Chapter 46-B: Wall Word

70 9 6
                                    

Matindi ang nangyayaring atake laban sa Shield ng mga halimaw, Well hindi naman totally na halimaw mas tamang sabihin na Dark Elves ang nilalabanan ng mga players.

Halos kalahating oras nagpatuloy ang atake ng mga players, Hindi nagtagal ay nakarandam na ng pagkapagod ang Bloodline Guild sa pag atake, Hindi din makapasok ang kanilang mga Bakal na karwahe sa lakas ng Shield ng Dark Elves na para bang hindi ito masisira.

Napahingal na ang ilang mage at archers ang ilan napa-upo muna.

"Guild Master Whiteblood, Nandoon si Major Icy" Report ng core member ni Whiteblood.

May ilang core members na tumingin sa direksyon ni Icy na nakangiti lang sa kanilang direksyon.

"Alam ko" Kalmado lang sumagot at nakatingin si Whiteblood kay Icy.

Sa nakalipas na 45 days, Masasabing hindi sila inapi or binully ni Immovable kahit na may sobrang lakas si Immovable para guluhin ang balanse ng laro, Kaya madaling nakapag palakas ang lahat ng players at tinuturing sila isa pinakamalakas na Guild, Pero alam ng ilang Guild Master pati ng high class players lalo na sila Whiteblood na may mas malakas pa sa kanila na Guild na may dami lang na 5,000 players.

Sabi nga ng ilan, Galitin nyo na ang kahit sinong Guild, wag lang ang Guild na iyun.

Napabugtong hininga nalang si Whiteblood na sinabi "Kaya pala ang tahimik ng Iron Rose, Dito pala nila tayo pipigilan"

Napakulot nalang ang kilay ng mga core members ni Whiteblood sa narinig, Mga dati silang Guild master din kaya alam nila kung ano ang ibig sabihin ng presensya ni Icy dito.

Ang paghadlang sa kanila ni Icy dito para sakupin ang dalawang teritoryo ay siguradong utos ni Immovable.

Sinabi ni Whiteblood sa kanyang vice na tumigil sa paglusob. Sa sigaw ng Vice Guild ilang segundo ay nagsibalikan na ang lahat ng mga players sa kampo nila malapit kay Whiteblood.

Hindi nila alam kung bakit tumigil sila o ano ang nangyayari.

"Bakit tayo tumigil?"

"May bagong plano ba?"

"Di ba si Icy yun ng Iron Rose?"

Tanong at pagtataka, may ilan ordinary members na ang nakakarandam na may hindi magandang mangyayari ng nakita nila si Icy.

Hindi nagtagal nag report muli ang isa pang core member ni Whiteblood na Major rank " Guild Master, Si Zack ang isa Major ng Iron Rose ay namataang naka bantay sa 1st defence ng Hordles Kingdom"

Napabugtong hininga na naman si Whiteblood at napahawak nalang sa kanyang noo na parang sumasakit.

Nakapikit si Whiteblood sabay tingin nya sa langit "Ito na nga ba sinasabi ko, Ito NA NGA BA SINASABI KO EH!!!! IMMOVABLEEEEE!" Galit na sinigaw ni Whiteblood.

---------------------------

Sa lugar ng Hordles, dito sa first defence wall ay kasama lang ng malaking Orc ang isang tao, Magalang ang kanyang pagtayo sa presensya ng tao na ito. Deretso ang pangangatawan at maaliwalas nilang minamasdan ang mga players na kakatapos lang umatake sa kanilang Shield.

"Ginoong Zack, Ano na ang susunod natin hakbang" Tanong ng kulay green na orc na may taas na 2.2 metro.

"Ako na ang bahala" Sagot ni Zack.

Tumango lang ang Orc na syang commander sa 1st defence.

Sa pagkakataong ito ay lumapit ng kaunti si Zack malapit sa gilid ng pader para mas mapansin sya at sinabi "War Lord Guild lalo na saiyo Warbeast, Sa utos ng aking pinuno, Hindi ko kayo hahayaan makalampas dito, Huwag mong subukan ang kakayahan ng aking Guild" Kalmadong salita ni Zack gamit ang voice enhancer.

The Immovable OnlineWhere stories live. Discover now