Chapter 27

43 1 0
                                    

When I hopped in my car, I looked in the mirror again to appreciate the beauty of my newly cut hair. Hindi ako nanghinayang na paikliin ang buhok kong lagpas balikat dahil naiinitan na talaga ako.

Ako pa naman 'yong klase ng doktor na malimit mag-ayos ng buhok dahil wala na akong extra time sapagkat tuluyan ko nang naramdaman 'yong bigat ng mga obligasyon ko no'ng tumagal na ako ng ilang buwan sa FHTC. Kaliwa't kanan ang serbisyo ko sa ospital na naging daily routine ko na ang pagtakbo sa bawat palapag para lang mabilis na makarating sa ER, OR, ICU at hospital ward.

Kung dati ay nagagawa ko pang mag-jogging kapag free day ko, well, ngayon ay literal na inuubos ko na ang araw ko tuwing weekends sa pagbawi ng tulog. Tutal exercise naman nang maituturing 'yong marathon na ginagawa ko palagi sa trabaho. That's why whenever Ravi invites me to go on a date either Saturday or Sunday, I make it really hard for him to drag me out of bed.

"I hope Ravi likes my new look," I said, smiling.

Laking pasasalamat ko doon sa hairstylist na siyang gumawa ng buhok ko dahil na-achieve ko 'yong pinapangarap kong bob haircut na may side swept bangs. Simula kasi no'ng dumaan sa feed ko sa Instagram ang picture ni Emma Stone na nagpagupit ng ganitong klase ay naging obsess na akong subukan din sa'kin dahil sigurado akong babagay siya.

Kaya ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon para dumaan sa salon, hindi ako nag-aksaya pa ng oras at nilubos-lubos ko na hanggang sa pagpapakulay. I ended up choosing sparkling amber because it genuinely suited the style of my hair and skin complexion.

Actually, Ravi had no idea about my errand today because I had planned to surprise him, especially with my new haircut. Basta ang excuse ko sa kanya ay maggo-grocery lang ako—which was true dahil paubos na 'yong laman ng fridge ko.

It's June 14—our first monthsary ever since I sealed his courtship with my unique and sizzling way of saying 'yes' last month. Totoo nga na mabilis ang panahon. Na hindi mo mamamalayan iyong takbo ng oras kapag kasama mo ang taong mahal mo.

Also, Ravi has been staying at my condo for almost a month now. So far, so good. Kahit walang alam ang magulang ko sa pagpapatira ko kay Ravi, ikinibit-balikat ko nalang iyon.

Saka masasabi kong medyo successful ang pagtira namin sa iisang bahay dahil hindi na ulit nagkaroon ng pagbabago sa behavior niya. Isa sa rason kung bakit ayaw ko munang mamalagi siya sa penthouse ay baka maalala lang niya iyong mapapait na karanasan niya mula sa violent tendencies na kadalasang umaatake kapag nawawala siya sa sarili.

"Okay. Next stop, Trinoma Mall," I muttered, revving the engine back to life. Balak ko kasing bilhan ng bagong LEGO set si Ravi bilang regalo. And maybe we could build it tonight to spend some quality time together.

Day off naming pareho. Tinext niya ako kanina na magpapalipas-oras muna siya sa gym nitong umaga at may nabanggit rin na baka dumaan siya sa bahay ng pinsan niya pagkatapos. I let Ravi go because I didn't want him to stick to me today because, of course, my plan to surprise him would be ruined.

Mabilis kong narating ang Quezon City. I went straight to the LEGO store because I planned to go home early to bake a cake for him. Ilang gabi na kasi akong nagpa-practice to the point na puro mga baking and pastry tutorial videos na 'yong featured contents sa YouTube account ko.

"Thank you," I told the cashier upon receiving the one I bought. Pinili ko na 'yong pinakamalaki para magkaroon ng pagkaka-abalahan si Ravi kapag nasa condo siya.

I chose the Lion Knights' Castle, and with its 4514 pieces, I highly doubt it kung matatapos siya within one hour. Sinadya ko na rin para walang mangyaring iba mamayang gabi. I just wanted to celebrate our first month together as a couple: iyong tatambay lang kami sa balcony at magsa-stargazing o kaya magke-kwentuhan. Nothing else but those kinds of activities only.

Battle Scars (Amorous Revival Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now