Bakit
Malakas na ulan at hangin ang sumalubong sa akin kinabukasan. Nagtataka kung bakit wala pang announcement kung ganung sobrang lakas na ng ulan.
Kawawa naman ang mga batang papasok. Paniguradong basang basa ang mga ito dahil sa lakas ng ulan. Pagdating pa sa classroom ay lalamigin.
Tumawag ako sa isang co-teachers ko para kumpirmahin na wala pang announcement.
"Wala parin ba?" tanong ko rito habang bitbit ang mga gamit ko.
"Wala parin Ma'am Solana! Kanina pa nga po namin inaantay?" sagot naman nito. Alam kong nasa school na siya kaya rinig na rinig ko ang lakas ng ulan.
"Hindi ba pwedeng tayo nalang ang magsuspinde?" nakakainis na lagi silang late magsuspinde
"Nako Ma'am Solana, Wala pa kasing ina-announce si Mayor eh-" para akong binato ng bato sa sinabi niya.
"Sige Ma'am Tin, pupunta nalang ako riyan!" nagpaalam siya sa akin at agad kong ibinaba ang tawag sa kaniya.
Sunod kong tinawagan ang tarantadong mayor namin."Love—" isang malakas na bulyaw agad ang ibinigay ko sa kaniya.
"Calixto Sebastian! Anong oras ka magsuspende ng klase ha?! Anong tingin mo sa amin?! Waterproof!" sigaw ko rito. Walang pakialam kung nabingi na ba ito sa kabilang linya.
"Tatawagan nga sana kita ngayon" palusot pa nito. "Para sabihan ka na wala kayong pasok—"
"Ngayon lang kung kailan basa na ang mga bata?!" nag-iinit ang ulo ko habang nagmamaneho.
"I'm sorry, hindi kasi ako pwedeng basta basta magsuspende" mahinang sabi nito. "Kailangan ay buong lungsod ang naaapektuhan—"
"What? hihintayin niyo pa 'yun?!" umuusok na talaga ang ilong ko sa kaniya.
"No love- I mean, tulad kanina, sa Ledor ay maaraw dito sa Cassa ay maulan" paliwanag pa nito.
"Sino ba nagpauso niyan?" wala akong magawa kundi pumunta parin sa school.
I-che-check ko ang mga gamit sa classroom, mga bintanang naiwang nakabukas at libro ng mga bata. Narinig ko ang buntong hininga niya. Hindi siya makasagot sa akin kapag ganitong nag-mamaldita ako. Talagang siya parin ang matatalo sa dulo.
"Papasok ka parin?" napabuntong hininga ako. Mahinahon na tanong ko kumpara kanina.
"Kailangan, mag-checheck ako ng mga classroom Caleb" mahinang sabi ko rito. Nasa school na ako at naghahanap nalang ng pa-paradahan.
"Hindi ba pwedeng yung mga utilities nalang ang mag-check?" bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Masyadong delikado Solana"
"Ayos lang ako. Ginawa ko narin 'to noon Caleb" hinanda ko ang mga gamit ko at payong para sa paglabas. "Saka, baka may mga batang naiwan sa classroom Caleb. Mga walang sundo ng mga magulang nila"
Rinig ko ang buntong hininga niya kaya napatawa ako rito.
"I love you" mahinang sabi ko rito. Natatawa ako dahil may kung anong nalaglag nanaman sa kabilang linya. "Nasa dugo na talaga ang pagiging over react" tawa ko rito.
YOU ARE READING
Demand Our Distance
RomanceLas Cassa Series 1: Solana Yzar Galve Syseraaa (Completed)