Pinili kong manahimik na sa buong byahe para wala na siyang masabi at hindi na ako ma-distract. Kapag hindi kasi siya tumigil, baka sumemplang pa kaming dalawa ng wala sa oras.
Thank God at nakarating naman kami sa bahay nila ng safe and sound. Dinala ko ang scooter hanggang foyer nila para hindi na kami maglakad katulad last time.
Hinayaan kong mauna si Zeno dahil pamamahay niya 'to at bisita lang ako. Zeno brought me to their patio, where we trained Thunder the last time I went here.
"Stay here. I'll go get Thunder," paalam niya bago umalis.
Sumunod naman ako sa sinabi niya. I chose to sit at one of the chairs on the table near the poolside. Pangalawang beses ko pa lang dito kaya namamangha pa rin ako sa laki at ganda.
Halos kasing laki nga lang ng guest bathroom nila yung apartment na tinitirahan ko. Kung aampunin man nila ako tapos wala ng available rooms, papayag ako sa banyo na lang tumira. It was so clean and spacious. Kasya pa ang isang single bed.
After a few minutes, Zeno came back with Thunder. May dala rin siyang isang pack ng dog treats, kagaya ng pinapakain ko kay Thunder. He previously asked me about that exact brand and flavor so he could buy it.
Nang makita ako ni Thunder ay tumahol ito at halos makaladkad na si Zeno nang tumakbo papunta sa akin. Lumaki ang ngiti ko at tumayo para salubungin siya. He stood up on me and I was giggling as he excitedly wagged his tail and jumped up and down.
Once he calmed down, I finally started his training. Since I missed last week's training, I had to repeat our previous trainings from before so Thunder would remember it.
We took a break after twenty minutes. May nakapatong na pitcher ng orange juice sa lamesa. Pinagsalin ako ni Zeno ng juice sa baso. Ininom ko 'yon pero hindi ko siya pinansin o nagpasalamat man lang.
After a five minute break, bumalik ako sa pagtuturo kay Thunder. Once another twenty minutes passed, I concluded it to be the end of our training for today.
"Aalis na ako," sabi ko kay Zeno na kanina pa nakaupo sa tabi ng lamesa at nanunuod lang sa amin. Inabot ko sa kanya ang leash.
"Are we not going to talk about why you're mad at me?" he calmly asked.
Kinunot ko ang noo sa kanya. "Hindi nga ako galit. Pumunta nga ako rito 'di ba?"
"What did I tell you about lying?" sumeryoso bigla si Zeno.
Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Tampo lang. Slight.
Halos mapatalon ako nang kunin ni Zeno ang kamay ko. Babawiin ko sana 'yon pero hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Nang hindi na ako pumiglas ay unti-unti niyang pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. We were both watching our hands as it intertwined.
"Tell me why you're mad," he gently commanded, his voice was so hypnotic that it was lulling me into a trance.
Huminga ako nang malalim. "Hindi nga ako galit."
"What did I do that upset you?" he asked again, with the same enthralling tone.
Bago pa ako tuluyang magayuma ni Zeno ay binawi ko ang kamay ko at inilagay ang leash sa kamay niyang 'yon.
"Uuwi na ako," paalam ko ulit at iniwan na siya mula roon bago niya pa ako mapigilan ulit.
"Rei," he called in an exasperated tone but I didn't stop.
He doesn't even know what he did! 'Di ba ay dapat alam niya na? Dapat pa bang ispelengin sa kanya para malaman niya ang dahilan? Hindi ko mapigilan ang sarili na mainis dahil doon.

YOU ARE READING
In Between Stars
RomanceThe S's #5 Nikaela Reign Hinkle has always been Zeno Pierre Serrano's ultimate fan girl-content with being in the shadows and watching him from afar. But when the universe suddenly did its thing, she's suddenly thrusted into the very limelight that...