Chapter 24

45 1 0
                                    

"Seriously?" I asked incredulously.

"Oo nga. After that double date, mutuals na kami sa Instagram, pati nga si Chester. Ravi added us also in FB, not to mention, getting our personal numbers, too. Nakwento nga sa akin ni Chester na nagkausap sila kagabi ni Ravi through a Viber call. He invited my boyfriend to play billiards this weekend," kwento ni Nina.

I was happy with what I heard because the people that Ravi interacts with are gradually expanding. I learned socializing significantly helps a person with PTSD, as it provides crucial social support, which acts as a protective factor against the negative impacts of trauma. Kaya hindi ko mapigilang mapa-ngiti sapagkat totoo nga yata ang sinabi niya kay Dr. Galvez na unti-unti nang bumubuti ang kondisyon niya.

"I'm glad that you easily got along with him. At first, I assumed that things would be awkward because Ravi's kind of introverted when it comes to associating himself with new people. Buti nalang talaga at binuhay mo ang conversation kahapon. Tapos hindi naging mahirap kay Chester na hanapin ang kiliti ni Ravi nang mabanggit nito ang tatay niya na naging paboritong guro pala ni Ravi noon sa med school."

I coincidentally met Nina in the hall when I was on my way to the laboratory, so we were able to talk about what happened yesterday.

"I think that the universe aligned both of your fates to be bound at one point against all odds. Not gonna lie, tingin ko nga na kayong dalawa ang magkakatuluyan. Kung nakita mo lang kung paano ka niya tignan kahapon—shit na malagkit—hulog na hulog sayo 'yong tao, sis! Kung hihingi ka siguro sa kanya ng kahit isang bituin sa langit ay walang sasayanging oras ang taong 'yon at bibigyan ka agad. Mga gano'ng level ng pagmamahal," eksaherada niyang pahayag.

"Ewan ko sayo," natatawa kong sabi. "Ito nga na medyo kinakabahan ako sa family dinner na gaganapin sa bahay nila mamaya. Sa katunayan, hindi pa nga ako nakakapag-isip ng susuoting damit. Baka dumaan ako mamaya sa mall para bumili ng bago. Sawa na kasi ako sa mga meron ako sa closet."

"Naks, meet the family! Nakaka-irita ang ganda ng sis ko. Green flag si Doc Ravi sa part na mukhang sigurado na siyang ikaw ang ibabahay niya."

Nahampas ko tuloy siya. "Sira! Inimbitahan kasi ako ng stepdad niya."

Nina acted as if she was going to put a crown on me when she placed both of her hands on top of my head. "Iba ka na, Sersi! Imagine, the owner of this hospital, the one and only Dr. Richard Fonacier, invited you to his house for an intimate family dinner. Perfect! Miski ang pamilya boto sayo. Nagdilang-angel talaga ako no'ng araw na kinumbinsi kitang lumandi. I'm so happy for you, sis! Hindi na mabubulok 'yang kipay mo. Basta, pag-usapan natin kung kailan tayo magpapabuntis para sabay na lumaki at pumasok sa school ang mga magiging anak natin."

I couldn't help but frown at how far this woman's imagination has reached because of what she said.

Nang makita niyang malapit na kami sa dulo ng hall at magkakahiwalay na ng landas, Nina tried to speak whatever piece has left inside her mind. "Anong oras pala matatapos ang duty mo ngayong araw knowing that you have an important commitment at the Fonacier's mansion later?"

I shrugged. "I don't know. Around 4 pm, I guess. Nahihiya kasi akong mag-out nang maaga kasi alam mo namang ang dami kong absences nitong mga nakaraang linggo. Kaya sinasagad kong mag-OT hanggang kaya ko para mawala na itong bigat ng konsensya na bitbit ko sa magkabila kong balikat. Ayoko kasing maging topic ng chismis dito sa ospital na kesyo girlfriend ako ni Ravi ay feeling entitled na ako. I don't want that to happen. I want to show everyone that I'm beyond dedicated and passionate in this job."

Nina bobbed her head, somehow agreeing with my agony.

"Gets," she replied sparingly.

"Saka naka-oo na ako kay Dra. Vasquez doon sa request niya na tulungan ko siya sa kino-conduct niyang study about hernia surgery. Magandang opportunity na rin na ma-engage tayo sa mga research projects habang maaga pa. Kaya kahit bakante ko after lunch, I'll use my extra time inside the library. Then, try kong i-singit 'yong pagbisita kay Kuya Lucho dahil balita ko ay nagkamalay na siya."

Battle Scars (Amorous Revival Series #1) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora