Chapter 39

22 1 0
                                    

Time flew so fast, and I didn't realize that Ravi and I were almost finished with our two-month stay here in Cagayan.

Nagulat nga ako sa kanya kahapon nang bigla niya akong sinabihan na maghanda raw ako ng damit na gagamitin sa pupuntahan naming espesyal na lugar dito sa Santa Ana. Ginamit namin ang dala niyang pickup truck na siyang sinakyan niya papunta dito para marating ang private beach kung saan siya may reservation.

Ravi said he planned this quick getaway trip before we'll perform that important surgery on the VVIP patient, which would take place this coming Friday. Na siya ring huli naming serbisyo sa CPH bago kami bumalik sa Maynila sa susunod na linggo.

It was already late afternoon when we arrived here yesterday. Dito na kami nagpalipas ng gabi. Dahil napagod ako sa magdamag na duty, mas pinili ko nalang na magpahinga sa loob ng tent na naka-setup malapit sa dagat.

Ravi said it was a good thing I ate before taking a nap. Iyong simpleng idlip ko raw kasi ay natuloy sa isang mahimbing na pagtulog kaya nahirapan siyang gisingin ako kahit na pilit niya akong tinatawag.

It was already morning when I woke up feeling a little dizzy even though I had plenty of time to rest. Maagang bumangon si Ravi para mag-jogging sa dalampasigan at nagdesisyon akong magpaiwan na dahil medyo mabigat ang pakiramdam ko.

My unpleasant feeling cooled down a bit when I was greeted by the white sand and peaceful ambience of the place. What I really liked about Anguib Beach was the clear water, the calm sea because there were no waves, and most of all, the silence. Hindi peak season kaya hindi crowded itong lugar at parang kami nga lang yata ni Ravi ang turista dito ngayon.

"Based on your smile, it looks like you have fallen in love with this place. Natutuwa ako at nage-enjoy ka," bungad ko kay Ravi nang bumalik na siya sa tent namin. "Anyway, are you done?"

"Yeah. Sana sinamahan mo akong mag-ikot sa dalampasigan kanina," sagot niya.

He was only wearing his board shorts and openly flaunted his impressive physique. His chest and abs were covered in sweat from exercising. Hindi ko kailangang mag-alala kung sakaling may mga babaeng naka-two piece dito na mangangahas pagnaasan si Ravi dahil ang ilang guests na kasabay namin ay pamilya na puros bata ang anak.

Dinampot ko 'yong towel na malapit sa akin at pinunasan siya. "Mamaya na. Hanggang hapon naman tayo dito, right? There's enough time to make the most of our stay here. Mag-jet ski tayo tapos crystal kayak after breakfast. Pwede ba?"

"Of course! I prepared this for you, Sersi. Alam kong pagod na pagod ka sa pagtatrabaho kaya naisipan kong igala ka dito sa Santa Ana para makapag-relax," sabi niya saka dinampian ako ng halik sa tuktok ng ulo ko. "Nagugutom ka na ba? I asked the staff earlier to get us food. I requested grilled tilapia, salted eggs, and some fresh tomatoes with your favorite fish sauce."

Bigla akong naglaway sa pagkakarinig ng mga pagkaing nabanggit niya. Napaka-green flag talaga ni Ravi sa part na lahat ng random thoughts ko ay malinaw niyang naaalala. Last week ko pa na-open up sa kanya 'yong cravings ko ng inihaw na isda na isasawsaw sa bagoong na may sili. Tapos akalain mo 'yon, tandang-tanda pa rin niya.

Inabutan ko siya ng sando na susuotin niya. Dahil maaraw na sa paligid, he also wore his cap and Chopard sunglasses.

"Speaking of breakfast, the people I ordered to prepare the food are coming," he pointed out. Nakatingin siya doon sa mga papalapit na staff na bitbit ang agahan namin at ilang gamit gaya ng folding table, dalawang upuan at beach umbrella.

Nang matapos silang mag-set up at ihain ang agahan namin, iniwan na nila kami para makakain. 

Na-excite ako kaya nagmadali akong umupo dahil nagugutom na rin ako. Subalit nang pumasok sa ilong ko ang amoy ng bagoong, halos bumaliktad ang sikmura ko. I didn't like the smell of it. I couldn't help but walk away and throw up on the sand.

Battle Scars (Amorous Revival Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now