Chapter 26

41 1 0
                                    

I decided to open the blinds so that the sun's rays could fill every space in this house. Then, tying my hair in a bun, I carefully picked up the large shards of glass and pieces of vase on the floor and put them all in a garbage bin.

"Shit," I cursed when I was pierced by the sharp edge of a broken glass.

Lumabas agad ang dugo sa daliri ko nang pisilin ko iyon. I yelped in pain as I went to the sink to clean the wound.

"Gaga. Ano ba kasing pumasok sa isip mo para magpulot ng bubog?" I reprimanded myself, blaming no one but my own foolishness.

Wala akong mahanap na walis-tambo na pandakot sana sa mga piraso ng salamin, figurines at vase na pinagbabasag ni Ravi kagabi. Nahihiya kasi akong gisingin siya at tanungin kung nasaan ang mga gamit-panlinis.

Tirik na ang araw sa labas ng gusali, subalit mahimbing pa ring natutulog si Ravi hanggang ngayon. Past midnight na yata nang maramdaman kong tuluyan na siyang napapikit ng mata pagkatapos ng ilang minuto niyang pagwawala dito sa penthouse kagabi. It was a little difficult for me to calm him down and convince him that everything will fall into place. But luckily, I was able to mollify his inner demons.

Dahil may medical kit si Ravi sa banyo, maingat akong naglakad patungo doon upang hindi makagawa ng anumang ingay na maaaring maka-antala sa kanyang pagtulog. Para ma-disinfect ang natamong sugat, nilagyan ko ng povidone-iodine ang maliit na hiwa sa daliri ko saka tinakpan ko iyon ng band-aid.

Bumalik ako sa pag-aayos ng living room niyang animo'y dinaanan ng bagyo dahil sa sobrang gulo. Mabuti nga at may nahanap akong vacuum cleaner kaya iyon nalang ang ginamit ko para malinis ang mas maliliit na piraso ng salamin na nakakalat sa carpet.

Gustuhin ko mang magtawag ng room service sa baba, mas pinapangunahan ako ng kaba na ayaw kong madatnan sila ni Ravi at mapahiya siya kung sakaling magtanong sila kung anong nangyaring kaguluhan sa penthouse niya. I don't want to see him lie with a straight face, or worse, admit that it was his own doing.

"Kaya mo 'to, Sersi. You love him, right? So you should accept his imperfections and understand his flaws. You vowed to stay by his side no matter what," I tried to motivate myself as I continued organizing the things in his living room.

When I couldn't take the weight of heavy emotions I was carrying in my heart anymore, I just sat on the sofa and cried while remembering all the unexpected things that happened last night.

Flashback

"Take me to my house, please."

Ako na ang nagprisintang magmaneho dahil sa kalagayan ni Ravi ngayon—alam kong wala siya sa tamang kondisyon para humawak ng manibela. He was still deeply affected by what happened earlier between him and Zito. Tahimik sa loob ng kotse at balisa siyang nakatingin sa kawalan habang nanginginig ang mga kamay niya at nagtatagis ang bagang.

Even I was very shocked by what I found out. All this time, I thought I had only the fate to blame for all the misfortunes I encountered when Ravi left me. I was damn wrong. It turned out that Zito was involved in scheming a vile plot and ended up orchestrating a rift in the relationship I shared with his older brother.

Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan kanina dahil sa kawalang'yaang ginawa niya—dinamay niya kami sa makasarili niyang hangarin at hindi man lang nakadama ng kahit katiting na konsensya. Hindi niya pa nagawang humingi ng tawad pagkatapos ng lahat ng pinsalang idinulot niya sa buhay namin ni Ravi. Nagsisisi na tuloy ako na kinaibigan ko pa siya noon.

God knows how badly I tried to stop the idea of slapping him hard in front of his family. Grabeng pagtitimpi ang ginawa ko. Pinigilan ko nalang ang sarili kong saktan si Zito dahil nakakaawa na 'yong sinapit niya sa kamay ni Ravi.

Battle Scars (Amorous Revival Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now