Chapter 24: Mistress of Magic

198 12 9
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

Nilublob ko ang aking damit sa tubig at marahas itong kiniskis. Kinusot ko ng tubig ang black jacket ko na puno ng dugo. Ngayon ko lang napansin na duguan ang suot ko, kaya ngayon ko lang rin nagawang tanggalin.

Napabuntong hininga na lang ako nang itapat ko muli sa araw ang jacket. May mantsa pa rin, pero hindi na masyadong halata. Dahil natuyo na naman ang dugo, wala na akong magagawa. Swerte ko lang at itim ang suot ko ngayon.

Kahit na hindi na kita ang mantsa, napagdesisyunan ko pa ring hubadin na ito dahil hindi ko na p'wedeng isuot. It's the Acropolis Hellenes' uniform. Am I still allowed to wear it.

Since wala namang tao rito sa may ilog na nakita ko hindi kalayuan, walang nakakakita sa ginagawa ko. I remove my jacket and vest leaving only the black shirt underneath. I tucked it in my skirt. Mukha tuloy akong cheerleader.

Pinagmasdan ko ang tinanggal kong damit, at naisipang iwanan nalang ito. It's not like I'll ever wear this again. I dig a hole near a secluded tree trunk and buried my clothes inside, even taking off the unnecessary accessories on my uniform. Tanging shirt at skirt nalang ang natira kong suot.

Tumayo na ako mula sa lupa nang matapos ako. Pagkapagpag sa damit ay naglakad na ako palayo.

Gamit ang daan na naalala ko, tinahak ko ang daan papunta sa bayan kung nasaan ang dati kong orphanage.

The sun is taking a peek at the horizon. Malapit na itong sumikat. I squint my eyes, guessing the time. It should be at least seven or eight in the morning.

Nagtagal rin pala ako sa kakakusot ng aking damit. Nakapagpahinga na rin ako ng mabuti kaya maayos naman ang pakiramdam ko.

Naglakad lang ako nang naglakad. Hindi ko inisip kung gaano katagal akong maglalakad sa daan na tinatahak ko para hindi ako mabaliw agad. Pagkarating ko sa bayan kung nasaan ang orphanage, hinihingal na ako.

Tuluyan nang sumikat ang araw kaya sa mga daang may harang sa araw ako nagtungo. Buti nalang at hindi pa nagbabago ang itsura ng bayan, kaya alam ko kung saan dadaan para hindi ako mabilad.

If my memory serves me right, it would take an additional fifteen minutes before I reach Fortuna Orphanage, but that's not where I'm going. Madadaanan ko lang ito at sa paglagpas ko rito, liliko ako sa isang kalsada at diretso na iyon sa isang village, kung saan talaga ako papunta.

Great. More walking.

Nagsimula na muli akong maglakad kahit na hinihingal pa. May nakakasabay akong mga nagjo-jogging sa umaga. Ang ilang tindahan na nalalagpasan ko ay nagbubukas na at may mga costumers nang nakahilera.

The sound of tricycle engines fill the place. Amidst the roaring of exhaust pipes, I hear people greet each other early in the morning.

May narinig akong tunog ng isang bell kaya napalingon ako sa aking likod. Lumihis naman ako sa daan nang makita ang isang lalaking nagpapatakbo ng bisikleta. Nginitian niya ako bago lagpasan.

Hindi ko na lamang siya pinansin. Natuon naman ang atensyon ko sa ilang maliliit na batang naglalaro sa labas habang kumakain ng tinapay sa malapit na tindahan.

Atsaka ko lang napansin na nandito na ako sa orphanage nang makilala ko ang mukha ng mga bata. Nasa tapat lang ako ng mataas na building.

May ilan pa akong nakitang bata na lumalabas sa mismong oprhanage, tapos ay makikilaro sila sa ibang bata. Naalala ko tuloy na sobrang aga kung gumising ng mga bata para maabutan nila ang mainit na pandesal sa tindahan.

They love playing early so much, the older kids like me get waken up by their antics too.

I suddenly remember the times when I'm still an orphan, mixing in with the normal people. Palagi akong maagang gumigising noon para hindi nila maistorbo. I don't like waking up grumpy, because the director said it upsets the kids, kaya inuunahan ko na sila.

The Eternal in Abyss (Imitheos Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن