dahil para narin akong nagaaral ulit dahil sa araw araw na pagpasok ko. Nawawala naman ang alalahanin ko kapag binabati ako ng mga makukulit kong estudyante.





"Bali ganun po ang napag-usapan sa Seminar. Nagbigay po sila ng contact kung sakaling tayo na ang susunod nilang pupuntahan" paliwanag ko sa principal ng aming school.





"Nako Ma'am Solana napagaling mo talaga" ngumiti nalang ako bilang pagsagot "Maraming salamat sa pagtapos sa project na ito. Hindi na ako magtataka kung ikaw ang mapopromote sa susunod" biro pa nito sa akin.





Hindi ko naman gustong umangat ang posisyon ko dito. Sapat na sa akin ang nagtuturo sa mga bata.





"Siya nga pala! may in-offer ang munisipyo na bagong task sa school" Sumimsim pa ako sa kapeng inihanda sa akin.





Iba ang kutob ko kapag may halong gobyerno





"Magbibigay sila ng libreng school supplies sa mga bata. Siguro mga ilang linggo pagkatapos ng pasukan ay bibisita sila dito" amoy trabaho at puyat nanaman "Baka ang magiging mayor ngayong taon ang pangunahing bisita natin" pinigilan ko ang gulat ko





Anak ng! sinabi ko na nga ba





"Sana nga ay si Attorney Sebastian ang manalo" kumikinang pa ang mga mata nito sa pagkakasabi. Hanggang ngayon ay napalakas talaga ng epekto niya sa iba





Sa akin nalang hindi!





"Ganun po ba? maganda nga po iyon" pinigilan kong magmukhang peke. Talagang kuhang kuha niya na ang puso ng tao mga tao dito sa Cassa





"At ang gusto ko ay pangunahan mo ang offer na iyon!" nagulat akong bumaling dito





"Ako po?! Nako bakit po ako" alam kong parte ng trabaho ko ito pero bakit naman hanggang dito





Nagulat ang ekspresyon ng mukha nito. Kung hindi ba naman parang halos isuka ko na ang ibinigay niyang trabaho





"May problema ba Ma'am Solana?" mahinang sabi nito. Nahihiya naman akong umiling sa kaniya





"Wala po! masaya po ako kung ganoon at sa akin niyo ipinagkatiwala ito!" napasampal ako sa aking noo. Sa susunod ay mag-aaral akong tumanggi kaso trabaho rin iyon.





Natauhan ako ng may marinig akong tawag sa aking telepono.





Si Yve!


syseraaa 🪻

Demand Our Distance Where stories live. Discover now