Kamatis
Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi sa bahay. Tahimik kong pinagmamasdan sa gilid ko ang sobre kasama ng bulaklak.
Naibaba ko ang tawag namin kanina sa sobrang pagkabalisa. Sinabi ko nalang kay Caleb na uuwi na ako. Lutang parin sa nangyayari sa paligid.
Inisip ko kung may nakaaway ba ako o nakasagutan nitong mga nakaraan pero wala naman. Mga kaibigan na gustong makipagkita sa akin, wala rin.
Nang makarating sa bahay ay agad kong binuhat lang ng gamit ko. Kinuha ko rin ang bulaklak at sobre bago iwan ang bahay.
"Ma'am Solana nakauwi na po pala kayo!" rinig kong bati ni Ate Amy mula sa malayo. Nanghihina akong tumango dito napansin niya ata iyun kaya tinulungan niya ako sa mga gamit ko. "Ayos ka lang ba Ma'am?"
"Ayos lang po ako. Si Mama po?" tanong ko rito. Nakita kong dumapo ang mga mata niya sa dala ko. Kita ko man ang gulat pero hindi siya nagpahalata.
"Nasa Kusina po siya Ma'am. Akin na po ang mga gamit niyo-" agad ko naman siyang pinigilan.
"Ako na po, kaya ko naman" tumango siya sa akin at bumalik na sa ginagawa niya kanina.
Nang maabutan ko si Mama sa sala ay sumasayaw sayaw pa ito habang naghahalo. Para tuloy akong nabunutan ng tinik at humupa ang kaba sa dibdib.
Nilapag ko ang gamit ko sa lamesa, tinira ko na nga lang ang nakuha ko kanina.
Lumapit ako kay Mama at nagmano. Nagulat pa ito na parang hindi niya ako naramdaman sa likod niya. Kakasayaw nito ay hindi niya ako napansin!
"Sosmariosep! Aatakihin pa ako sayo" natawa naman ako sa naging reaksiyon niya. "Kanina ka pa? ano 'yang dala mo-" napatingin siya sa mga bulaklak.
"May nangliligaw ba sa'yo? bakit ganito naman ang taste sa bulaklak?" umungot ang mukha nito ng kuhain ang bulaklak sa akin.
"Wala akong nanliligaw Ma" mahina sabi ko rito. Sunod ko namang inabot ang sobreng dala ko. "Natanggap ko 'yan kanina sa school, yung bulaklak ay deliver, yung sobre naman ay nakita ko sa harap ng sasakyan ko kanina"
Binuksan ni Mama yung sobre at binasa ang nakalagay doon. Bakas ang gulat sa mga mukha nito. Nagaantay ako ng sasabihin niya pero wala akong narinig.
"Wala ka na bang ibang natanggap?" tanong niya naman. Umiling naman ako rito.
"Sa ngayon, iyan palang ang natatanggap ko-"
"Kailangan malaman 'to ni Caleb, Anak" nagulat naman kami ng biglang may kumatok sa pintuan.
Sumenyas ako na pagbuksan kung sino man ang kumatok. Nakita ko naman agad doon si Caleb. Nakasuit pa ito at tila kagagaling lang sa meeting.
Napangiti naman ako at lumapit sa kaniya. Sinalubong naman ako nito ng yakap. Natawa naman siya dahil sa pagyakap kong pabalik.
"Hindi pa mag-asawa 'yan ah" pagpaparinig naman ni Mama sa likod. Bumitaw ako ng yakap sa kaniya at hinayaan siyang lumapit kay Mama.
Nagmano ito kay Mama kaya lumapit narin ako sa kanila.
"Kauuwi lang din ni Solana. Bakit hindi nalang kayo nagsabay?" tanong naman ni Mama.
"Inalok ko nga po siyang susunduin ko nalang pero pinatayan naman ako ng tawag" pagsusumbong pa ni Caleb dito. Napairap tuloy ako sa kanila.
"Eto na nga, aba'y tignan mo ang natanggap sa eskwelahan daw kanina" ipinakita naman ni Mama ang dala ko.
Nagulat si Caleb ng makita niya ang bulaklak. Agad din niyang tinignan yung sulat at kabaliktaran kay Mama ay mas oa ang naging ekspresyon ng mukha niya.
"Uunahan na kita- Wala akong manliligaw" sabi ko rito. "Wala rin akong nakakaaway o kaibigan na hindi ko pa nakikita"
"Do you receive a death threat too?" tanong naman nito sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Kaya ba binabaan mo ako kanina kasi natanggap mo ang mga 'yan?"
Tumango naman ako sa kaniya. "Satingin ko ay kailangan kitang palagyan ng bodyguard. Baka mas malala ang mangyari sa susunod-"
"Hindi na kailangan ano ka ba! tyka baka nantrtrip lang yung nagpadala niya" nakita ko dumilim ang mga mata nito sa galit.
"Then hindi magandang biro ang ginagawa nila!" sagot naman nito sa akin. Nagulat ako ng tumaas ang mga boses niya. "I'll check the cctv around your school, titignan ko kung may nahuling tao-"
"Caleb, hindi na kailangan. Madaragdagan lang ang trabaho mo. Marami kang gagawin sa munisipyo na mas importante-" ayokong maubos ang oras niya para roon.
"Importante rin ang kaligtasan mo Solana" hinawakan ko ang mga kamay niya at humiling.
"Hayaan mo na-" nagulat naman ako ng putulin ni Mama ang sasabihin ko. Nakalimutan kong nandiyan nga pala siya!
"Anong hayaan ang sinasabi mo Solana! Tama si Caleb, paano kung sa susunod ay mas malala na ang mangyari? Paano ka?" galit naman na tanong ni Mama. "Sige Caleb, pumapayag ako ng bigyan mo siya ng bodyguard" Tumango naman si Caleb don.
Parang dati lang ay magkaaway sila ah. Ngayon man ay sila na ang magkakampi. Napanguso tuloy ako sa kanilang dalawa.
"Kumain na tayo. Caleb, dito kana maghapunan, sabayan mo na kami" tumango nalang si Caleb at tinulungan ang mga kasambahay na maghain.
Sinabi kong magpapalit muna ako sa taas, sumang-ayon naman sila. Iniwan ko ang mga bulaklak at sobre sa baba dahil si Caleb na raw ang bahala doon.
Nag-half bath lang ako at nagbihis pantulog para mamaya. Patapos na ako ng makarinig ako ng katok sa pintuan ko.
Nagulat ako ng makita ko ron si Caleb. Natawa pa ito sa ayos ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"May problema ka ba sa ayos ko?" bulyaw ko rito. Pabalag na sinara ang mga pinto at hinarap siya.
Nagulat naman ako ng hawakan niya ang dalawang baywang ko at marahan niya itong kabigin papunta sa kaniya.
Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Napasinghap pa ako ng maramdaman kong marahan niyang inamoy ang leeg ko!
"Hoy anong ginagawa mo! Bababa na ako! bakit kasi umakyat ka pa!" sunod sunod na sigaw ko rito. Napapikit pa ako ng halikan niya ang parte ng leeg ko.
"Bango mo" natatawang sabi nito. Sabay hawak sa kamay ko at hinila ako pababa sa kusina.
Pulang pula ah mukha ko pagbaba sa baba. Kahit nauuna si Caleb sa akin ay hindi niya matatakpan ang pagkapula ng mukha ko!
"Oh bat nangangamatis ka Solana?" natatawang sabi ni Mama sa akin. Nagugulat ko naman itong binalingan.
"Bagay na bagay sa sinigang 'yang nangangamatis mong mukha Ma'am!" natatawa namang panggagatong ni Ate Amy.
Sinamaan ko ng tingin si Caleb na nakikitawa rin sa kanila!
Nagawa pa talagang makitawa ng walangya!
syseraaa 🪻
YOU ARE READING
Demand Our Distance
RomanceLas Cassa Series 1: Solana Yzar Galve Syseraaa (Completed)