Chapter Two: Side B

5.1K 145 38
                                        

It freaking trended. A lot of people from the event filmed the 'moment' that I had with Zeno and it exploded over night. At hanggang ngayong umaga ay trending pa rin and pangalan ni Zeno at puro mga video clips sa gabing 'yon ang lumalabas sa feed ko.

Thank God I was wearing a face mask last night, otherwise my face would have been plastered in everyone's screen. That's something that would have sent me packing back to Cebu.

I spent the whole night monitoring the situation and even right now, early at the morning while doing my dog walking part time job, my eyes were still glued on my phone.

Maraming nainggit at meron din nagc-claim na sila yung babae sa video. I couldn't even tweet about what happened or send my daily message to Zeno because I couldn't risk being found and have the spotlight on me. I had to bottle it in and obsessively stalk the threads without making a squeak.

I couldn't even talk to Summer about it anymore dahil narindi na siya sa akin kahapon matapos niya akong hilahin paalis doon. Hindi na namin pinanuod ang event dahil ang usapan din naman namin ay basta makita ko lang si Zeno. Masyado akong masaya sa nangyari na hindi na ako nagreklamo sa kanya sa paghila sa akin. Nasagot naman ang prayers ko, at may bonus pa nga.

It was already a dream come true that I saw him in person, but I must have been God's favorite because he freaking noticed me!

Nag-wo-work pala talaga ang pagma-manifest. Gabi-gabi kong ipinagdadasal na sana makita ko si Zeno in real life. Sunod ko ata dapat ipagdasal na maging jowa ko siya in this lifetime. Malay mo mag-work... kaming dalawa!

I thought it was the start of a fan girl success story and the start of a modern Cinderella love story. Akala ko ay ipapahanap niya yung sinayawan niya at magpapasukat ng bucket hat sa mga babae para makita kung sino 'yon, but despite the turbulence that the bucket hat stunt created, Zeno's social media was quiet. Parang wala lang sa kanya ang nangyaring 'yon habang ang mga fans naman niya at lalo na ako ay halos mabaliw sa nangyari.

I wonder if he thought about it at night. Naisip niya kaya yung babae na kinuhanan niya ng bucket hat? Anong ginawa niya sa bucket hat? Tinabi niya kaya 'yon o tinapon lang pagkatapos? Four hundred pesos din 'yon! Sa Shopee ko lang nabili pero maganda quality ng bucket hat na 'yon!

What if mag-message ako sa kanya tapos singilin ko siya? Kaso malamang ay hindi niya lang makita o pansinin. Since 2013 na ako nag-me-message sa kanya sa Instagram pero hindi naman niya pinapansin. Hindi ko alam kung hindi niya lang nakikita dahil sa dami ng nag-me-message sa kanya o dahil hindi lang siya mahilig sumagot sa mga ganoon.

What if magsampa ako sa kanya ng kasong grand theft? Kasi bukod sa bucket hat, ninakaw niya rin ang puso ko. Eme!

I couldn't help but wonder what caused him to choose me, too. Out of the girls in the crowd, he chose to interact with me. Hindi ko naman ma-claim na dahil nagandahan siya sa akin dahil naka-face mask ako. I mean, behind the face mask, I can confidently say that I am pretty. I had thin eyebrows, pointed nose, and a heart shaped-lips. My eyes were slightly monolid, thanks to my mother who's a half-blooded Korean, but I think they add up to my appeal naman.

A logical part of me knew that it was probably completely a random selection and there was no meaning behind it, but a bigger part of me, the fan girl in me, wished that it was because there was something special there. That he felt a spark or a connection, which led him to pick me.

It was me being a complete delulu. Hindi naman masamang mangarap! Yung pangarap ko nga na makita siya natupad. Daily manifestation lang ang puhunan!

Natigil ako sa pagba-browse ng phone at pag-iisip nang may maramdaman akong sumampa sa hita ko. My eyes widened when I saw that Milo, the Dachschund, was humping my leg!

In Between StarsWhere stories live. Discover now