Chapter Twenty-Eight: Side B

2.4K 93 9
                                        

Rei's:
You finally noticed me.
And you followed back. Damn.

I didn't get to see the reply until I was home and on my bed. I stumbled upon the message by chance but what really captured my interest was the username. Mas lalo akong namangha nang makita kung gaano karami ang messages niya sa akin. Hindi ko 'yon nabasa lahat at mukhang mula pa nung March siya nag-me-message sa akin. That means he's probably been following me ever since I started doing videos.

The daily messages reminded me of myself when I was still fangirling over Zeno. I used to message him almost everyday. Bawat post ay lagi akong naka-like at comment. Not that he ever noticed me on social media before. Pero na-notice naman ako sa personal, so I know how satisfying it is to be noticed by your idol.

The fact that I have fans is surreal to me. Hindi ako makapaniwala na ang ginagawa ko dati ay ginagawa na rin sa akin ng maraming tao. Naiintindihan ko na tuloy si Zeno kung bakit hindi niya man lang napansin ang kahit isa sa messages ko. There was just too many and being noticed is pure luck. This made me want to try harder and be more interactive with my community.

Rei:
Xuri na. Marami kasi masyadong notifs :((
Hirap maging cKat 😮‍💨
Eme
Followed back kasi ang cute nung username mo! Hehe

Rei's:
Mas cute ka.

Rei:
Luuuuhhhh
Pero true HAHAHAHA
Charot

I closed that message and checked other messages on my inbox. Maraming messages at aabutin ako ng siyam-siyam kung sasagutin ko lahat. Nag-react lang ako sa karamihan ng messages at nag-personalize thank you lang sa ilang users na marami nang messages sa akin.

I saw the name Rei's on top of my inbox again. I opened it.

Rei's:
Lol.
Do you have a collab project with that Echo guy?

Pumirma na ako ng kontrata kanina at naka-schedule na this weekend ang unang araw ng pag-film namin ng content. Wala naman nakalagay sa kontrata na bawal kong ipagsabi ang tungkol sa collab. If anything, I think spreading the word is good marketing.

Rei:
Yuppp! We partnered with Oishi.
Simulan mo na mag-ipon para bumili sa yellow basket ko wahaha thankies

Rei's:
Your first sponsorship. I'm happy for you.
Congrats, Rei.

Napanguso ako kung gaano kakalma ang kausap ko. Proper punctuation. Walang capslock. Sobrang ibang-iba sa stereotype na fan girls, or at least ibang-iba sa akin kung mag fan girl. Feeling ko tuloy ako pa yung fan sa taas ng energy ko.

Rei:
Aww. Arigathanks!

I thought that was a perfect way to end that interaction. Pero mabilis ang naging sunod na message niya.

Rei's:
What's he like? Mabait ba siya sayo?

Napaisip ako. It was an unusual question. But then again, syempre as a fan, concerned ka kung maayos treatment ng iba sa idol mo. At isa pa, kung hindi ko sasagutin ay baka maging issue. Not that I think this person would make an issue. He or she seems very chill.

Rei:
Yes! Funny rin siya. Hahaha. Pareho kami ng humor. Magaling din na dancer. :)

The reply was instant and without any afterthought.

Rei's:
Sounds like you like him?

Halos masamid ako sa nabasa. Mas lalong hindi ko pwedeng hindi replyan ito.

Rei:
HUYYY issue si bestie
Tulog na ako. Goodnight!! Thanks again.

Rei's:
Lol. Just asking, Rei.
Goodnight. :)

In Between StarsWhere stories live. Discover now