Chapter 44-A: Key

96 15 6
                                    

Matapos matalo ni Immovable ang Silver Giant ay marami ng players agad kanina pa ang pumunta sa kabilang bangin kung saan nakabantay ang Silver Giant noon.

Tandaan ang Silver Giant ay isang Platinum Rank World Boss.

World Boss meaning at least Milion milion player ang dapat lumaban para pabagsakin ito hindi yung 5-20 players lang.

Sa ngayon ang players dito sa lugar ni Immovable ay around million pero kahit ganun pa man ay hindi pa rin nila kayang sirain ang depensa ni Silver Giant na higit pa sa 15,000.

Ito ang dahilan kaya may zero damage value para hindi madaling talunin ang mga monster.

Kung pumayag ang game system na pag tinamaan mo ang Boss na may lalabas na 1 damage eh sigurado 100,000 na archer lang ay mapapatay na agad nila ng saglit ang Silver Giant sa loob ng sampong atake.

Sa ngayon halos more than hundred thousand survivors ang natira ang nasa kabila ng bangin at si Immovable ay mabilis na tumalon papunta sa higanteng Gate syang humaharang sa kahit sinong nasa loob ng beginner zone.

Kahit lumipad ka may game system barrier na di ka papalampasin para makapasok sa kabila.

Tanging si Immovable lang ang may kakayahan makapasok gamit ang susi na na loot nya ngayon sa Silver Giant.

Start point Key, Susi para buksan ang 50 meter tall na door sa next zone.

Silver Giant Egg, marahil anak na pwedeng maging pet siguro Platinum Rank ito.

Silver Giant Gauntlet, Armor type for hands bihira ito lalo na ang armlet ika nga bonus type item na rare na similar sa accessory.

Silver Giant Diamond Fur Armor, Armor na silver ang kulay na nagbibigay pagkahari sa magsusuot.

Meteoric Land Crush, Ito naman ang skill book na napulot ni Immovable. Base palang sa name baka ito ang ginamit ni Silver Giant na tatalon sya ng mataas at malakas na AOE pagbagsak nya sa lupa na parang ng isang meteor.

Lahat ito ang inangkin ni Immovable sa ngayon at wala naman problema kala Icy ito lalo na ang Guild Master nila ang pinaka malaking contribution sa laban.

Hindi na makapaghintay ang mga players na buksan ni Immovable ang giant gate para sa next zone dahil alam nila na mga players na sya ang susi para dito dahil natalo nila ang Silver Giant.

Napailing nalang si Immovable habang tinitignan ang mga players sa paligid na nagkakasiyahan.

Kanina lamang ina-nounce ng game system sa whole game ang kanilang Server 5 ang syang unang nakatalo sa Silver Giant out of 7 na Server.

Proud sila dahil parte sila ng server na ito.

"Ngayon may mas naiisip akong paraan para mas pagkakitaan ang lahat ng players" Banggit ni Immovable kay Ice.

Napataas nalang ang kilay ni Icy at mukang base sa mukha ni Icy ay alam nya na ang balak ng kanyang Guild Master.

"Aking Guild Master isa ka talagang bully" Mahinhin na tawang sinabi ni Icy.

"Tahimik!" Malakas na Lions Roar ang ginawa ni Immovable at biglang tumahimik ang buong paligid.

Akala mo may sumabok sa lakas ng boses na ito.

Matapos ang ilang segunda sa paglibut ng mata ni Immovable ay kanyang sinabi "LAHAT NG GUSTONG PUMASOK SA NEXT ZONE AY MAGBABAYAD NG MAGUSTUHAN KONG ITEM, SYEMPRE PWEDE DIN ANG GOLD COINS"

Napalaki ang mga mata ng mga players sa gulat at nasira ang magandang image ni Immovable sa kanilang isipan.

Tunay nga na bilang leon ay may kasabihan.

Ang Leon ay isang greedy na hayop.

-----------------------------------------

Server 3

"N-natalo na ang Silver Giant sa Server 5?" Takang tanong ng isang lalaki na kulay dilaw ang buhok na mukang americano.

"Yes Guild Master, may talent marahil si Immovable na syang sinasabi na pinakamalakas na player na maka penetrate sa physical defence ng kahit sinong kalaban" Banggit ng lalaking naka salamin na pang display equipment lang ang salamin.

Napailing ang kanyang ulo at hindi lang kahit sinong Guild Master sa ibat-ibat server ang magugulat. Sa ngayon kumakalat na ang ilang upload videos sa youtube kung paano makipaglaban ang higanteng Leon laban sa Silver Giant.

Sa kanilang Server din naka harap sila sa Silver Giant sa oras na ito, 3 days na silang nakatambay dahil ang unang pag-subok nila na talunin ang Silver Giant ay isang malaking palpak.

Walang makasira ng depensa ni Silver Giant, mahaba pa ang HP at matalino makipaglaban na parang tao dahil na may pagka-humanoid form ito.

Ngayon ang Server 5 na kilala din na Asia server ay ang kasalukuyang nauuna kumpara sa ibang continent server.

Hindi nila masyado tanggap na lalamangan sila ng iban lahi.

Ang tanging paraan lamang para manalo sila sa Silver Giant ay magkaroon ng napakalakas na damage na kayang sumira sa depensa sa World Boss na ito.

Ito ang problema ng lahat ng players ngayon. Kahit sa ibang server pare-parehas sila ng sakit ng ulo salamat sa Silver Giant.

Gold Rank set lang kasi ang maximum na meron sila at level 50 ang pinakalimit. Wala kang makikita na mas malakas na equipment laban kay Silver Giant.

Wala silang magagawa kundi mag-karoon ng mga players na full Gold Set para labanan ng sabayan si Silver Giant.

Ayaw na nilang mangyari na halos 1 million players pumanaw lang na parang insekto sa harap ni Silver Giant.

Sa ngayon iba ang iniisip nila, kung ano ang bagong mangyayari sa larong ito pag makapasok na din sila kabilang gate.

Maraming naka-isip na baka ang next zone ay syang full server zone na magsasama-sama na ang lahat ng server in to one whole server.

The Immovable OnlineDove le storie prendono vita. Scoprilo ora